Tuesday, March 17, 2009

HULA SCOOP: Huwag Madaliin ang Pag-ibig, Kusa Itong Dumarating



HULA: Huwag madaliin ang pag-ibig, kusa itong dumarating at nararamdaman pero dapat mo ring hanapin ang iyong “mahal” at hindi nakanganga na naghihintay.

SCOOP: Ang paghahanap ng mahal sa buhay ay sineseryoso at hindi binabalewala dahil ito ay pang habangbuhay mong pagsisisihan kung ikaw ay di tumama at habang buhay ka namang masaya kung ang mahal mo ang kasama.

Kaya narito ang mga ilang tips ni Sardonyx kung paano humanap ng pang habang buhay na kapakner:

1. Kailangan humanap ng kasintahan at hindi “syota-syotaan” lang. Iba raw ang syota, pang display lang daw yun at pang isang buwang relasyon lang. Teka ang tawag ba sa bf sa tagalog na slang ay “syoto?”

2. Huwag mong hanapin ang ugali ng Nanay mo sa hinahanap mong gf. Baka gusto mong gf ay yun katulad ng Nanay mo na masipag, marunong magluto, maglaba, mamalanta at mahusay magmasahe ng t-uhod,….teka e baka naman si “Inday” ang hinahanap mo at baka gusto mo pang itawag sa gf mo ay “cupcake” hehehe (remember si Inday tawag ni Sir sa kanya, “cupcake”…. hmmmp, ah ewan pag di mo magets, sige next hula na lang yun).

3. Huwag mong hanapin ang ugali ng Tatay mo sa hinahanap mong bf. Huwag kang umasa na ang lahat ng lalaki ay katulad ng Tatay mo na mahaba….mahaba ang pasensiya, matigas…..matigas ang loob at mataba…mataba ang puso.

4. Think postitive lagi pero huwag mo namang buntisin ang girl o magpabuntis ka sa guy na kakakilala mo palang, positive sa larangan ng relasyon ninyo. Isipin mo na “sana siya na nga…..ang manlibre ngayon,” sana siya na nga ang para ….parating magbabayad sa sinehan” o sana tulungan niya akong makatapos….ng pag-aaral” basta puro sana ang isaisip ninyo.

5. Huwag mag-tanong sa sarili na puro negative yun tipong di pa nga nanliligaw o nililigawan ay ang dami ng tanong na ganito:
“tatagal ka ba?”
“ang laki niya, kakayanin ko ba siya?”
“mahaba kaya ang p niya as in pasensiya?”
“baka di siya marunong….magluto o maglaba”
“kuripot yata….kuripot humalik”
“titi_gasan kaya siya….ng loob kung may problema na kami?”
“kiki_slap kaya mga mata niya pag nag I love you ako?”
“susu_nod kaya siya sa akin pag umalis ako ng bansa?”

6. Huwag maghanap ng ideal man or woman at “suntok sa buwan” ang hinahanap ninyo. Nasa libro, internet, at isipan lang ng tao yan, huwag kayong magpapaniwala diyan. Ang paghahanap ng lifetime partner ay comes in a “package ” na, kaya mahalin din ninyo ang kahinaan niya, malay mo, malay niya, at malay nating lahat, di ba?

7. Dahan-dahaning mong balatan… ay balutan pala…hehehe… ng pagmamahal ang lab mo para mamimiss ka niya lagi kahit wala ka. Ok lang na magpipindot-pindot ka dyan sa cellphone mo at magti-text lagi ng “I lab u,” lam mo na, mga mala-arnibal, at mala panot-sa na salita at kahit ano pang matamis na panghimagas ang ihalintulad mo basta lang na nakakapagpakilig sa lab mo, di ba?

8. Kung matalino ka naman at naghahanap ka ng mas matalino sa’yo naku malabo yan, magbilang ka na ng uban mo at asahan mong mawawala ka na sa kalendaryo. Buti pa nga ang kalendaryo may date baka ikaw di na kelan man magkakaron ng date hehehe, swertehan yan huwag ka lang talagang malasin hehehe.

9. Kung bobo ka naman, oooppps sorry bawiin ko sinabi ko, kung di ka naman matalino, sa palagay mo anong hahanapin mong kapakner??? Hmmm siyempre hanapin mo ang matalino na, kasi ang matatalino raw “bobo” sa pag-ibig hehehe at least magiging matalino ka na rin di ba? Malas lang niya.

10. Kung masyado ka talagang pihikan at hinahanapan mo kaagad ng baho o pagkakamali ang ka-date mo hay naku huwag ka na lang magbasa ng tips ko dahil, hula ko matigas talaga ang sa’yo, matigas ang ulo mo, dyan ka na nga pinapasakit mo lang lalo ang ulo ko at ulo ng mga may ulo hehehe.


PANUTO: Ilalathala ko sana ang larawan naming mag-asawa noong kami ay magkasintahan palang pero baka kayo masuka kaya beach na lang sa Hawaii ang nilagay ko. Ang payo ko dalhin ninyo sa beach ang "lab" niyo pero huwag ninyong lulunurin ha, para naman hindi ninyo malilimutan ang araw na kayong dalawa ang magkasama, kung ano man yun gusto ninyong gawin doon ehh di ko na aalamin pa hehehe.

PAHABOL: Iniaalay ko ang hulang ito kina RJ at Reena, nawa'y kapulutan ninyo ng kalokohan ang scoop ko sa araw na ito.

PAHABOL PA ULI: Baka hanapin ninyo ako sa larawan na naka two-piece, wala po ako doon ako po yun kumukuha ng larawan hehehe

7 comments:

  1. hahahaha...para sa amin pala ni doc RJ eto? hahahaha...kaya pala tinatamaan ako sa mga tips mo. hehe.

    galing-galing mo talaga! pero i agree sa unangtip. hindi na uso ang conservative ngayon. haha.

    ReplyDelete
  2. Ikaw na nga ang queen of double-meanings! Agree ako sa lahat ng points mo pwera sa 5. Siempre dapat you always give someone the benefit of the doubt.

    Kung mabait sya, dapat tanungin mo: nagpapa-impress lang kaya ito? o baka naman ex-seminarian? bakit sya lumabas?
    Kung galante sya: may ipon kaya ito? o baka naman smuggler sya o nagtutulak kaya ng droga?
    Kung gwapo sya na mala-artistahin: hindi kaya sya bading?
    Kung masarap syang humalik: go!

    If after asking the nega questions e pakiramdam mo, mahal mo pa rin sya, un na un. Ask mo na agad at ipasok ang...singsing sa iyong daliri.

    ReplyDelete
  3. Halatang-halata... ganap ang kasiyahan mo Sardonyx sa iyong buhay pag-ibig!

    o",)

    ReplyDelete
  4. parang di ako makarelate...

    hehehe, ang pinalalabz ni Mrs. thoughtskoto ang nakaupo kami sa beach, nagwawatch ng sunset at kumakain ng barbecue na saging or turon..hehehe sweet di ba?

    para kay RJ nga ito at sau reena at kay Nebz! hahaha, bakit p ako sumali magcomment?

    ReplyDelete
  5. Reena- tinamaan ka ba sa tips ko? sorry di ko sadya hehehe

    Nebz- ganda ng mga tips mo hehehe at mukhang nahahawa ka na sa mga hula ko hehehe, hula ko ay malamang sa oo eh baka hindi hehehe

    RJ- hmmm mukhang ayaw mo hula ko ahh? sensiya na po at matabang yata ang lovelife mo hehehe, hayaan mo babawi na lang ako

    Mr. Thoughtskoto- wow ang sweet naman.....ng turon hahahaha, pero oo nga ang sweet nun, kami pag nasa beach, habang nagwawatch ng sunset o sunrise (sa Hawaii ito nun)may inihaw na isda, talong at bagoong na may mangga pa at kamayan pa no, kaya eto nagtabaan lamon ba naman ginagawa sa beach hahaha tapos d naman naliligo hahaha

    ReplyDelete
  6. ay, nakakaloka ang hula! pero malista nga ang mga tips! :D reference sa mga nangangailangan! :D

    ReplyDelete
  7. syel- salamat sa pagdalaw, nakakaloka ba? hehehe oo magandang reference yan baka mag-asawa kaagad makabasa nyan hehehe

    ReplyDelete