Monday, February 16, 2009

HULA SCOOP: Maghihintay Ka Sa Wala


HULA: Maghihintay ka sa taong hinahangaan mo pero...hindi siya darating. Malamang maghihintay ka talaga sa wala.

SCOOP: Kung nandito ka para icheck kung may hula ngayon ehhh meron....pero wala wala hehehe.

Pasensiya na at wala po akong maihula ngayon at sa darating pang mga araw dahil sa ako po ay namamangha pa sa ganda ng Tokyo. Baka po sa pagdating ko na lang uli ako makapanghula, hindi po kasi gumagana ang radar ko ngayon at nababangga ng mga nagtataasang mga gusali dito sa Tokyo. Pagbigyan na ninyo ako at unang pagkakataon ko na masilayan ang bayan ng Tokyo.

PAUNAWA: Ang larawan po na nasa itaas ay kuha ko po at hindi ko po hiniram. Iyan ang Tokyo Tower isa sa humaharang ng signal ko na makapanghula hehehe.

4 comments:

  1. Wow! Nagbabakasyon po pala kayo ngayon. Sige sa susunod na hula-scoop, photo na galing sa Tokyo ang ipapaskil niyo rito. Akala ko nasa Paris po kayo ngayon, eh. U

    ReplyDelete
  2. RJ- salamat sa pagdalaw, wala pa akong maisip na hula hehehe pero baka maglagay ako ng mga photos ko sa isang blog ko sa "travelog"

    ReplyDelete
  3. shucks. kala ko eiffel tower. hehehe....

    waaaa...so maghihintay ako sa wala. haha

    ReplyDelete
  4. Reena- salamat sa pagdalaw kahit wala pang hula hehehe

    ReplyDelete