Monday, February 23, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mamintas sa Panlabas na Kaanyuan


HULA: Huwag mamintas sa panlabas na kaanyuan ng isang tao, magpasalamat ka na lang dahil hindi ka katulad ng iba diyan…..ang sabi nga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, because he is not a book.”

SCOOP: Narito ang ilang mga panlalait na maririnig natin sa mga tao, kaya maging matalas ang pandinig pag narinig nyo ang mga slang na salita na ito…. habulin nyo kagad ng itak ang magsabi sa inyo kung…. kayo ay pikon pero kung hindi naman…tawanan nyo na lang, kasi ang asar…talo!


Pangako- mapanga
Barok o mongol- mongoloid
Miyak- may cleft lip
Rudolph- namumulang ilong dahil sa tigyawat
Buwan- mahaba baba (quarter moon)
Monay- bilog at matabang mukha
Airport- malapad ang noo pwedeng lumanding ang eroplano
nakakasilaw- panot, nakakasilaw ang liwanag sa ulo
Mr. clean- kalbo
Patpat- payatot
Sexy- dalawa ibig sabihin niyan sexy ka talaga o mataba ka
Aparador- malapad na kayo sa katabaan
May putok- lakas ng bo (body order) nyo
Usi- mas malakas ang putok (ang baril na usi di ba malakas ang putok??)
Kalansay- buto’t balat, isang germs na lang ang pipirma at sementeryo na ang punta nyo
Siksik- di na sexy
Laki radar- laki tenga; tengang daga
Burog- butas-butas na mukha dahil sa maraming tigyawat
Burog-burog- walang tigyawat….na paglalagyan (no space available hehehe)
Maita- May tama
Brenda- brain damage
Booba- malaki ang hinaharap

PAUNAWA:
Ang mga halimbawa na ito ay malamang na hindi na angkop sa panahon natin ngayon sa Pilipinas dahilan sa pinaglupaan na siguro ito ng panahon, in other words......ay sa madaling salita hehehe ang labo pa rin.

Dagdagan nyo na lang pag may alam pa kayo, pag humaba kasi ito di nyo na rin naman babasahin e.

PAHABOL PA: Ang larawang nasa taas ay kuha ko sa Tokyo, pinag-iisipan ko pa kung may kinalaman ito sa hula ko ngayon....hmmm saka na lang nga.

4 comments:

  1. haha! bravo! miya miya! As I've said I always love fun and uplifting post, and this is one of them.

    I am following your blog sardonyx. keep entertaining kahit di ka kenkoy, mukhang pogi nga sa profile eh.

    ReplyDelete
  2. Simula noong bata ako, hanggang ngayong medyo matanda na ako hindi talaga ako namimintas. Totoo 'yan. Kasi ayaw ko ring gawin sa akin ito.

    Parang hindi pa naman po ito napaglupaan, naririnig ko pa rin ito bago ako pumunta rito sa Au mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

    Ayos, naipon nyo lahat ito. U

    ReplyDelete
  3. hehehe. naku, i'm not affected kasi hindi naman ako pintasera. (yata) :)

    yung iba nga sa list mo, now ko lang narinig ah.

    ReplyDelete
  4. Mr. Thoughtskoto- salamat muli sa pagdalaw mukha akong kenkoy pero di ako pogi kasi babae po ako as in "bebot" hahaha mukha lang siguro akong lalaki hehehe

    RJ at Reena- salamat at di kayo affected ng hula ko hehehe

    ReplyDelete