Monday, January 12, 2009

HULA SCOOP: Mahalagang Araw


HULA: Mahalaga ang araw na ito sa'yo huwag ka lang balewalain ng iba.

SCOOP: Narito ang kahulugan ko ng bale-wala at isang halimbawa ng sanaysay kung saan ipinamalas ang kanyang “mahalagang araw.”

Kahulugan:

Balewala- deadma; hindi mahalaga; kabaliktaran ng mahalaga


Sanaysay (essay):

Mahalagang araw

Ilang oras na lang at ikakasal na siya, magkahalong saya at lungkot ang kanyang nararamdaman. Lungkot sapagkat malayo siya sa kanyang mga mahal sa buhay; saya, sapagkat ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal nya. Pawang mga kaibigan nya ang dadalo sa pinakamahalagang araw na iyon sa buhay nya.


Mahirap talagang ikasal sa dayuhang bansa, malayo sa mga pamilya at kaibigan. Kahit sabihin mang malayo ay alam niyang hindi rin naman dadalo ang pamilya niya, hindi nila matanggap na ikakasal na kasi siya sa isang dayuhang hindi man lang nila lubos na nakilala.


Sa ilang taong inilagi niya sa bansang iyon ay doon niya nakilala si Dave, mabait, maunawain at maalalahanin kaya naman nahulog kaagad ang loob niya dito at di maikakaila ang kagwapuhan nito higit sa lahat tanggap nito ang pagkatao at ang pamilya niya.


Hindi rin naman nya masisisi ang kanyang mga magulang at kapatid, alam niya binigla nya ang mga ito sa kanyang desisyon. Sa kanya lamang umaasa ang kanyang pamilya, hikahos sa buhay, ang ama ay namamasada ng dyip, ang ina naman ay nagtitinda ng mga kakanin sa palengke gaano na lang kaliit ang kinikita ng magulang nya para mapag aral pa ang pito nyang mga kapatid. Peroalam niya naging mabuti siyang anak at kapatid, hindi siya nakalimot magpadala ng pera buwan-buwan sa kanila.


Sa ilang taon niyang inilagi sa ibang bansa nalimutan niya ang kaniyangsarili, naging sugapa siya.sugapa sa pagtatrabaho, di alintana ang pangungulila maitaguyod lamang niya ang kaniyang pamilya.


At ngayon sa araw na pinakahihintay niya, nakaharap siya sa salamin, nasisilayan niya ang kanyang mukha, may bahid ng kalungkutan, nakaayos na siya handang handa na pero hindi niya maalis na hangarin na kahit man lang sa isipan ay makatabi niya ang kaniyang ina, na siya sana ang mag-aayos ng kaniyang buhok, ng belo at ng kanyang gown...laking panghihinayang niya."sayang..sayang" ang nasambit lang niya. Sa sandaling iyon, kahit man lang sa huling pagkakataon umaasa siyang kakausapin siya ng kaniyang ina, kaya atubili niyang kinuha ang telepono at tumawag sa Pilipinas umaasa na papakinggan siya, "Nay si Brenda po ito...di pa siya natatapos ay nanggagalaiti na sa galit ang kanyang ina at."Hoy Brando tigil-tigilan mo na ang kaartehan mo, may brenda-mage ka na talaga at papatol ka pa sa hudas na lalaki rin na Deb na yun, debdeban ko kaya kayo??!!"....."Madir Dave po at hindi Deb".."Dave, Dabid o Deb" wateber pareho din yun..lalaki pa rin kayo.@@$$#@ mga bugok!!!


PAUNAWA:

Kung ang nabanggit na mga pangalan ay may kaugnayan sa inyong personal na buhay ay pagpasensiyahan nyo na po at ito ay pawang kathang isip lang, patawad po tao lang...


Ang sanaysay na ito ay hawi sa isang email na naglipana sa tabi tabi diyan.

No comments:

Post a Comment