HULA: Ipagmalaki mo ang natatangi mong katangian, huwag mong itago dahil balang araw magagamit mo yan sa pang araw araw na buhay. Hala, magladlad na!
SCOOP: Ang mga misis may tinatagong katangian yan na likas na sa katauhan nila kahit pa ang ilan ay housewife lang may ipagmamalaki pa rin sila at sa mga nagwowork naman bukod sa career nila e masasabi natin may sideline pa rin sila. Kaya narito ang ilan sa mga career nating mga misis o kahit pa wala pang asawa, nananalaytay na yata sa dugo natin, kaya hanapin nyo na sarili nyo dito:
Accountant- hanep magbudget, lagi tinatanong si mister kung ano binili nito, lahat naka lista ang mga bills na babayaran at take note projected na rin ang gagastusin na pangshopping. Titipirin na ang food budget huwag lang ang pangshopping spree.
Illustrator- ang galing magdrawing….magdrawing ng kilay! Pantay na pantay talaga minsan brown o black, manipis o makapal, hindi pwedeng umalis ng bahay na hindi nakakapagdrawing ng kilay kundi mukha siyang buhay na mummy.
Architect- planado lahat ang mga lakad, smooth na smooth ultimo name at place ng stall sa mall alam na alam kung saan, at kabisado na floor plan ng store kahit ang sale items alam kung saan nakatago, babaybayin lahat yan. Makikipagkita na lang sa mister sa isang lugar sa oras na tinakda niya kung kailan siya makakatapos sa pagshopping.
Engineer- ang galing magcompute at estimate ng mga “current” sale items, kahit walang calculator kayang kaya, basta nasa 75% off plus sales tax pa yun ha, sa palagay mo may “resistance” pa sya na hindi bumili? Hay naku kahit gaano katagal pa sa pagshopping malakas pa rin ang flow ng “energy” nya parang may “magnet” ang mga paa sa mall.
Scientist- laging nanghihinayang na magtapon ng mga gamit kaya mukha ng museum ang bahay o kaya naman nanghihinayang na hindi nakapag shopping sa mall during sale….basta bukambibig “sayang” kaya nga sayang-tist hehehe
Chemist- lagi na lang chemist-er naglalambing at umaasa, pag may nakita at nagustuhan na bagong bag at shoes asahan mo nakapulupot na ang katawan sa asawa di na pakakawalan pa maibili lang ng kapritso niya.
Chef- malamang lahat ay a-aggree dito, lahat ng mga misis ay chef na totoo, ang galing kasing magluto napapa ahhh at ohhh si mister sa sarap, e luto ng Diyos ba naman ang specialty….ang luffffet nyo!!
Note: Ang larawang nasa itaas ay kuha ko sa Hanauma Bay, Oahu, Hawaii at walang kinalaman sa hula scoop ko ngayon. Wala lang gusto ko lang magpost ng picture hehehe, blog ko naman to eh.
No comments:
Post a Comment