HULA: Huwag mong kakalimutan ang iyong mahal na kaibigan, kahit sa pangalan iyong tandaan. Nasusulat!!!dito… sa salawikain pala......”Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.”
SCOOP: Tayo ng mag-aral ng mga pinoy na pangalan.
KAHULUGAN KO:
Tandaan- hindi bataan: from the root word tanda= hindi bata; an- hulapi o suffix therefore tanda+ an= tandaan
Kaibigan- kamahalan: from the root word ibig=mahal, so kamahalan (wala ng kokontra)
TOTOONG KAHULUGAN:
Pangalan= kabantugan (ang bantot!! Kaya nga maganda pa kahulugan ko e)
Ang mga pangalan ng Pinoy kakaiba talaga, pag napunta ka sa ibang bansa obvious na obvious ang isang tao ay Pinoy sa pangalan palang except kung galing sa mga Spanish words na nakuha ng ating mga ninuno sa mga kalendaryo noon. Pero ang mga names natin noon ay may mga kahulugan pero ngayon hay naku wala ng meaning puro pinagsama-samang pangalan ng tatay at nanay at minsan di papatalo ang mga monster in laws natin at gusto nakasama pa ang name nila (kahit ang bantot amoy utot wala kang magawa). Ihahambing ko sa inyo ang mga names ng Pinoy through generations di ko na binanggit ang specific years kasi lalo lang tayong tatanda.
NINUNO DAYS(may meaning pa): Tunay na Pinoy names
1. Diwata- Diyosa; goddess
2. Ligaya- saya; happiness
3. Dalisay- puro,busilak; pure
4. Liwayway- madaling araw; dawn
5. Luningning- kinang; brilliance
6. Mayumi- mahinhin; modest
7. Bayani- dakila; great, hero
8. Makisig- guwapo; handsome
9. Datu- pinuno; chieftain
10. Lualhati-karangalan; glory
PINAIKLI NG TUNAY NA PINOY NAME DAYS:
1. Diwata- Tata
2. Ligaya- Gaygay
3. Dalisay- Dada
4. Liwayway- Lili
5. Luningning- Lulu o Ningning
6. Mayumi- Mimi
7. Bayani- Nini
8. Makisig- Sisig ay mali ahhh Makmak
9. Datu- Tutu
10. Lualhati- Ti--? Ay bastos….Lulu na lang
MGA PINAGSAMA-SAMANG NAME DAYS:
1. Jejomar- Jesus, Joseph at Maria (di kasi pwedeng susmaryosep at expression na lang)
2. Luzviminda- Luzon, Visaya at Mindanao , di na lang ginawang Filipinas
3. Usaffe- acronym ng United States Armed Forces of Far East (name ng teacher ko yan! Hehehe)
At ang mga walang kamatayang pangalan na lagi na lang nag-uumpisa sa Maria plus yun names from Spanish:
4. Maria+ Victoria= Marivic
5. Maria+ Teresa= Marites o Marissa
6. Maria + Carmela= Maricar
7. Maria+ Luisa= Marilou
8. Maria + Leonora + Theresa= Matet (hehehe)
9. Maria + Elizabeth= Maribeth
10. Maria + Cristina= Maricris
NICK NAMES MULA SA PINAGSAMA-SAMANG NAME DAYS
1. Jejomar- Jojo
2. Luzviminda- Luz o Minda, Luz-luz (??)
3. Usaffe- Fe
4. Marivic- Vicvic
5. Marisa- Mari
6. Maricar- Car
7. Marilou- Malou o Lou na lang o Lulu
8. Matet- Tet
9. Maribeth- Beth, Bek-bek (Betcha??)
10. Maricris- Kris, Kring-kring
PAUNAWA: Marami pa pong mga halimbawa ng mga pinoy names na dinoble doble pero masyado ng mahaba para ilagay ko pa, baka hindi nyo na basahin, mabubugnot pa kayo. Nawa’y kapulutan nyo ng uban ang hula kong ito….wala pong nakakatawa sa hula ko…wag na kayong maghintay pa.
No comments:
Post a Comment