Sunday, January 3, 2010

HULA SCOOP: Salubungin ang bagong taon ng may pag-asa....



HULA: Salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at tibay ng pananampalataya sa Ama; saya at may pagmamahal sa bawat isa. Lahat ng lungkot ay kalimutan na sapagkat ang 2009 ay tapos na.

SCOOP: Happy New Year sa Lahat! Happy 2010!! Paalam 2009

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Uso na naman ang New Year's Resolution kaya eto wala akong maisip kaya pagpasensiyahan ninyo na, lahat ng mga nagawa ko last year ay hindi ko na gagawin ngayong taon na ito:

1. Hindi na ako maglalaba
2. Hindi na ako magluluto
3. Hindi na ako maglilinis ng bahay
4. Hindi na ako mamalantsa
5. Hindi na ako magpapala ng snow


Teka parang may mali????

Baliktarin natin, ang mga hindi ko nagawa last year ay gagawin ko ngayong taon na ito:

1. Maninigarilyo na ako kahit dadalahikin ako ng ubo
2. Iinom na ako ng beer kahit mapait o kaya alak na mapait pa rin kahit na may allergy ako sa mga ito
3. Magba bar hopping ako nang makita ko naman anong meron sa loob ng bar dito sa Japan, kung gaano kaseksi ang mga Haponesa at kung paano sila rumampa
4. Makikibarkada ako ng husto, party dito party doon, banda rito, banda roon.....sayaw dito sayaw doon
5. Manlalalaki ako ....ngek mali, mali!!!! mambababe na lang?? ngek mali pa rin!! di ko kaya to! nevah! nevah! erase, erase!!! erase lahat ng mga yan!!!

mali talaga, bawal ang lahat ng yan!

sige wag na lang balik na lang ako sa kung anong ako, sabi nga ni Maricel Soriano, "I am what I am" ah peborit pala niya yang kantahin hehehe........eh ano nga ba ako noon 2009? next hula na lang hehehe, inaantok na ako at may pasok na naman bukas, ang bilis naman ng apat na araw na bakasyon! kakainis sana wala na lang pala akong trabaho hehehe para araw-araw may hula scoop at makapaglimayon sa ibang mga blogs...hay ayan na naman ako.....

10 comments:

  1. Happy New Year!

    Sana'y patuloy mo kaming patawanin sa 2010! Dahil hindi mo lang alam kung gaano nakakapagpawala ng lungkot ang makabasa ng comic post ni Alice (Alice pala ang pangalan mo ha...).

    (May kaibigan ako, pinangalanan namin ng Alice. Paano kasi, mahilig mag-ilusyon kaya tawag namin Alice in Wonderland. Wala lang. Nabanggit ko lang.)

    Happy Three Kings na rin!

    ReplyDelete
  2. Happy Three Kings!!!

    Sa pagpasok ng 2010, nawa'y patuloy ka pa rin na makapagbigay saya sa nakararaming Pilipino sa ating komunindad. Syempre wish ko sa iyo ay isang masaya, mayaman at malusog na buhay.

    ReplyDelete
  3. Nebz- tawagin mo na lang ako ng Sards kasi kapag Alice parang lagi mo akong pinapaalis eh, ok na ang Sardz mas masaya kahit feeling ko masikip na parang sardinas hehehe

    Pope- Happy New Year at Three Kings meron pa pala nun? hehehe kasi akala ko birthday ni Sharon Cuneta na ang kasunod ng New Year e LOL. Maraming salamat sa yong wish hula ko matutupad yun wag lang di mangyari

    ReplyDelete
  4. Hehehe :D Basta wag mo lang isama sa resolution mo na hindi ka na magbablog, dapat tuloy tuloy tong Hula Scoop :)

    ReplyDelete
  5. Hindi ako gumagawa ng New Year's Resolution simula pa noon.

    Pero tamang-tama para sa akin ang payo mo rito sa iyong hula. Salamat.

    Happy New Year, Sardonyx!

    ReplyDelete
  6. Para sa akin, dapat ang new year's resolution e yung kaya mong tuparin. Katulad ng:
    -Mag palit ng medyas araw-araw.
    -Mag palit ng boxer short araw-araw.
    -Mag sipilyo ng ngipin 2x a day.
    -Maligo ng isang beses araw-araw.
    Wala lang, mababaw lang kasi ang "aim" ko sa buhay.

    Happy 3 kings, Sardz! (Alice pa lang pangalang mo ha. Mommy ni Dennis the Menace). >: D

    ReplyDelete
  7. CM- don't worry di ko isasama ang hindi na ako magba blog pero baka bawasan o dagdagan ko kung ilang beses sa isang linggo ako dapat magblog depende sa mga payo ninyo hehehe

    RJ- wow ang galing mo naman, hanga ako sa'yo doc RJ walang new year's resolution dapat araw- araw di ba? tama ba?

    Blogus- hahaha di ka pala nagpapalit ng medyas araw-araw huh pati boxer short??? LOL, ssshhh wag mong banggitin ang name ko nakakahiya LOL, para mo naman akong pinapa alis palagi niyan

    ReplyDelete
  8. Sana nga pwede yung unang new years resolution...kaso kapag ginawa ko yan baka divorce ang abot ko hahahahaha pero ang wish ko sana...
    1. meron maka imbento ng disposable clothes
    2. uso ang kasambahay dito
    3. katulad din ng number 2
    4. mas heavy duty ang dryer namin para pag-pag na lang di na kailangan mag plantsa (tamad talaga) hahaha
    5. hindi na mag snow dito sa alaska hahaha

    Atche I hope you had a good new year :) God Bless Always...take care *mwaaaahhhhhh

    ang nag iisang....KBlag

    ReplyDelete
  9. happy new year, sardz! ayokong gumawa ng resolutions, di kasi nagagawa (getz?).. hahaha.. pero i'm proud we're not drinking coke since few months ago that we stopped...my wish for hula scoop for 2010 : more amusing posts; pang tangaal stress! =)

    ReplyDelete
  10. kblag- wag kang mag-alala at malamang meron ng disposable clothes by that time na matanda na tayo hehehe; yun unang resolution malamang talagang divorce ang kasunod nun LOL

    kapag di na nag snow sa alaska hind na alaska tawag diyan.....nido na nido LOL

    docgelo- oo nga ako rin di ko magawa sarili kong new year's resolution, buti ka pa nagstop na sa pag inom ng coke ako hindi pa pero once a week na lang hehehe....sana magkatotoo ang wish mo sa hulascoop ko

    ReplyDelete