Friday, January 15, 2010

HULA SCOOP: Masanay Ka Na

babaeng nagpapala ng snow sa tapat ng bahay nila (kawawa naman siya)


HULA: Masanay ka na sa mga bagay o gawain na bago palang sa paningin mo o di mo pa nagagawa, dahil balang araw....masasanay ka rin kaya huwag mo ng hintayin magkaroon ng bala ang araw, sanayan lang yan!

SCOOP: Mahirap talagang masanay sa mga bagay na hindi mo nakagawian, pero dapat talaga tayong masanay, kasi yun ang sabi ko. Ikaw ba meron dapat sanayin? Bakit di ka pa ba sanay sa mga post ko? hehehe

Anu-ano ang mga bagay o gawain na dapat kong sanayin:

1. Dapat matuto na akong magpala o magshovel....kung dati lupa sa paso lang ang pinapala ko ngayon snow na sa harapan ng bahay namin.

2. Dapat na akong masanay sa lindol na may intensity 5.0 o pataas na kada linggo yata ay meron dito, yun bang akala mo inuuga ang pintuan mo eh yun pala lindol na. Kaninang umaga lang meron na naman at noong isang linggo rin parehong intensity 5.0, ang matindi pa nito ang tagal ng lindol dito!!! Actually (naks naman feeling artista ako kada sinasabi ko ang salita na ito e hehehe), unang dating palang namin dito sa Japan, nawelcome na kaagad kami ng 6.8 na dumadagundong. Dinuduyan lang naman kami sa 3rd floor ng inn na kung saan kami pansamantalang nakatira at habang kumakalampag ang sarado naming pinto akala ko katapusan na ng mundo yun pala umpisa palang pala yun ng karanasan namin sa maraming lindol dito. Hayyy naku di yata ako masasanay nito.

3. Dapat marunong na akong magpalit ng ilaw na pundido, magsungkit ng baradong inodoro, maglinis ng dalawang sasakyan, dalhin ang mga sasakyan sa autoshop para magpa change oil, marunong magjump start ng kotse pag nadiskarga ang baterya nito at mga bagay na ginagawa ng mister dahil sa nalalapit na pagpunta ng asawa ko sa isang lugar sa middle east. In other words (sa madaling salita....hmmm mali dapat mga salita di ba? whatever!) dapat maging mister na ako hehehe.

4. Dapat matuto na akong di gamitin ang salitang "kasi" kapag sinisisi ko ang asawa ko, papalitan ko na lang na "dapat ginawa mo ito...." hehehe para hindi masyadong obvious na naninisi pa rin ako hehehe.

5. Dapat...dapat....puro na lang ba dapat???? Hindi talaga ako masasanay kung walang salita na "dapat" kasi dapat meron talaga niyang dapat dahil kapag wala, hindi na karapat dapat ang anumang papalit sa akala ng iba na nararapat na dapat ipalit....dapat lang!!

6. Ayoko na!! Ang hirap masanay!


naks naman ang pose!! (hmmm kakainis bakit ba ako yan?? dapat hindi ako yan e hehehe)

PAHABOL: Nakikiramay ako sa mga nabiktima ng lindol sa Haiti. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit panay ang lindol dito ay wala naman bumabagsak na mga building at nasasaktang mga tao.

12 comments:

  1. Ang dapat sanayin 'yung magaganda at mabubuti...

    If you know na something may mali... Hindi ka dapat masanay kung may pwede ka namang dapat gawin!

    ReplyDelete
  2. dapat sanayin ang mga karapat dapat na sanayin. Naku! talaga ngang mahirap. Mahirap din yatang masanay sa lindol.
    Galing mong mag shovel ah.

    ReplyDelete
  3. syayks!!! diba ang hirap magpala? naranasan ko na ang pagpala, pero hindi yelo ang pinapala ko, kundi lupa... ang sakit sa balikat... grabeh... hindi ko na inulit yon... kasi sumakit na nga katawan ko, nabilad pa ako sa araw.. hehehe... haizt... dahit sa "Masanay ka na" bigla ko tuloy naisip ang mga bagay na dapat kong sanayin... naparami... as in super duper dami... tulad nalamang ang masanay sa gawaing bahay... nyahahahay... darating ang araw na darating din ako sa point na ako na ang gagawa ng mga gawaing bahay... makaya ko kaya? hmmmm....

    ReplyDelete
  4. Sards kaya mo yan! super mummy ka eh! pero ayos ang posing mo sa picture ah, di halatang ready ka sa camera! hehehe! panay pala ang lindol dyan, buti naman safe kayo. uy, di ko pala nagawa request mo, pero yung post ko this week para sa'yo! :)

    ReplyDelete
  5. Hehehe :D Masasanay din ako na bawat punta ko dito eh tumatawa ako bago magcomment lolzz

    thanks sa magandang umagang hatid ng iyong entry :)

    ReplyDelete
  6. yan ang madalas na sinasabi sa akin ng aking may bahay, Natay nga daw sya. electrician, tubero at kung anu ano gawin na dapat ako ang gumagawa ay sa kanya na. well some dapat maging versatile tayo sa ating buhay.

    ReplyDelete
  7. talga bang nagsho-shovel ka or posing lng yahn? hehe.

    oo, let's pray for them. dami na ngang namatay!! sana nga wala ding malaking lindol sa atin.

    ReplyDelete
  8. Naalala ko tuloy yung awiting 'Superwoman', hay naku kelan ba punta dito ni hubby mo sa Doha? Ano ba puede ipabili sa Japan, hmmmm? Sayang di ka kasama.

    Well it looks like a difficult challenge awaits you in the future, kaya mo yan, you need courage and faith.

    A blessed weekend to you and your family.

    ReplyDelete
  9. minsan masama din ang nasasanay. porke nasanay na e ginagawa nang palusot "Eh kasi sanay na ako eh"
    kung meron man DAPAT sanayin yun ay MASANAY mag-adjust sa sitwasyon.

    Onga noh DAPAT talaga na may salitang DAPAT dahil madaming umiiksena sa mundo na maraming "DAPAT" sabihin.

    ReplyDelete
  10. Empower yourself!

    Sige, suportahan ta ka sa pagsasanay mo sa mga nakalista sa #3. I think all wives should learn them too. (Actually...:-), kahit alam kong imposible, dapat ang mga mister matuto rin ng gawain ni misis like paglalaba, pamamalantsa, pagluluto, pagba-budget, etc).

    That's what you call empowering the family! (Jowk. Wala naman yatang ganun!).

    ReplyDelete
  11. dapat masanay sa lindol? katakot naman yung #2 sardz... alam kong may ganyan sa japan pero coming directly from someone who's there (naks, parang knock knock who's there? lang ano?!) kakatakot po! but i salute you for being a handywoman, if there's such a term. im sure your husband and kids are so proud of you. magpala ka ba naman ng snow sa bakuran nyo e. lol. padala ka naman ng niyebe sa pinas, kahit pang halo-halo lang! =)

    ReplyDelete
  12. Mangyan Adventurer- may punto ka dyan, e lam mo naman ang hulascoop ko kalokohan hehehe kaya dapat pala wag kang masanay hehehe kasi puro mali yun scoop ko LOL, by the way thanks for visitng my site, dalaw ka uli ha

    lorena- sumakit nga likod ko kakashovel eh, grabe! lagi ngang may lindol dito pero yun talaga ang mahirap masanay

    katuray- kayang kaya mo ang masanay sa gawaing bahay basta sanayan lang yan hahaha, salamat sa dalaw ha, ganda ng name mo hehehe

    syel- di ba halata na nagpopose lang ako? hehehe
    pero nagshovel din ako yun nga lang pose muna para wala pang pawis sa picture hehehe, thanks at pibagbigyan mo ang request ko ha

    CM- dpat ka talagang masanay na dumalaw ka sa blog ko kahit corny sanayan ang yan hehehe, thanks sa dalaw

    lifemoto- ang hirap ngang maing Natay kahit pa Tanay hehehe, dati nga ang trabaho ko panlalaki pati ba naman sa bahay di ba? ganun talga dapat sanayan lang

    Reena- nagpose muna ko bago ako nagshovel para di pa ako pawisan sa picture hehehe then saka ako nagshovel sumakit nga likod ko no


    Pope- I know that song, Superwoman, favorite ko rin yan hehehe, kaso di naman ako nagrereklamo hehehe (konti lang). Ano ba gusto mong ipabili sa Japan?? hello kitty? hahaha yun lang alam ko magandang souvenir e hehehe, let me know ha, oo nga sayang di ako kasama, bawal eh

    Mga Epal (ano ba yan name mo nakaktuwa hehehe)- aba may punto ka dyan, marami ngang ginagawang palusot yan pero pag hindi nagpapalusot yun "dapat" na salita naman ginagamit parang wala talagang lusot eh hehehe

    Nebz- nagawa ko na nga yun iba sa #3 yun pagpalit ng ilaw, pagsundot sa inodoro, yun pagjump start sa kotse ang hindi pa, wag naman sana akong madiskargahan ng baterya. Pero ngayon kailangan kong maging proactive gusto ko papalitan sa asawa ko lahat ng ilaw namin para wala ng mapupundi while he's gone hahaha, o di ba?? kaso nagrereklamo kaagad ang asawa ko kaya yun mahirap na lang tanggalin na ilaw ang pinapauna ko sa kanya, the rest kaya ko naman eh. Yun ngang pag assemble ng power supply nakaya ko yun pang ilaw di ba? hehehe

    doc- siguro masasabi kong medyo sanay na ang mga tao sa lindol pero takot pa rin yun nga lang parang hindi na pinag uusapan na nilindol kami para bang pangkaraniwan na lang yun lindol. O kaya para bang hinihintay na lang namin matapos ang pag uga na may kaba.

    after ng posing at pagshovel sumakit ang likod ko nga e kaya the next day nagsnow uli hinayaan ko na ang asawa ko hehehe ang hirap pala, dahil napapalapit sa akin si kumareng salonpas hahaha

    ReplyDelete