
HULA: Magulo ang isip mo ngayon parang tali na buhol-buhol. Mag-ingat ka at baka di mo makalas yan. Dahan-dahanin mo na bigla ang kailangan diyan hehehe.
SCOOP: Minsan talaga sa buhay may oras na magulo ang isip natin, buhol- buhol na parang buhok ooopps na parang tali pala. Kaya eto maraming gumugulo sa isipan ko na aking sinaliksik pa para lang maayos ko ang gulo sa utak ko. Hay buti na lang nandiyan lagi si mareng yahoo at kumpareng google laging kaagapay ko.
Ibinabahagi ko sa inyo ang aking natutunan:
Mga lalawigan sa Pilipinas at ang kanilang kahulugan:
1. ANTIQUE - hantik o malaking langgam (marami kayang hantik dito? ang alam ko maraming aswang dito hehehe)
2. BABUYAN ISLAND- tawag din sa lugar o lagayan ng mga baboy ( so talagang baboy pala meaning asa pa naman ako iba meaning ng babuyan hehehe)
3. MARINDUQUE- mula sa alamat na Marina and Garduke, a legendary couple ( so totoo pala na galing sa alamat ang name nito?? hmmm ang alam ko lang tagarito ang Nanay ko hehehe)
4. BULACAN- bulak or cotton (siguro maraming bulak dito o cotton candy)
5. COTABATO- mula sa salita na kuta bato or a stone fort ( sa Cotabato ba ay bisaya rin ba salita kaya yun "kuta" naging Cota?- "siguro" sagot ko hehehe)
6. ILOILO- ilong or nose (ano kaya maraming ilong dito? o ibang klase ang ilong nila kaya malambing ang salita nila kahit galit na? )
7. MINDORO- mula sa salitang Spanish mina de oro, or gold mine (wow mayayaman kaya tao dito o puro lang sila minero?? taga pala o taga piko??)
8. TARLAC- mula sa salitang Aeta word na ang kahulugan ay weed (madamo pala dito hehehe)
9. NEGROS- mula sa Spanish term for black people (marami kayang negro dun???)
10. MASBATE- masa bati, which means mix and beat as in making bread (ano ba yan? parang ang weird naman nun meaning na 'to lalo na pag binilisan ko ang pagbasa, parang mali pa yata na nalaman ko meaning nito hehehe)
Hay kakapagod naman mag-aral parang di na ko sanay, ang problema may natutunan ba ako o puro tanong din sa bawat meaning na binigay ko.
eto pa sana kaso tinatamad na ko, kayo naman kung sinisipag kayo kung hindi naman, ok lang ganun talaga ang buhay.....
paki ingles:
bulubundukin
alalaong baga
bukang liwayway
takipsilim
agaw-buhay
eto pa:
muta
libag
uhog
anghit
anit
surot
hanip
kingki
buhaghag
lamas
PASALAMAT AT PAHABOL: Salamat muli sa larawan na ginamit ko ngayon, dinekwat ko sa Kuya ko sa kanyang flickr (paki click na lang yun "flickr" kung gusto niyo silipin mga model at awesome photos niya hehehe- sorry lang at wala akong picture doon baka kasi wala ng dumalaw sa site niya hehehe). Kuha niya yan nang dumalaw siya sa lalawigan ng aking nasirang ina na kung saan naninirahan ang aking ama ngayon .....sa Marinduque, kuha sa Moriones Festival. Miss ko na ang Marinduque sana makadalaw ako ngayon taon na ito doon at sana lang....walang bagyo, kasi popular lang ito kapag may bagyo, laging signal no.3 hehehe.
#6 A...kaya pala Ilonggo ang tawag sa mga taga Iloilo. Now I know.
ReplyDeleteUng pinapatranslate mo, hayaan mo pgdating ko sa bhay mmya. Uwian na kc namin ngaun.
kahirap naman itranslate ito, sardz :
ReplyDeletealalaong baga! LOL! hahaha!
taga marinduque pala mom mo. i've never been there and always wanted to own a moriones mask kaya lang totoo ba na mahal kasi it's made of bark of wood? craftmanship na lang naman kasi!
kaya lang hindi ba nakakatakot sila pag lights off na sa gabi? lol.
Atche dami kong natutunan ngayon...naalala ko tuloy ang mga hula sa bof...tutal wala pa si bossing eh nag translate ako kahit na nose bleed talaga ako!!!
ReplyDeletebulubundukin - mountaining
alalaong baga – no lungs
bukang liwayway – open sesame
takipsilim – closing time
agaw-buhay – 50/50
muta – eye booger
libag – 24K
uhog - in & out
anghit – jovan
anit – skin head
surot - ?
hanip - ?
kingki - re-bond
buhaghag – palmolive
lamas - don't touch me some more
KBlag
ayon sa google translate, ito ang englis ng mga sumusunod:
ReplyDeletebulubundukin = mountains
alalaong baga = therefore
bukang liwayway = open dawn
takipsilim = Twilight
agaw-buhay = dying
***
muta = muta
libag = dirt
uhog = mucus
anghit = odor
anit = scalp
surot = buggy
hanip = chicken louse
kingki = kingki
bauhaghag = porous
lamas = combat
***
tama po ba si google translate? Ammmmmmmm.... may katanungan po ako, ano naman po ang kahulugan ng lalawigan ng sorsogon?
Sa tanong mo sa #9, malamang marami! NEGROS nga eh!May S, Plural ibig sabihin marami!
ReplyDeleteHehehe :D
nakaka aliw talaga mga post mo :) galing galing!
ReplyDeleteNebz- nasaan na ang sagot mo??? hihintayin ko yan ha hehehe; so ano kaya ang ibig sabihin ng ilonggo? ma-ilong? o malaki ilong?? ano ba talaga Kuya? hehehe
ReplyDeletedoc- madali lang itranslate yan kahit scientific name tatanggapin ko hehehe; di ko alam kung magkano yun mask pero para sayo kahit magkano pa yun mura pa rin, pero sa kin kahit gaano man kamura yun, mahal pa rin hehehe; kahit maliwanag nakakatakot naman yun mask no, nun maliit nga ako takot na takot ako pag yun tito ko nakasuot nito eh
kblag- miss ko na rin yun forum, buti ka pa nakaksilip sa work ng blog ako di pwede e kaya di tuloy ako makapagpost everyday ng hula ko unlike dati pwede no.
Teka yun mga sagot mo parang masyadong aral na aral ka na sa hulascoop ko ah?? hehehe parang ang dami mo nang natutunan sa akin hahaha....eto pala ang score mo "0" pakiluto ha then pahingi na rin hehehe.....nagtataka lang ako bakit yun libag 24k? hehehe
kat- salamat sa dalaw at very resourceful ka ah at nagtanong ka rin pala kay pareng google nagtataka lang ako bakit yun lamas naging combat?? hahaha binola ka yata ni kumpare ko
next na reply ko na lang score mo kasi nawawala ang kodigo sa mga sagot e LOL
yun Sorsogon sabi ni kumareng yahoo, dati raw itong solsogon (baka Japanese ang mga tao sa inyo at di mabigkas ang L kaya naging R? hehehe) ang salitang ugat nito ay "solsog" so anong ibig sabihin nito sa tagalog?? sabi go against the current eh english yun eh so paki tagalog naman LOL
CM- sigurado ka marami nga doon?? sige baka magalit mga taga Negros sayo hehehe basta ako nagtatanong lang hehehe
Arlini- salamat sa dalaw, ang lagay ganun na lang?? nasan ang sagot mo? hehehe biro lang
nasagot na ang tanong mo eh, pwede same as the above na lang?! hahaha! oo nga nagdududa ako sa masbate din eh! hahaha!
ReplyDeleteHula ko lang to ha: Nagkaroon ng widespread runny nose sa Iloilo noong unang panahon. Kaya ang sabi nila: Ilong go! (Runny nose e! Hellooow! Korni ko!).
ReplyDeleteAfter reading Katuray and Anonymous' translations, parang wala na rin akong maidadagdag pa except perhaps these.
muta = morning glory leftover (haba no?)
hanip = alright!
tama na. nahilo na ako kaagad. hehe.
Hindi ata galing sa salitang ilong and Iloilo, kasi ang original name nyan is "Irong-irong". At wala na ring aswang sa Antique. Yung iba nasa ibang bansa at iba naging OFW. : )
ReplyDeletebulubundukin = hilly
alalaong baga = ember
bukang liwayway = dawn
takipsilim = dusk
agaw-buhay = dying
muta = "morning glory"?
libag = "body dirt"?
uhog = ???
anghit = body odor
anit = scalp
surot = bedbug
hanip = flea
kingki = lamp
buhaghag = spread
lamas = mash
syel- ok lang, kung mangopya ka ganyan talga typical na Pinoy hehehe joke basta was lang pati name ng kokopyahan mo hehehe
ReplyDeleteNebz- hahaha ok nga yun translation mo ng Ilong go no, tumpak na tumpak ka nga e pero mas natawa ako sa ingles mo sa muta at hanip hehehe ang haba ng muta grabe di ko kinaya yun.....yun alright "hanep" pero yun "hanip" flea yun LOL pero salamat sa pagsagot; pero kung ang spelling mo sa alright na hanep ay "hanip" tama ka na rin LOL
blogus- natawa ako sa sinabi mo na wala ng aswang sa Antique kasi nag OFW na hahaha at least "matayog" pa rin ang pangarap nila sa buhay at malayo ang kanilang nalilipad ooppps nararating pala hehehe....pero kahit sa probinsiya ng Nanay ko marami rin aswang e hehehe
teka paano naging lamp yun kingki??? LOL at yun alalaong baga ay ember??? ang layo hahaha pero salamat sa effort, natawa ako dun
TO ALL: Salamat sa pagbasa ng post ko ngayon at sa effort na binigay niyo para sagutin ang mga nagugulo kong isipan (naks naman!!!)
ReplyDeletePara walang away, lahat kayo ay tama in your own ways (hehehe) or interpretations at para makapaglinis kamay ako (at baka magkaisa kayong di ako bisitahim e mahirap na hehehe)e ito naman ang mga sagot ko na inaakala kong tama, sana lang walang magreklamo hehehe
MGA SAGOT:
bulubundukin = mountainous, hilly
alalaong baga = in other words, therefore
bukang liwayway = dawn
takipsilim = dusk, twilight
agaw-buhay = dying
muta = eye booger (yan ang sabi ng mga anak ko e hehehe)
libag = body dirt
uhog = runny nose, mucus, snot, booger
anghit = body odor
anit = scalp
surot = bedbug
hanip = flea, chicken louse rin, louse
kingki = frizzy (as in kingki ang buhok niya, di ba)
buhaghag = spread, loose (as in buhaghag ang buhok niya)
lamas = mash, knead
Si anonymous o kblag pala ay di bokya meron pala siya score..."1" hehehe sa eye booger niya (sorry ha)
And the winner is....dan daran.....si Blogusvox! naks naman kinareer mo na ito hehehe, pero salamat sa pagtry....galing galing naman!
Muli po salamat at nag enjoy ako sa mga sagot ninyo