Sunday, January 10, 2010

HULA SCOOP: Pag-ingatan Mo ang Mga Bagay na Akala Mo Ay Di Na Mahalaga



HULA: Pag-ingatan ang mga bagay na akala mong hindi na mahalaga sa iyo pero mahalaga pala sa ibang tao. Magagamit mo ito sa ibang paraan, isipin mo lang kung paano. Kung di mo maisip sige ipamigay mo na lang sa may gusto nito, ang mahalaga... importante talaga, di ba?

SCOOP: Ang labo talaga ng hula ko. Ang mahalaga may hula hehehe, pero teka alam ko na.....speaking of "pag-iingat" mayroon akong natatagong o tinatagong katangian na nakahiligan ko ....ang magtago ng ilang bagay na di ko naman alam kung magagamit ko nga ang mga ito.


"May mga bagay na basura sa paningin ng iba pero kayamanan naman sa ilan" - Sards (ngek hehehe, asa ka pa na iba ang nag quote nito??? serious yan huh!)

Tama ba?? katulad na lang nito.....

Collection #1- Stamps o Selyo

Ang isa sa nakahiligan ko ay ang pagkokolek ng stamps, naging inspirasyon sa akin na gawin ito nang makita ko ang stamp album ng lolo ko (yes si Lolo na naman ang bida, hehehe)

Nag-umpisa ito nang nasa 4th year high school ako, naging pangulo ako ng Philatelic Society Club sa school, ang adviser at principal namin noon ay mahilig din sa pagcollect ng stamps kaya siguro tinayo ang club namin. Dahil sa wala naman akong masyadong stamps noon ay dinala ko ang stamps album ng Lolo ko sa school ayun sabi ng adviser ko dapat daw hindi dinikit ni Lolo sa mismong papel ang mga stamps, sayang pero tinago ko pa rin. May mga loose stamps siya na nakaipit sa album yun ang iningatan ko at binalot ko pa sa plastic ang bawat isang stamp.


Eto ang gutay-gutay na 2 stamp albums ng Lolo ko, masuwerte siya nakarating na siya ng California, Hawaii at Japan tinalo pa ang mga kapatid ko hehehe


Unang pahina, si Lolo colorful magdesign hehehe, ano kaya ang hobby#1 ng Lolo ko? kasi hobby #2 na ito eh




Stamps ni Lolo na nilagay ko sa medyo magarang album, binalutan pa ng plastic para di masira ang perforation, mga scientific names ng ibon at hayop




Stamps pa rin ni Lolo, mga quotations ng mga dating Pangulo ng Pilipinas




Si Idol, Jose Rizal siyempre laging nasa stamps, mula 2 centavos meron na ang Lolo ko, galing niya!



Eto ang mga stamps na nasayang ang value dahil sa dinikit mismo ni Lolo sa papel ng album, dapat kasi may "hinges" na nilalagay sa likod nito para maingatan ang mga stamps




Eto ang bago kong collection, hello kitty at naruto stamps from Japan! hehehe


LARAWAN: Ang larawan na nasa itaas ay ang mga stamps na binigay sa akin ni Nebz, salamat Nebz! Kahit basura na sa'yo pinagtiyagaan mo pa rin ipadala dito para mapakinabangan ko. Pasensiya na di ko pa naasikaso at nalalagay sa album. Paki click ninyo para makita ninyo yun sobre na pinaggalingan nito, galing Saudi pa hanep! hehehe Yan ang pangalawang bida si Nebz! Idol!! Number 1 ng PEBA (sipsip!!)

PAHABOL: Ang nakakatawa, nagtago pa kami sa mga pangalan namin eh mabubunyag din pala ng PEBA hehehe.

Teka parang wala yun mga stamps na kinolek ko dito sa post ko??? Dami ko pang stamps kaso di ko mahalughog ...next time na lang pag nagpakita na sila sa akin hehehe

12 comments:

  1. wow we have the same hobby. yun nga lang baka na dali na sa Ondoy ang mga collections ko. naaalala ko tuloy nung nasa elementary i used to ask envelops from my friend just to collect the stamps. it was really fun and educational pa because of their historical backgrounds.

    ReplyDelete
  2. i used to collect stamp too pero matagal na panahon na yun hehe. i like the hello kitty stamps :)

    ReplyDelete
  3. Isa ka palang philatelist. Ang dami mo na palang koleksyon. D bale kapag may nakuha pa ako dito, ipapadala ko sa yo. Galing yan sa mga Western personnel namin na mahilig mangkolekta ng stamps.

    You're always welcome.

    ReplyDelete
  4. Dami mo palang mga stamps, Sardonyx! o",)

    Parang hindi sulat-kamay ng isang Lolong nabuhay sa WOrld War 1 ang nakikita ko doon sa Album, 'yong colorful... HULA ko sa 'yo ata 'yon Sardonyx.

    Marami rin akong stamps, pero nasa Philippines. U Collection ko rin noong High School. Pinadalhan din ako ni Kuya Nebz ng mga stamps ng England, pero hindi ko nai-blog. Nag-email lang ako sa kanya, pasalamat.

    ReplyDelete
  5. noong nasa elementary ako, tinangka ko ding mangolekta ng stamps. pero ako'y nabigo, sige i'll be honest --ako'y tinamad! hehehe..
    siguro naiba lamang ang hilig ko, o ang kinagiliwan. pero ok talaga ang stamps gawing koleksyon.. daig pa ang komiks or history books sa paglahad ng kwento o panahon sa simpleng paraan ng mga selyo. (ang haba ng tinayp ko, iniisip ko kasi ang tagalog ng stamps, lol)

    ReplyDelete
  6. wow galing naman.. ganda ng collection ng lolo mo ha! at yung sayo rin, very nice. Sana ipamana ng lolo mo yung collection nya sayo..

    ReplyDelete
  7. happy new year Sards! grabe na-miss ko ang mga hula mo! galing naman ni lolo, may diary na may stamp collection pa! mahilig din ako magkolekta ng basura (sabi ng nanay ko) pero may isa akong koleksyon na madami ang natutuwa. gawan ko ng post one of these days. hehehe!

    ReplyDelete
  8. Those are treasures you got from your Lolo! Sana ay ipagpatuloy mo ang pangongolekta. Hindi lang magandang libangan, pwede mo ring ibenta balang araw hehehe

    ReplyDelete
  9. WoW!!!

    Atche - My daughter would love to see this post :) isa syang dakilang stamp collector, she puts it in a picture frame and album :)

    Kblag

    ReplyDelete
  10. LifeMoto- wow pareho pala tayo ng hobby, sayang naman kung nabasa at nasira ni Ondoy ang mga collections mo, ako dinala ko hanggang dito e hehehe kahit wala na rin akong time na ayusin; tama ka educational nga ang magcollect ng stamps pinapakita ko na lang sa mga anak ko ang history ng Philippines thorugh stamps

    Arlini- oo cute nga yun hello kitty stamps, binili ko na lang mga yan sa post office dito hehehe

    Nebz- yup Philatelist but I don't study stamps, collect lang, sana pala nun pinadala mo sa akin yun stamps eh ginamit mo na rin yun stamps ng saudi instead of metered stamps (hehehe ang bisyo ko talaga LOL nagrequest pa no)...uy dami na akong utang sa'yo pag nagpadala ka pa uli, anong gusto mong souvenir from Japan, hello kitty? hahaha ibigay mo na lang sa mga pamangkin mong babae yan lang alam kong magandang souvenir dito e

    RJ- yun colorful sulat kamay ni Lolo yun, tignan mo yun page kulay brown na as in malutong pa sa chicharon yun hehehe, yun stamps ko lang sa pinost ko e yun hello kitty lang

    doc-ang lalim ng sinulat mo nilalagnat ka ba? hehehe, malamang nga tinamad ka na kasi mabusisi talaga, mgandang hobby ito sa walang magawa sa buhay hehehe (kagaya ko)

    Lorena- sa ayaw at sa gusto ng lolo ko akin na yun koleksyon nya kasi patay na siya e hehehe, pero iningatan ko naman album niya since I was in elementary hanggang sa abroad dala-dala ko pa di ba? deserving naman siguro ako hehehe

    syel- Happy New Year and welcome back! anong pasalubong ko??? hehehe sige ipost mo rin yun collection mo

    Dennis- balak ko nga sanang ibenta yun mga stamps ng Lolo kaso yun iba walang value na kasi nadikit niya sa papel yun likod ng stamps at nakakapanghinayang naman ibenta, kaya ayan tinago ko na lang

    kblag- I just remembered meron din pala akong stamps na I put them in a frame hehehe kaso di ko na makita baka nasa storage pa namin hehehe

    ReplyDelete
  11. Sipag naman ni Granpa mag-collect ng stamp and he has taken extra care of it talaga. It's not just a simple collection ni Lolo, it was part of his life that must be treasured ng pamilya ninyo. And I am not surprised to hear na mahilig ka rin mag collect ng stamp, it has become a family tradition.

    ReplyDelete
  12. Pope- nalimutan ko ngang sabihin na para lang maka collect si Lolo ng stamps, nakikipag penpal yun kahit na binata't dalaga na mga anak niya hehehe tapos pag daw makikipagkita ang Tatay ko ang magpapanggap hehehe, ang objective niya...makakuha lang ng stamps LOL...naisnpired ako sa Lolo ko pati ang Kuya ko nagco collect din ng stamps

    ReplyDelete