Wednesday, January 20, 2010

HULA SCOOP: Magtataka Ka...


HULA: Magtataka ka kung bakit wala yun hinahanap mo.
SCOOP: Wala nga...wala talaga! Wala akong hula ngayon! hehehe. Babawi na lang ako sa pictures, pwede ba?


Three day weekend kasi last Jan 16 to 18 kaya nagdrive kami noong Linggo sa Ajigasawa, Aomori, sa Naqua Shirakami Ski Resort, mga 3 hours ang layo dahil may snow, pag walang snow mga 2 hours at 50 minutes siguro ang aabutin hehehe



Hindi masyadong zigzag papunta dito kasi sinipag mga Hapon kaya binutas na lang nila mga bundok para gumawa ng tunnel para mas mapadali ang byahe. Mabuti naman kundi sumuka na ako sa byahe kapag ala bituka ng manok ang daan.


Mas mataas ang snow dito sa Aomori kumpara sa aming lugar, pero ang pagkakapareho nag-iisnow rin hehehe, mga 1 inch siguro ang pagkakataas ng snow nila sa amin hehehe (actually di ko alam talaga) basta ang alam ko ang average ng snow dito nasa 10ft daw (daw kasi sabi lang ng asawa ko hehehe)



At ang pamatay dito...ayan! Sakit katawan ko kasi first time kong magsnowboard napasabak kaagad ako na bunuin ang napakataas na slope na 921m para lang makababa huhuhu kaya wala akong hula kasi bugbog pa rin katawan ko.


Natulog kami diyan ng isang gabi kahit mahal ok lang ang mahalaga importante talaga.

----------------------------------------------------------------


O sige na babay na tutulog na ako next time na ang mala alamat na kwento ko, paalam!

9 comments:

  1. ahmmmmmmmmm......... panu po ba magsnowboard? tulad din ba yan ng iceskating? di ka ba natumba? kasi sa ice skating diba, maraming natutumba pag first time.. ?

    ReplyDelete
  2. Nakakainggit naman. I haven't had a chance yet to go snowboarding kasi grabing lamig at saka not enough snow on the ground.
    Love the pictures!

    ReplyDelete
  3. Oist!Pasalubong mo ako ng snow pag uwi ka ah? lolzz

    ReplyDelete
  4. nice. ganda naman dyan. ingat lang sa slippery road.

    ReplyDelete
  5. waaaahh! kaka-inggit mag-snowboarding! pero teka, skateboard nga di ko magawa eh, yan pa. hahaha!

    ReplyDelete
  6. Kat (naks naman pinaganda ko name mo ha hehehe)- first time ko rin magsnow board mahirap din pala, di ako makatayo sa snowboard, grabe! hehehe pero pag nakatayo na ako nakakabalance naman ako, mas madali ang snowboard kasi ok lang bumagsak sa snow hindi masakit unlike sa ice skating bagsak mo sementong may konting yelo hehehe, ok lang bumagsak kasi dun ka matututo pero di ko pa natry ang ice skating kasi nga matigas ang babagsakan ko

    Lorena- first time ko rin nga e, pumunta pa kami ng ski resort para magsnow board kasi mahirap magsnowboard sa flat na ground dapat talaga pababa para uusad ka, dapat try mo yan kasi nasa alaska ka na no hehehe

    CM- pag uwi ko tunaw na yun hehehe magkaskas ka na lang ng yelo ganun din yun hehehe

    Arlini- thanks for dropping by, yup masyado nga akong maingat kasi muntik na akong mahit ng isang car na nagslid at umikot e buti na lang hindi ako natamaan hehehe

    syel- ako nga never din nag skateboard o ice skating, ito lang ang natry ko snowboard at ski pero parang mas gusto ko ang snowboard, kahit bumagsak ka ok lang kasi malambot yun snow di masakit unlike sa skateboard at ice skate bagsak mo matigas na semento

    ReplyDelete
  7. wow, snow! padala ka naman dito sa pinas, sardz! hehehe.. mas lalong wow-snowboarding! =)
    parang malinta tunnel lang yung binutas na bundok pero syempre sa corregidor walang nyebe!
    i can almost sniff the chilling temperature from your photos! galing! =) (lalo akong sinipon, hehe)

    ReplyDelete
  8. Sarap naman ng itsura ng snow. Parang ang linis-linis ng paligid!

    Si Alice, nagsnow-boarding! You're a dude Sardonyx! That's cold, este, cool!

    ReplyDelete
  9. docgelo- ang hirap kayang magpadala ng snow dyan, kinaskas na yelo lang naman eh kaya hingi ka na lang dyan sa kapitbahay nyo hehehe. Sigurado ka malinta tunnel ang kaparis nito? ang tunnel na yan ay mga 10 to 20 minutes bago mo makita yun dulo nito e hehehe. So anong tagalog ng snow, niyebe?? e spanish yun no?? ang alam ko walang tagalog ang snow kasi walang snow sa Pilipinas hehehe

    nebz- Nolsen de Nelson ok ba snowboarding ko??? hehehe cool dude cool! LOL

    Malinis nga tignan minsan sa gabi ang liwanag ng paligid dahil maputi . Ang hirap magsnowboarding kasi ang hirap tumayo sa snow board lalo na pag nakalcok na ang shoes mo sa board pero mas ok to kesa surfing kasi di ako lalong makatayo sa tubig hahaha

    ReplyDelete