Saturday, December 13, 2008

Hula Scoop: Maaalala Mo Ang Iyong Kaibigan

HULA: Muli mong babalikan at sasariwain ang mga nakalipas sa iyong buhay isa na dito ang dati mong pinagsamahan sa iyong kaibigan.

SCOOP: Iniaalay ko ang tulang ito sa mga magkakaibigan na nawalay na ng tuluyan dahil sa di maipaliwanang na kadahilanan. Nawa’y maalala niyo pa ang inyong minsang naging kaibigan na matalik.



NOONG UNANG PANAHON

Kailangan bang limutin ang dating samahan?
At di na muling gunitain sa ating isipan
Kailangan bang limutin ang ating pagkakaibigan
Sa panahong sa ati’y lumipas at nagdaan

Sa panahong nagdaan, my dear
Sa panahong yaon
Ating pagsaluhan sa isang tasa ang ating magandang nakaraan
Para sa ating pinagsamahan

Malamang bibili ka pa ng isang tasa na takalan
At sinisiguro ko na bibili rin ako ng para sa akin
At muli tayong magtatagayan
Dahil sa ating pinagsamahan

Tayong dalawa noon ay tumatakbo sa gulod
Namimitas ng mga daisy pa noon
Marami tayong nalibot kahit na pagod na ang ating mga paa
Noon tayo pa ay nagsasama

Tayo rin ay nagsagwan sa isang batis
Mula umaga hanggang hapon
Kahit ang lawak ng karagatan ay umangal sa atin
Noon tayo ay nagsasama pa

At may isang kamay, aking kaibigan
Ilalagay mo ang iyong kamay din
At tayo ng…..magtatagay, toma na!!
Noon panahong nakalipas na.


TANONG: ano ang title ng kanta na ito na tinagalog ko sa tulang ito?? 20 points! hehehe

SAGOT: Sige na nga, eto na ang sagot alam ko namang walang magrereply hehehe, AULD LANG SYNE ang english version po nito.

No comments:

Post a Comment