Monday, December 15, 2008

HULA SCOOP: Ingatan ang Kalusugan


HULA: Ingatan ang iyong kalusugan. Huwag kumain ng mga pagkain na pampabata….madadali ang iyong buhay.

SCOOP: Narito ang mga payong pangkalusugan upang maiwasan ang maratay sa higaan.

MGA DAPAT IWASAN:


Gulay:

Talong- pampatirik ng mata, maaring maging sanhi ng epilepsy

Sili- pampainit ng katawan, baka maghubad kaagad ang makakain nito na ikasanhi ng stroke lalo na kung matanda ang nakakita dito

Patola- maraming nag-aakala na mainam ito na alternatibo sa talong pero hindi, dahil magaspang ito baka masugatan pa kayo….sa pagtatalop

Ulam:

Binurong mani- kapag binuro ang mani ay maantot ito at maalat, hindi ipinapayo sa mga may high blood pressure ang maalat

Kinilaw-kaw na talaba- iwasan ito lalo na pag may red tide

Pinitpit na talong- nawawala ang linamnam ng talong pag napitpit na ito


Iba Pang payong pangkalusugan:

Ang kape ay pampanerbyos samantalang ang gatas ay pampalakas. Kaya huwag uminom ng kapeng may gatas dahil ito ay pampalakas ng nerbyos

Kung ikaw ay kinakati, bumili ng pipino, maiibsan ang kati mo.

Ang pagkain ng balot ay mainam pero dapat alam ninyo kung paano ito kainin:

  • 1. Hawakan ang balot at pakiramdaman kung mainit pa, mas masarap kapag mainit ito
  • 2. Pagkabukas na pagkabukas higupin kaagad ang sabaw nito
  • 3. Kapag nakita ang ulo ay pumikit na lang at isubo at namnamin ang sarap sabay lunok.

No comments:

Post a Comment