Friday, December 12, 2008

HULA SCOOP: Makakaraos Ka Sa Iyong Mahal

HULA: Ang dating mahal mo sa buhay ay muli kang babalikan pero huli na ang lahat….nakaraos ka na….sa kanyang pagmamahal. Huwag mo na syang hayaang makapasok pa sayo.

SCOOP: Narito ang isang halimbawa ng paghihinagpis sa buhay iniaalay ko ito sa aking kaibigan.


MAKAKARAOS AKO

Sa simula natakot ako
Sobrang takot
Iniisip ko hindi ako mabubuhay
Nang wala ka sa tabi ko

Pero nakaraos ako ng maraming gabi
At inisip ko kung anong nagawa mong kasalanan sa kin
Naging malakas ako
Nakaya kong buhatin sarili ko


At ngayon bumalik ka
Mula kung saan lupalop
Pumasok ako at nakita kita
Na nakabusangot ang mukha
Dapat pinalitan ko na lang yun bwiset na kandado
At pinaiwan ko na lang sana ang iyong susi
Kung alam ko lang na sa isang kisap mata
Na babalik ka para lang ako guluhin


Hay naku, lumayas ka!
Bumalik ka na sa pinaggalingan mo
Di ka na pwede dito
Di ba sinaktan mo ako nang magpaalam ka
Akala mo magwawala ako
Akala mo magkikikisay ako sa sahig na parang mamamatay
Hoy hindi no, hindi ako yun!

Makakaraos ako
Hangga’t alam ko umibig
Alam kong mabubuhay ako
Nasa akin na ang buhay para mabuhay
Nasa akin na ang lahat ng pag-ibig para ibigay
At mabubuhay ako

Makakaraos ako
Kinailangan ko ang lakas para lang ako wag mag gutay gutay
Nagsikap akong buuin ang pira piraso kong puso
At maraming gabi ang ginugol ko
Para lang kaawaan ang sarili ko

Dati umiiyak pa ako
Ngayon taas noo na ako
At makikita mo akong isang taong bago
Hindi ako batang nakatali pa rin sa pag-ibig mo

Pakiramdam mo makakabalik ka
At inaasahan mong ako’y magiging malaya
Ngayon iipunin ko na ang pagmamahal ko
Sa taong mamahalin ako.

PAUNAWA: Pasensiya na tinagalog ko lang naman ang kantang “I will survive” na kalimitang kinakanta sa karaoke o magic sing sana nagustuhan ninyo ang tagalog version ko.

No comments:

Post a Comment