Tuesday, February 2, 2010

HULA SCOOP: May Lungkot Sa'yong Mga Mata

Zoom! Zoom!


HULA: May lungkot sa'yong mga mga mata at kay bigat ng yong dinadala.....
SCOOP: Hindi ko hula yan, kanta ni Rey Valera yan hehehe, pero sa totoo lang malungkot talaga ako....huhuhu

Eto ang talagang scoop ko....

Malungkot nga ako kasi:

1. Umalis kanina ang asawa ko papuntang Qatar (bakit kasi di pa ipull out ang US troops sa Middle East, dami nadedeploy tuloy!) huhuhu at mananatili siya doon ng apat na buwan

2. Mamimiss ko ang Papa ko (buti sana kung lagi kaming nag-aaway at talagang di ko siya mamimiss no baka nga ipagtabuyan ko pa siya, kaso di na nga kami nag-aaway nun e huhuhuhu)

3. Akala ko tapos na ang pag iisnow dito, hindi pala so walang magpapala ng driveway namin kundi ako lang....ako lang (tapos na ang pagpopose ko sa picture, totoo na 'to hehehe)

4. Mapipilitan akong magdrive sa malayong lugar kapag weekend para makapamasyal (ang tamad ko pa namang magdrive lalo na pag may snow huhuhu talaga, bakit ba kasi mahal ang taxi dito!!)

5. Walang magmamasahe sa kin kapag masakit ang likod ko kakapala ng snow ( magiging best friend ko nito talaga si kumareng salonpas)

6. Wala akong katabi, walang mayakap, walang malambing......walang........ayoko na ayoko nang mag-isip!!! hehehe baka saan pa mapunta ......Gusto ko pasayahiin ang sarili ko.....paano?? pumunta na lang kaya kami ng Tokyo Disneyland?? Di ba sabi nga sa slogan nila "Disneyland is the happiest place on earth" so dapat talaga pumunta ako doon, masaya raw doon eh. Pero ayoko pa rin, wala rin si Papa ko e, maraming paraan......eto na lang


Paano ba maging masaya kapag alam mong malungkot ka?


1. Magbasa ng palaisipan at sagutin mo ito, tulad nito:
"What occurs once in every minute, twice in every moment, yet never in a thousand years??? (hayyy sumakit ulo ko kaya dapat may back-up kayo kung anong next na pwedeng gawin)


2. Mag-aral ng tagalog words na isasalin mo sa ingles, tulad ng mga ito (ayan nasagutan ko yan huh!):

"Pamatok"- yoke pala yun akala ko patpat na ibabatok mo sa ulo e hehehe
"bagabag"- hardship (naks naman hindi yan mga bag huh )
"matuwid"- right (bakit hindi left?? e diretso din naman yun left, di ba?)
eto pa:
bukong-bukong-
alak-alakan-

3. Magbasa ng mga jokes:

“Oo na Pacquiao, People’s champ ka na. Pero tandaan mo kung may makapagpapadugo ng ilong mo, ako lang yun! Tanging ako lang!” -english.

Lasing1: Pare, syota ko noon ang nanay mo.
Lasing2: (Tahimik)
Lasing1: Nakikinig ka ba pare? Sabi ko, syota ko noon nanay mo.
Lasing2: Tama na, itay! Lasing na kayo eh! Shot na!

4. Magbasa ng mga quotes:

Love is like a bowl of oatmeal; warm, mushy and good for you. Lust is like soup, it is only good when it is hot. =)

It is not who I am underneath, it is what I do that defines me. - Batman. Iniisip nila ay hindi mahalaga, mahal kita maging sino ka man. - Robin.


Tama na! Baka di na ako makapagpost ng blog nito hehehe, siguro naman di na ako malulungkot lalo na kung mag-iiwan kayo ng comments hahaha

14 comments:

  1. timing!!! malungkot din ako :(

    ReplyDelete
  2. wag ka na malungkot. isipin mo matapos ng apat na buwan, mainit na pagkikita ulit, parang katulad ng season dyan (summer ba or spring yun?!). basta doon ka lang sa something to look forward to after four months. ipunin mo na lang Sards para panalo ka sa pagbabalik ni Papa! :)

    ReplyDelete
  3. Malungkot ka nga pero pinapasaya mo naman kaming mga readers mo.. you're the best!

    ReplyDelete
  4. hagalpak na naman po ako sa tawa, sardz!
    oops, dahil sa jokes mo ha, hindi dahil namimiss nyo si mister. anyway, as you're asking :
    What occurs once in every minute, twice in every moment, yet never in a thousand years???
    -- is it the letter M? kundi lalong katawa-tawa ako, hehehe!
    i wish you go to tokyo disneyland and share your photos and experience here. =) pero dapat may kasama ka nga naman... hirap tumawa mag-isa.

    ReplyDelete
  5. btw, i put up a second blog (yehey!)
    it's called docgelo's eyes. *wink*

    ReplyDelete
  6. ayos yung magbasa ng jokes. yung joke na lasing kahit ilang beses ko nang nabasa, win pa rin. haha!

    mabilis lang lilipas ang apat na buwan...

    ReplyDelete
  7. roanne- bakit ka malungkot?? share naman hehehe

    syel- korekek ka dyan yan na nga lang ang pampalubag loob ko e hehehe ang pagbabalik ni Papa LOL

    Lorena- oo nga pero napapasaya rin naman ako kasi may nagcocomment hehehe para maibsan ang aking kalungkutan naks naman ang lalim di ko matarok! hehehe

    doc- salamat at humagalpak ka ng tawa iniisip ko nga kung paano ka tumawa e hehehe teka mukhang smiling face naman kayo kaya laging masaya; ang galing naman ng sagot niyo yes yes yo, "M" nga ang sagot. E pano na lang yun bukong-bukong at alak-alakan wala ba sa biology nun? hehehe

    last year nagpunta kami sa Tokyo Disney Sea at may mga pics ako sa TRavelog na blog ko pero yun Disneyland baka this summer pagdating ng Papa ko hehehe, gusto ko na nga sanang pumunta kaso wala pa akong enough na leave e

    nakita ko na yun isa mong website mukhang lalo akong gugutumin dun ah hehehe, next visit ko magli leave ako ng comment

    ReplyDelete
  8. choknat- salamat sa dalaw, mabuti naalala mo pa ako hehehe....oo nga kahit luma na natatawa pa rin ako sa joke na yan kaya pinost ko uli

    ReplyDelete
  9. andito lang naman ako sa tabi tabi. hehe. hindi naman kita nakakalimutan at ang blog mo. mahilig ako sa hula at scoop eh. :))

    ReplyDelete
  10. Sa palagay ko Sardz, kaya nagpa-deploy sa Qatar ang mister mo para maka-iwas sayo. Ginagawa mo kasing alila (jok jok jok)!

    bukong-bukong - hind sole?
    alak-alakan - larynx?

    ReplyDelete
  11. Alice, naghahanap ng away si Ed, o.

    Isipin mo na lang ito: mas malungkot ang mister na magkawalay kayo.

    Di bale, okay lang ang solitude ng ilang sandali. At least pagbalik ni mister, mas lalong mainit ang inyong pagniniig. (I wrote this with purity in mind).

    Tawa ako nang tawa dun sa joke; medyo mushy ako dun sa quotations.

    I love your positive outlook. Sa true. I am certain you're a fun person to be around with. Your hubby is definitely sadder being away from you. D bale may Skype naman.

    ReplyDelete
  12. choknat- buti naman pala at nandyan ka lang sa tabi-tabi wag kang aalis ha heheehe

    Ed-baliktad nga e, ako ang ginagawa niyang alila hehehe, gumagawa lang ako ng paraan para may gawin siya sa bahay hahaha

    parang mali yata translation mo ng bukong-bukong at alak-alakan...

    yun bukong bukong- true coconut
    alak-alakan- fake wine

    LOL

    Nebz- pinapalakas mo naman ang loob ko, tama nga yun mas mainit nga ang pagniniig (malinis din ang pagkakatranslate ko sa isip ko nyan hehehe)

    Tama ka si Ed malakas mang-asar hehehe, hula ko siya ang pnagmumulan ng away sa kanila LOL

    hindi yata ako fun to be with siguro nakakatawa pwede pa, magkaiba yun e hehehe

    ReplyDelete
  13. By the way eto pala ang tunay na ingles ng:

    bukong-bukong- ankle (hindi po real o true coconut)

    alak-alakan- popliteal (at hindi fake wine hehehe, thanks sa friend kong si Ara about that english translation ;-) )

    ReplyDelete
  14. Kahit na malungkot, kaya mo pa ring magsulat ng mga patawang posts, ano?! Galing talaga. Huwag nang malungkot, may daily contact naman siguro kayo ng asawa mong nasa Qatar.

    Literally and figuratively, malamig pala talaga ang mga days ngayon sa buhay ni Sardonyx- HULA ko lang yan. U

    ReplyDelete