
HULA: Mabigat ang loob mo , wala namang hollow blocks sa katawan mo pero parang pasan mo ang daigdig ngayon. Sana lang, mailabas mo yan....baka kabag lang yan hehehe.
SCOOP: Minsan nararamdaman natin ang bigat ng loob na di mo alam kung paano mo ito papagaangin. Paano nga ba???
----------------------------------------------------------------------------
Kung mabigat ang loob mo, isipin mo lang ako lagi kasi, mabigat din ang loob ko....hehehe at least di ka nag-iisa.
Malungkot kasi ako dahil 4 na buwan na mawawala ang asawa ko tapos makatatanggap ka pa ng malungkot na balita na........baka i-end na ang contract ko sa trabaho, yun ang napakasakit!! Ilang beses nila akong pinalipat-lipat ng opisina, ni hindi ko nga nagawa ang job description na inaplyan ko e tapos dadalhin ako sa isang office para maging secretary, temporary lang naman, reliever ba dahil nasurgery yun secretary nila. Ni sa "hinagap" ng isip ko hindi ko inisip na makakapagtrabaho ko as secretary, ako kasi ang tipong di marunong sumagot sa telepono hehehe, shy kasi ako e (totoo yan! maniwala kayo....parang awa nyo na). Tapos eto na naman at ililipat na naman ako, admin position for 2 weeks, anak ng tinapa talaga! Hindi naman ako makapagreklamo kasi hindi naman nila ginagalaw ang pay rate ko. Para bang pinahihirapan nila ako at kung umayaw ako, e di ako ang talo. Pero ano sila hilo, di ako susuko, sino bang aayaw kung ang sinusweldo mo ay rate ng director sa opisina na yun (paano ko nalaman???? nun sinipag ako nagshred ako ng mga kalat ng boss ko nakita ko mga sweldo nila hehehe) tapos sinuswelduhan ka sa pagsagot lang ng telepono, wow sosy hehehe. Hay buhay......after 2 weeks di ko pa alam kung may trabaho pang naghihintay sa kin. Di ko talaga maisip na naghire sila ng isang posisyon na hanggang ngayon ay lulutang-lutang lang sa ere. Para bang nag-ubos lang sila ng pondo last year kaya naghire lang ng kahit anong posisyon. At ngayon, nagka cut down sila ng mga overhire at isa na ako doon.....huhuhu
Ilang araw akong nagmuni-muni para makagawa ng hulascoop kaso wala talagang pumapasok sa utak ko. YUn ang isa pang problema kung may utak nga ba ako???
Kaya ayun, uminom ako ng uminom ng beer......iba pala ang lasa kapag iniinom mo tapos nasa isip mo ay beer pero yun mismong iniinom mo ay rootbeer at least beer din di ba???? hehehe.
Kung iinom naman ako ng kape eh pampanerbyos naman yun, kahit ang gatas ay pampalakas di naman ako umiinom ng purong gatas lang. Bawal din daw ang kape na may gatas kasi yun kape pampanerbyos, yun gatas pampalakas so pag kape na may gatas, pampalakas ng nerbyos, mas lalong ayoko naman nun.
Bakit nga ba ako magpapakalasing, gugugulin ko na lang ang panahon ko sa mga mahahalagang bagay. At pinaplano ko nga na magbusiness na lang ako. Since naumpisahan ko na ang resto ko ay pag-uukulan ko ng buong pansin ang tinayo kong ito, bukod pa dun may isa pa naman akong business na medyo lumalago na rin.....sshhh huwag kayong maingay, bumili ako ng napakalaking ekta-ektaryang lupain, dalawa pa say nyo, hindi ko na nga naasikaso at least kung wala na akong trabaho, sobrang buhos pansin ang gagawin ko sa dalawang negosyo kong ito.
O sige maiwan ko na muna kayo, maglalaro na ako ng restaurant city, farmville at farmtown medyo napabayaan ko na ang mga pananim ko eh malaki pa naman ang binili kong lupa sa mga farm na yan. Yun resto ko medyo umuunlad naman na, pero pag nawalan na ako ng trabaho buong oras ko nandito na talaga. O sige bye na! Kitakits na lang tayo sa facebook!
wow nakahang ka pa pala. Worry not kas sabi naman Niya " I have a plan for you , plan to prosper.." Trust in Him with all of your heart. Finally pray to Him! Good luck!
ReplyDeleteI pray na sana maging regular ang work mo sayang naman at malaki ang salary mo. Kelan balik ng hubby mo? Ano ang say nya sa Doha? I am an A&W Root Beer addict too hehehe.
ReplyDeleteLife is Beautiful, your blog keep me smiling.
A blessed weekend to you and your family.
Ayos na ayos pala ang work mo, Sardonyx! Malaki ang pay.
ReplyDeleteGood luck sa iyong resto, at mga sakahan!
AKo mahilig sa hot chocolate na may gatas, ano naman kaya ang action at effects ng mga kemikal na 'yon sa katawan ko?
Just hang in there ate! sayang ang pang director mong sweldo haha!
ReplyDeleteI know God has plans for you. Have faith!
Ang isa kung pamangkin, yan din ang mga negosyo. Haciendera na sya ngayon at lumalago na rin ang resto nya. Marami ng mesa at upuan, may restroom na rin at lumalaki ang "staff".
ReplyDeletePero highschool pa lang sya. Ang masama pag nalaman ng tatay nya na ito ang kanyan ina-atupag at hindi ang pag-aaral, ay baka mabatukan sya.
hahahaha...kaya naman pala walang mai-blog, busy sa pagfa-farming eh! at may restaurant ka pa! lol.
ReplyDeletetama ung huka mo. mabigat nga pakiramdam ko. pero okay na ako kasi nailabas ko na ang...hangin. lol. kabag lng pala. hehe.
tc! happy vday!
may farm din ako sa restaurant, napapabayaan ko na nga eh nung makilala ko ang tumblr at mag bc bchan.
ReplyDeletesasali ako sa mabibigat ang loob. cheers! sa rootbeer. haha
Hahaha sumakit tiyan at panga ko kakatawa sa sinulat mong ito! Bakit di ka nalang uminom ng syoktong hehehe yung kulafu hahahaha!!!
ReplyDeleteSana lang hindi ka matanggal sa trabaho heheheh
Happy Valentines!
LifeMoto- salamat sa paalala tama ka God has plan for me...sana lang job uli hehehe
ReplyDeletePope- salamat sa pray, sana nga makahanap na ako ng permanent job dito sa Japan....di pa nakakalabas ng base ang hubby ko e kaya wala pang feedback, 12 hrs ang work niya kasi...hehehe A&W addict ka pala hehehe eto nga panay ang tungga ko nyan kaya baka lalo akong tumaba LOL
RJ- mataas lang sa pay ng director pero ang problema mababa yun sweldo ng director so mababa din yun sa kin hehehe
kung mahilig ka sa chocolate na may gatas ahhh kasi yun chocolate na kakapagpapatae oooppps sorry nakapagpapalambot pala ng dumi e yun gatas pampalakas kaya ingat sa pag-inom baka lumakas ang pururot mo hahaha
roanne- salamat, teka director ba ng ano ang nasa isip niyo? hehehe di naman kalakihan tamang tama lang, pero mas mababa sweldo ko ngayon kesa sa dati kong trabaho so malamang mababa lang talaga ang sweldo ng director sa gobyerno
blogus- malamang yun pamangkin mo dinaan na lang sa facebook ang kanyang pangarap, at least mataas naman pala ang pangarap ng pamangkin mo hahaha, wag lang siyang papahuli sa tatay niya, baka malanta mga pananim niya LOL
Reena- hahaha medyo busy lang ginagawa kong abala sarili ko habang wala si Papa LOL
sabi sayo tama ang hula ko sa;yo e hehehe, ngek hangin lang pala problema mo kala ko naman eh.....yun nga hehehe
choknat- sigurado ka may farm ka sa restaurant? o sa facebook ka may farm hehehe
tara tungga tayo..."kampay" sa rootbeer! hehehe
Dennis- ayoko ng shoktong, baka ako malasing hahaha, salamat sa dalaw namiss ko na ang blog mo
ReplyDeletebaka pwede mo ko kuning empleyado sa resto mo? lolzz wala akong feysbuk!!!
ReplyDeleteHappy valentines sayo
Nyayks!!! nayari nanaman ako ah! kala ko totoong lupain at resto.. whuaaaa... un pala, sa FB un... parang tulad din ng una, nayari ako sa "Mag-ingat sa Taong Malapit Sa'yo", ung about sa account mo na pinakialaman ng anak mo... whuahahaha... kala ko nun bank account, un pala account sa FB... natawa ako nun at pinabasa ko pa un sa supervisor ko, pati sya natawa... nayari kami... haizt....
ReplyDeleteanyway, HAPPY VALENTINES po...kahit na malayo asawa u,.. hope happy hartz day u :)
tulad ko, kahit walang kavalentino dahil sa malayo nagwowork, at dapat nga anniversary namin ngaun, ok lang, pinapasaya naman ako ng frendz ko.. :)
hwag mo nalang po isipin ang masamang balita, isipin mo nalang ang magandang balita para masaya :) always smile para hindi tumanda laging bata, :)
H-A-P-P-Y V-A-L-E-N-T-I-N-E-S
po ulit... :)
CM- pano kita kukuning empleyado wala ka naman feysbuk? I can't afford to hire you without facebook LOL
ReplyDeleteKaturs- hahaha nayari pala kita 2x pa at di ka pankutento, nagshare ka pa sa supervisor mo hehehe, salamat sa advise di ko na nga iniisip siya kaso yun Valentine's Day ang nagpapainggit sa akin ng mga sweet memories namin hehehe...
lagi naman akong nakasmile kahit sas blog ko laging may "hehehe" smile o yun no di ba hehehe
buong akala ko'y sadyang bumili ka talaga ng lupain at restaurant! maryosep, fb pala. (ows?! baka po totoo, baka investment na yan talaga dyan o dito sa pinas, invite mo kami, eat kami dun, discounted ha! hehe) i already gave up resto city sa fb, but tina, gabby and i are farmville addicts. ayan, it's confirmed! =)
ReplyDeleteseriously, we all go through rough times which IMO, make our lives better, ourselves stronger in the end. i can relate to your situation pero saka ko na kwento. looong story. hindi interesting. but like your other commenters, i believe God has better plans for us. You'll never know how time flies so fast, mamya uwi na from doha hubby mo. And btw, i would trade in my job here with you--imagine shredding papers and doing admin stuffs with a salary of a company's director? sardz, you're lucky! =)
docgelo- wish ko na totoo na sana resto ko pero wala akong investment na resto hahaha, lupa lang nakabili na ako ng lupa.....lupa sa paso LOL
ReplyDeletemarketing director nila yata dito mababa ang sweldo kaya siguro mataas pa sweldo ko o depende sa experience
sana nga better ang makuha kong trabaho kahit mawala na kong lupain at resto sa facebook ang mahalaga makatulong ako sa min sa Pilipinas (yan ang totoo hehehe)