
HULA: Magulo ang isip mo ngayon parang tali na buhol-buhol. Mag-ingat ka at baka di mo makalas yan. Dahan-dahanin mo na bigla ang kailangan diyan hehehe.
SCOOP: Minsan talaga sa buhay may oras na magulo ang isip natin, buhol- buhol na parang buhok ooopps na parang tali pala. Kaya eto maraming gumugulo sa isipan ko na aking sinaliksik pa para lang maayos ko ang gulo sa utak ko. Hay buti na lang nandiyan lagi si mareng yahoo at kumpareng google laging kaagapay ko.
Ibinabahagi ko sa inyo ang aking natutunan:
Mga lalawigan sa Pilipinas at ang kanilang kahulugan:
1. ANTIQUE - hantik o malaking langgam (marami kayang hantik dito? ang alam ko maraming aswang dito hehehe)
2. BABUYAN ISLAND- tawag din sa lugar o lagayan ng mga baboy ( so talagang baboy pala meaning asa pa naman ako iba meaning ng babuyan hehehe)
3. MARINDUQUE- mula sa alamat na Marina and Garduke, a legendary couple ( so totoo pala na galing sa alamat ang name nito?? hmmm ang alam ko lang tagarito ang Nanay ko hehehe)
4. BULACAN- bulak or cotton (siguro maraming bulak dito o cotton candy)
5. COTABATO- mula sa salita na kuta bato or a stone fort ( sa Cotabato ba ay bisaya rin ba salita kaya yun "kuta" naging Cota?- "siguro" sagot ko hehehe)
6. ILOILO- ilong or nose (ano kaya maraming ilong dito? o ibang klase ang ilong nila kaya malambing ang salita nila kahit galit na? )
7. MINDORO- mula sa salitang Spanish mina de oro, or gold mine (wow mayayaman kaya tao dito o puro lang sila minero?? taga pala o taga piko??)
8. TARLAC- mula sa salitang Aeta word na ang kahulugan ay weed (madamo pala dito hehehe)
9. NEGROS- mula sa Spanish term for black people (marami kayang negro dun???)
10. MASBATE- masa bati, which means mix and beat as in making bread (ano ba yan? parang ang weird naman nun meaning na 'to lalo na pag binilisan ko ang pagbasa, parang mali pa yata na nalaman ko meaning nito hehehe)
Hay kakapagod naman mag-aral parang di na ko sanay, ang problema may natutunan ba ako o puro tanong din sa bawat meaning na binigay ko.
eto pa sana kaso tinatamad na ko, kayo naman kung sinisipag kayo kung hindi naman, ok lang ganun talaga ang buhay.....
paki ingles:
bulubundukin
alalaong baga
bukang liwayway
takipsilim
agaw-buhay
eto pa:
muta
libag
uhog
anghit
anit
surot
hanip
kingki
buhaghag
lamas
PASALAMAT AT PAHABOL: Salamat muli sa larawan na ginamit ko ngayon, dinekwat ko sa Kuya ko sa kanyang flickr (paki click na lang yun "flickr" kung gusto niyo silipin mga model at awesome photos niya hehehe- sorry lang at wala akong picture doon baka kasi wala ng dumalaw sa site niya hehehe). Kuha niya yan nang dumalaw siya sa lalawigan ng aking nasirang ina na kung saan naninirahan ang aking ama ngayon .....sa Marinduque, kuha sa Moriones Festival. Miss ko na ang Marinduque sana makadalaw ako ngayon taon na ito doon at sana lang....walang bagyo, kasi popular lang ito kapag may bagyo, laging signal no.3 hehehe.