Friday, June 5, 2009

HULA SCOOP: May Dadaluhan Kang Party




Sa mga di pa nakakabasa ng blog entry ko sa PEBA, paki click lang po ito.

Pag nagustuhan ninyo, pakiboto na rin po ako. Paki click ito o yun logo ng PEBA na nasa itaas o kahit sa side bar at iboto ang #6 Hulascoop.


Muli po ang taos puso kong pasasalamat sa mga bumoto, at sa mga nag-aalanganing bumoto, sa mga ayaw bumoto at sa walang time na bumoto, ok lang po, salamat na rin po.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------





HULA: May dadaluhan kang party. Di ka magkandaugaga sa mga party na pupuntahan mo ngayong weekend, magbibitbit ka pa ng mga pagkain na "to go."


SCOOP: Ang dami mong mga dalang left over pero malamang itatambak mo lang sa pridyider nyo yan tapos pag di na nakita ng mga mata e sa basura din ang tuloy. Kaya narito ang ilang mga tip para makatulong ka naman sa kapaligiran, lalo na ngayong may global warming....ay global crisis pala hehehe.


MGA TIP NI SARDS – RECYCLE LEFT OVER


LECHONG KAWALI- kapag lumamig na ito malamang hindi na mainit at sigurado akong hindi na malutong. Isahog at ipanggisa sa munggo, pinakbet o gulay na hinalo-halo este halu-halong gulay o kahit anong ulam na kinakailangan ang baboy o pangsahog na pamparami.


BAKED CHICKEN O LECHONG MANOK- Tamang tama kung gusto niyong magpakanton o magkanton....hehehe lam ko peborit n'yo yan.....lucky you! ay lucky me pala hehehe. Eto ang swak na swak. Himay-himayin ang mga ito, at gawing sangkap sa pagluluto ng kanton kahit sa pansit, sopas, sotanghon, yakisoba at kahit anong noodles pwedeng pwede huwag lang sa miswa, wala lang… ayoko lang.


CHOP SUEY- Kung gusto pa rin ninyong magpansitan ay... magpansit pala eto ok din ang tirang chop suey pwede pa rin sa kanton, instant ramen, chow mein basta huwag lang sa miswa….wala lang, ayoko lang…..at isahog ang mga gulay nito kasama ang lechong kawali at chicken na left over mo.


BAKED O SMOKED FISH- Isahog mo sa munggo kasama ang lechong kawali left over o kung walang lechong kawali idagdag mo na lang ang kumunat mong chicharon masarap sa munggo yan.


BAHAW O KANING LAMIG- baka sumobra ang lata ng sinaing mo at naging lugaw kaya hindi naubos ang kanin kaya maggisa ka na lang ng bawang, sibuyas at luya at isangkutsa mo ang leftover na chicken sabay ilagay ang kanin ayos na yan may arroz caldo ka na hehehe...sarap ternuhan ng tenga ng baboy...tsalap!


BEEF STEAK (American style) o bistik (pinoy style)- hiwain ng maninipis ang mga ito. Isahog sa thai salad, presto may beef thai salad ka na. Kung di mo alam ang recipe ng beef thai salad….ask me….ask me! Hehehe



PANGAT- ang "pangat-"long init na ulam pwede pa rin yan....basta huwag lang sasakit ang tiyan ninyo, kung sumakit hindi na pwede.


PANIS NA PANSIT, PANIS NA SPAGHETTI, PANIS NA MENUDO, PANIS NA MECHADO, PANIS NA KALDERETANG BAKA- Asa ka pa….alangan lutuin mo pa yun???? Heller itapon mo na no! Alam ko namang wala kang pet na baboy kaya diretso na sa basura yan....pero sayang.....marami pa namang nagugutom na mga tao. Kaya hangga't maiiwasan huwag magtira ng ulam.


PAUNAWA: Ang mga nabanggit ay hindi pa nasubukan kung ikasisiya ng panlasa ng madlang people. Malamang sa hindi ko malaman ay hindi ko rin matiyak kung ito’y mawawari ninyo subalit bagama’t datapwa’t kahit ano pa man nawa, sana, I wish, I hope… maging kaaya-aya sa panlasa ninyo.


20 comments:

  1. Atche gusto ko yung thai salad recipe!!

    Have a good weekend :)

    mwah*

    CrazyPinay

    ReplyDelete
  2. Based sa aking sariling buhay, mali ang hula. Parang wala akong mapupuntahang party eh. Pero maraming salamat sa tips. U

    ReplyDelete
  3. pers taym kong magpunta dito at mag comment. hehehe...

    kakagutom naman yung bihon! ayun oh!

    ano nga pala yung thai salad recipe? nakyuryus aketch e! kase nagda dayet ako kunware. lolzz

    ReplyDelete
  4. Eh yung tirang ice cream, paano lutuin ulit yon?hehe Thanks for the tips..

    ReplyDelete
  5. kagutom...pero dina umabot sa panis. panis yun eh. haha

    ReplyDelete
  6. Natawa ako dun sa chop suey pweding pangsahog sa pansit pag hindi naubos.

    Tip: pag hindi naubos ang pansit canton, lagyan ng tubig na pang sabaw, initin, lagyan ng corn starch at binating itlog. Presto, lomi na! : )

    ReplyDelete
  7. crazypinay- sige ipopost ko dito yun recipe ng thai beef salad

    RJ- ay malas mo baka sa 90% na tumatama ang hula ko, napasama ka sa 10% na mali ang hula ko hehehe joke, sensiya ka na kung di akma sayo ang hula ko

    Manag Dyi- salamat sa dalaw mo at pati sa comment, hayaan mo ipopost ko dito yun thai beef salad recipe

    Ruphael- kung ice cream, hindi na niluluto uli yun, pag natunaw, patigasin uli hehehe at isama sa mga fruit shake hehehe, ayos di ba?

    choknat- oo itapon ang panis hehehe

    ReplyDelete
  8. magpapahula sana ako pero nagbago isip ko. nakakagutom yung pansit.

    ReplyDelete
  9. blogusvox- di ba yun sahog ng chop suey parang sahog din sa pansit? hehehe, pero ok yun tip mo sa canton nagiging lomi hahaha, salamat sa tip

    JoShMaRie- sige magrecycle na ka na lang ng pagkain saka ka magpahula hehehe

    ReplyDelete
  10. Wow! Lahat masarap! Pengee!
    By the way, I voted for you. I just hope I did it right. Medyo engots ako when it comes to instructions. :) Hope it counts though.

    ReplyDelete
  11. Rico- salamat sa boto, ini-add na rin kita sa blog list ko hehehe. Sana macount nga basta naclick mo ang "submit vote" ok na yun.

    ReplyDelete
  12. Bakit ayaw mo ng miswa, ako ayaw ko naman ng sotanghon hahahaha.

    Sa mga nabanggit mo, tila imposibleng may matirang lechoong kawali at lechong manok sa handaan, nung huli naming reunion sa Piipinas, naghain ako ng litson sa lamesa, sa isang iglap lang ubos ang litson utimo mansana na kagat kagat nito ay biglang naglaho hahahaha.

    Salamat sa tipid tips.

    ReplyDelete
  13. hello!congrats at good luck sa award :)

    nakakatuwa naman tong entry na to,naenjoy po ako sa pagbabasa...

    anyway,sabi kasi ni The Pope ay nasa Japan ka(dahil dito ako nakatira),mukhang di yata...naligaw yata ako?pero eto yung link na iniwan nya.

    pero oks na oks dahil masaya naman ang nabasa ko rito. :)

    mabuhay!! kampaii!

    ghee
    http://akoni.info
    (my original site)

    ReplyDelete
  14. E jahe akong magbitbit sa handaan dahil hindi naman ako taga Balut Tondo Manila. Hehehe.

    Ganunpaman forte ko pa rin ang magrecook. Dito sa Saudi, ako ang nakatokang magluto every Thursday. Hindi nauubos lahat (dahil hindi siguro sila nasarapan) kaya recook ako palagi.

    True, ung mga karne na natira (like beefsteak, fried fish, chicken, etc) pinanggigisa ko sa mga gulay.

    (Jahe tong aaminin ko: Sa bahay, nobody wants those chicken skin kaya tuwing bibili kami ng bucketful of KFC, inihihiwalay ko ang balat at ginagamit ko sa munggo. Ayun, ka roof top ang cholesterol ko ngayon. Hehehe.)

    ReplyDelete
  15. Pope- sabi ko nga "basta ayoko lang ng miswa" hehehe; sa US laging may tirang lechon kaya lagi akong may bitbit na leftover noon pero dito sa Northern Japan wala pa akong nakikita dito. Sa Pilipinas talagang walang tira dun hehehe walang patawad mga tao dun eh.

    ghee- salamat sa dalaw, yes nasa Japan ako sa bandang Aomori kaya baka malayo ka sa amin :-) yun isang blog ko siguro nakita mo na rin, http://misawa-travelog.blogspot.com (aka Missy Pon hehehe)

    Nebz- bakit taga Tondo lang ba ang nagbibitbit ng left over? di no hehehe sa US o kahit dito laging may bitbit kami (basta papahuli ka lang sa handa hehehe. Hahaha oo nga "pampabata" ang balat ng manok lalo na yun baboy, ingat ka sa cholesterol baka ka magaya kay Erap (ngek) hehehe.

    ReplyDelete
  16. Sa mga gustong malaman yun Thai Beef Salad, eto na pero kayo na bahalang magtimpla at mag estima:

    Thai Beef Salad

    ingredients:
    1. lettuce (square slice o whatever shape u like)
    2. thinly sliced cucumber
    3. cubed or cherry tomatoes
    4. red onion or any
    5. minced garlic ( 1 tsp)
    6. crushed chili pepper (bahala kayo kung gaano karami gusto niyo)
    7. patis (5 tbsp)
    8. toyo (1 tsp)
    9. lime juice (5 tbsp)
    10. sugar (1 tbsp)
    11. thinly sliced beef, grilled o broiled ( o left over na steak)
    12. cilantro ( o kintsay sa atin)

    Instructions:

    Paghalu-haluin lahat, rambol na! hehehe ayos na ang buto-buto! mas maanghang mas masarap...tsalap, kakagutom! dapat naghahalo ang asim, alat at anghang na medyo may kumakagat na tamis hehehe. Bahala na kayo magtimpla sa asim o anghang, matatanda na kayo alam nyo na gagawin nyo hehehe.

    ReplyDelete
  17. hi!!!!

    binoto nga pala kita pero hindi ko na na-view yung results. ang bagal kasing bumukas nung window.

    anyway, wala naman akong pupuntahang party sa weekend. hindi applicable sa akin yang hula mo. hehe... aabangan ko nlng yng next. :)

    aba, ahead pala ng isang oras ang japan sa pinas? akala ko mas late kayo jan eh. tc!

    ReplyDelete
  18. Reena- salamat sa boto, kahit alam kong busy ka pinagtuunan mo pa ng pansin ang blog entry ko.
    Bakit wala kang pupuntahang party?? Baka last weekend meron? hehehe kasi last Friday ito nang pinost ko hehehe. Oo ahead ang Japan ng isang oras.

    ReplyDelete
  19. aliw ang mga tipid tips mo sa food dito.
    i'll link your blog with mine. salamat!

    ReplyDelete
  20. docgelo- salamat sa dalaw, i'll link your blog too :-)

    ReplyDelete