
HULA: Huwag mong piliting baguhin ang mga nakaraan mo, pero kung mapilit ka sige gawin mo na gusto mo, bahala ka hehehe.
SCOOP: Parang gusto ko uling talakayin ang mga sawikain natin, kung anuman ang kaugnayan nito sa hula ay akin na lang yun. May mga sawikain o idioms tayo na tila hindi na angkop sa ating henerasyon na unti-unting binabago ng mga tao ang kahulugan nito o ang iba ay unti-unti ng hindi nagagamit at minsan iba na ang pakahulugan ng mga tao. Narito ang ilan.
1. Noon-sampid bakod (nakikitira)
Ngayon-sampid (nakikitira pero wala ng bakod yun bahay hehehe)
2. Noon-Nagbibilang ng poste-(walang trabaho) madalang pa poste noon kaya ngayon iba na
Ngayon- ...."nagbibilang ng tuhod" (ayaw na talagang magtrabaho, kinareer na, tambay sa kanto, binibilang ang mga nagdadaang tuhod hehehe)
3. Noon- makati ang paa (mahilig gumala)
Ngayon- makati (mahilig gumala para humanap ng kapakner at ng maibsan ang kati hehehe)
4. Noon- makapal ang palad (masipag)
Ngayon- mariang palad ay hindi pala hehehe 'makapal ang palad' pa rin pero iba na ang kahulugan ( may kalyo sa kaka...sulat?? basta may kalyo di ko lang alam kung bakit hehehe, baka nga masipag kaka....salin ng tubig?? ewan)
5. Noon- matigas ang leeg (mapagmataas)
Ngayon- matigas ang "ano"(maraming kahulugan ang ano,bahala na kayo, pwedeng matigas ang loob o kaya matigas ang tuhod, kahit anong matigas pwede hehehe)
PAUNAWA: Ang mga nabanggit na sawikain noon ay pawang totoong kahulugan ngunit huwag maniwala sa sawikain "ngayon" gawa-gawa lang yan ng taong walang magawa.....ako hehehe.
UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay kuha ko sa isang city dito sa Japan, sa Sendai. Wala lang, gusto ko lang ishare yun pangalan ng store, akala ko kasi mali spelling hehehe (bakit ba ako nakikialam sa mga Hapon? hehehe).
PAHABOL:
Sa mga di pa nakakabasa ng blog entry ko sa PEBA, paki click lang po ito.
Pag nagustuhan ninyo, pakiboto na rin po ako. Paki click ito o yun logo ng PEBA na nasa right side bar.
Nakaraan... uhumn!
ReplyDeleteHindi na nga nababago ang mga nakaraang kwento sa ating buhay. Kaya tama ang payo. Ayos! U
Ang mga bagay-bagay, wika, pamumuhay, atbp? Nagbabago talaga ito bilang pagtugon ng mga tao sa makabagong panahon. Kung hindi tayo sumabay... uhmn, hulaan mo nalang kung ano ang mangyayari, Sardonyx.
hahaha, natawa ako sa part na tuhod. nagbibilang ng tuhod, hahaha! yan ba kasama sa bilang ang mga uugod-ugod, whew naalala ko tuloy after 40 years. hehehe,
ReplyDeleteAnong sekreto at mukhang ang layo na ng result mo? Hmmn, magaling ka sa diskarte ah. Congrats for leading the poll at this point of time.
i read your entry inspiring , congrats!
ReplyDeleteAs usual, great entertainment na naman. I wonder how often you pause to come up with posts like this.
ReplyDeleteThanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Do come back for more of tomorrow and find out where we are going!
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman
RJ- yes, may tama ka hehehe nababago talaga ang pamumuhay ng tao kaya nga may manghuhula hehehe
ReplyDeleteMr. Thoughtskoto- pagtanda natin isa na tayo sa magbibilang ng tuhod hehehe; marami kasing nagmamahal sa akin kaya binoboto nila ako hahaha, showbiz ang dating ng sagot ko ah? hehehe nangangampanya kasi ako ng "iboto n'yo ko" hahaha
Life Moto- salamat at nainspired ka sa blog entry ko, salamat talaga
Joy- noon, everyday akong nagpopost ng hula scoop pero ngayon nangangalawang na rin ang utak ko minsan walang maisip hehehe...malapit na ngang maubos eh
Nakakatuwa yung mga makabagong sawikain, mas masaya ;)
ReplyDeleteKamusta naman sa shop na yan? Hindi naman malagkit yung sahig?
Rico- salamat muli sa pagdalaw, hindi na ako pumasok pa at baka magkamali na naman ako ng akala hehehe
ReplyDeletehahaha! natawa ako sa modernong sawikain mo! galeng mo mag-isip! at akala ko din mali lang ng spelling ung pangalan ng tindahan.
ReplyDeletebtw, binoto na kita sa PEBA, nawa ay manalo ka! balato ha! hehehe!
syel- hahaha nagets mo rin pala yun name ng store; salamat sa boto ha, sige babalatuhan kita wag kang mag-alala, pipira-pirasuhin ko ang "winning badge" at ipapamahagi ko sa lahat ng mga bumoto hehehe
ReplyDeleteAliw ang magbasa ng posts mo!
ReplyDeletePanalo, LOL.
Thanks for the comment and the link.
Let the fun begin. =)
ayy.. sana nga pede baguhin yung nakaraan. hehe
ReplyDeletepede siguro itama na lang.
tomod's. haha!
Gusto ko yung #2... nagbibilang ng tuhod, marami nyan sa atin talaga, lalo na sa kinalakihan kong lugar sa Pasay... unbelievable halos 24/7 ang mga tambay, I wonder kung ilang tuhod na ang nabilang nila hahahahaha.
ReplyDeleteHappy 111th National Independence, congratz pala for leading the poll, tama nga ata ang hula, babae na naman ang susunod na mamumuno... hahahahaha.
A blessed weekend.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakaapak ng ebak sa dinadaanan.
ReplyDeleteAng tumakbo ng matulin, hinahabol ng ulol na aso o mi atraso.
docgelo- salamat at naaliw ka :-)
ReplyDeletechoknat- hindi nga pwede baguhin hehehe
Pope- wag mo muna akong icongratulate at baka wala ng bumot hahaha, oo nga marami rin sa lugar namin ang nagbibilang ng tuhod
Blogusvox- teka mga bagong salawikain ba mga yan? hehehe