
HULA: Maaalala mo ang mahal mo sa buhay… ang iyong ama at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, maging sa ayaw at sa gusto mo no choice ka, bahagi sya ng buhay mo. HAPPY FATHER's DAY!!!
SCOOP: Father’s day na bukas kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin (o sa ama ng mga anak natin kung walang anak e kahit pamangkin mo na lang hehehe) ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko pa sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:
MGA JOKES KAY TATAY
Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay!
Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw
Tatay: Juan, mag-aral ka ha!
Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.
Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!
Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??
Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?
Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”
Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!
Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!
Anak: Itay, ano yung 10 commandments?
Ama: Iyon ang 10 utos ng Diyos.
Anak: Mas mataas po pala kayo sa Diyos.
Ama: Bakit?
Anak: Mas marami kayong utos eh!
PAUNAWA: Kasalukuyan akong nagpapahinga at walang magawa dito sa isang lugar na malapit sa "Sembawang Shipyard" napadpad ako dito dala ng libreng eroplano hehehe. Ang init pala dito grabe at di ko matiis na magpost ng hulascoop kasi hula ko miss ninyo na ako e hehehe. Bukas hindi na libre ang lipad ko, salamat kay kumpareng "Master" pina swipe na naman niya ako hehehe.
PASALAMAT: Maraming salamat muli sa mga bumoto! At sa lahat na lumahok at lalahok pa sa patimpalak ng PEBA. Kung di pa kayo nakakaboto, click nyo na lang po ito. At kung di pa ninyo nababasa ang blog entry ko, paki click na rin ito.
LARAWAN: Dinekwat ko lang ang larawan na yan sa flicker ng kuya ko at hindi po ako ang naglalakad dyan, salamat Kuya at Happy Father's Day na rin hehehe. Paki click ito kung gusto ninyong makita ang ilan pa niyang magagandang larawan. Salamat.
Hehehe :D ang aga aga, tawa tuloy ako ng tawa lolzz
ReplyDeleteHappy fathers sa lahat ng tatay at magiging tatay
hi ate sards, paki sabi nalang kay kuya a. na happy father's day! miss you na. siguro pag balik mo, nandyan na yung *wink wink* ko para sa inyo. ingat at yung pasalubong ko ha? (joke!)
ReplyDeleteguess what (watawat) kung sino si ako. author ako ni "dp."
Ayos itong collection niyo ng mga jokes tungkol sa ama, ah. Hahaha!
ReplyDeleteNahulaan niyong maaalala ko ang aking ama ngayong mga panahong ito pero hindi niyo nahulaang (pagkatapos ng dalawang araw ng malalim kong pag-iisip ng kung anu-anong mga bagay ay) mapapangiti at mapapatawa niyo ako nitong post niyo. Salamat! (,"o
Happy Father's Day to your loving husband... at sa lahat ng mga tatay sa buong mundo.
ReplyDeleteSalamat din sa patuloy na pagbibigay mo ng kasiyahan sa aming mga ama.
happy father's day! hehe :D
ReplyDeletebonding moments namin ng tatay ko, pag nanonood ng basketbol. PBA. hehe. at pag parehong team kinakampihan namin.
late reaction. natawa ko sa baboy. wahaha!
ReplyDeleteThe jokes were really funny. Especially the phone credits woman. lolz. First time on your blog. Hi!
ReplyDeletehaha, back to the funny and witty programming si Sardz! hehehe. very funny sa kalabaw pa lang!
ReplyDeletePlease tell your hubby happy Father's day from the thoughtskoto family and to your father as well. nasa Pinas ka na di ba?
katuwa yung BMW-bunggo joke at yung huli.
ReplyDeletenaway huwag sabihin sa akin iyon ng aking anak bullet day (balang-araw!)... *:D
hahhahhaha...tawang-tawa ako dun sa cellphone joke.
ReplyDeletehope you had a wonderful father's day celebration! :)
follow my blog naman po..please..thru dashboard nlang? kasi, dko ma show sa sidebar ko ung followers eh, auq nah kasi i change theme ko :) thanks po ahead! pls lang talga..:d
ReplyDeleteSa lahat ng mga nagbasa at nagcomments maraming maraming salamat po sa inyo!!! Pasensiya na po at ngayon lang nakabalik sa lungga ko hehehe
ReplyDeletelord CM- salamat at natawa ka sa mga jokes :-)
anony- salamat sa padala hehehe kilalang kilala kita kahit di pa tayo nagkikita hehehe
RJ- ayos na sa akin na mapangiti kita sa mga collection kong jokes hehehe
Pope- d ko nakayo mabati ng father's day at super late na kaya thanks na lang sa comment palagi hehehe
choknat- kahit late reaction ok pa rin kasi mas late yun reply ko sa inyo hehehe
Aubrey- salamat sa dalaw sana maulit uli, hayaan mo dadalaw rin ako sa blog mo
Mr. thoughtskoto- salamat sa bati, nakabalik na rin ako dito sa Japan, yes galing akong Pinas
docgelo- salamat sa comment bullet day din makakabawi ako sa inyo hahaha
Reena- miss you na hehehehe
Reolcyl- thanks sa dalaw wag kang mag-alala I will follow your blog ;-)