Monday, June 15, 2009

HULA SCOOP: Mamimiss Mo Ang Isang Lugar



HULA: Mamimiss mo ang isang lugar na nagpapasaya sa'yo, di mo alam kung bakit. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo, maghanap ng paraan para maibsan ang kalungkutan mo.

SCOOP: Kagaya ko miss ko na naman ang Pilipinas, isang taon palang nang huli kaming nagbakasyon gusto na naman naming bumalik. Kaya mawawala muna ako ng dalawang linggo pansamantala. Mag-aabang ng libreng sakay papuntang Pilipinas.....mamaya na as in "NOW NA!!!" Sana ay makarating kami sa Pilipinas o kung saan man kami dalhin ng libreng eroplano hehehe.

Mga kamag-anak ko, huwag kayong mabibigla, wala kaming dalang pasalubong (for the pers taym) hehehe. ...lam niyo naman kulang ang budget, ang mahalaga makakauwi kami, sana ganun din ang nasa isip n'yo hehehe....na iba talaga ang Pilipinas, home sweet home.

---------------------------------------------------------------------------------------

Bakit Gustong-gusto Kong Bumalik sa Pilipinas??

1. Prutas- Miss ko ang mga prutas sa atin na wala dito sa Japan kagaya ng manggang hhhilaw na may kasamang bagoong halamang, manggang hhhinog (may "h" yan a) na hindi kinalburo, tinadtad na santol na isasawsaw sa bagoong alamang hmm tsalap, lansones na maliit ang buto at ubod ng tamis, chiko na amoy lasing hehehe ay amoy alcohol pala, guyabano na konting buto, atis na matamis, buko na malauhog sa lambot at mahaba man o maikling saging na latundan at lakatan.

2. Fast Food- Jollibee !!! Dunkin Donuts (wala dito sa lugar namin yan eh, si Mr. Donut lang), greenwich pizza, Andok's o Baliwag lechon manok

3. Mga kakanin- alayang hube, kamoteng kahoy na suman, suman na malagkit, bibingka, espasol, buko pie, puto bungbong, kutsinta, sapin-sapin, biko, maruya atbp.

4. Mga Pagkaing Kalye (Street Food)- Fishballs, squidballs, kwek-kwek, kikiam, taho, sago't gulaman, buko juice- pero bibili na lang ako sa loob ng mall baka ako ma hepa mahirap na so ano na kaya tawag dun, food mall....ay food court na hehehe.

5. Beach (kahit saan pa siya) at hot spring sa laguna, di ko pa kasi nasubukan yun hot spring dito o tinatawag nilang onsen, yun maliligo ka na hubo't hubad, di ko kaya kasi yun baka pag nakita ako ng mga haponesa magtakbuhan silang lahat hehehe).

6. Damit- miss ko na ang mga "kukur"..... kukurtinahing damit..... ay wag naman pala yun nagsawa na ako dun hehehe kahit "mumur" na lang ok na, mumurahing damit hehehe.

7. At ang importante sa lahat.... ang pamilya ko, kapuso man at kapamilya, mapa in-laws at out-laws, lahat sila miss ko na...sipsip hehehe.

---------------------------------------------------------------------------------


Share ko pala sa inyo ang quote ng asawa ko kung bakit kami laging umuuwi sa Pilipinas gayong maraming mga Pinoy expats na madalang sa patak ng ulan kung umuwi dahil na rin sa kakulangan sa budget o wala ng pamilyang uuwian. Eto:

"Habang buhay pa ang mga magulang natin dapat natin silang makita at madalaw, kung maaari taon-taon dahil mas mahirap kung uuwi ka lang para madatnan ang walang buhay nilang katawan." (waaaa natouched ako)

Sagot ko sa quote na yan:

"Sana may maipon na tayong pera, kulang ang limang libong dolyar para makauwi, pamasahe palang talo na (ssshhhh sa isipan ko lang yan at sana magkatrabaho na ko hehehe)."


ANO naman ang ayaw ko sa Pilipinas???

Marami! Pero isasantabi ko muna ang lahat ng mga 'yan kasi pagkaing Pinoy ang nasa isip ko hehehe (walang diet diet!!!!)

LARAWAN: Kuha sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa Laguna noong isang taon

10 comments:

  1. Napansin ko nga pong 57% ng mga hinahanap-hanap niyo sa Pilipinas ay mga pagkain. Huh! Ganu'n din po ako, siguro halos lahat ng mga expatriates o temporary overseas workers.

    Tama talaga ang sinabi ng asawa niyo, Sardonyx... Bakit niyo naman iisipin ang $5,000 na airfare, di ba libreng sakay ang inaabangan niyo?

    'Yong tungkol naman sa mga ayaw niyo sa Pilipinas... gusto mo HULAan ko? o",)

    ReplyDelete
  2. haha. pansin ko puro pagkain na-miss mo eh. hahaha...mahal naman ng airfare. abangan mo nlng tlga yung libreng sakay.

    may kamag-anak ka palang outlaws ha. hehe.

    kala ko yung photo sa disneyland. galing. bakit ndi ko yan napansin sa enchanted?

    ReplyDelete
  3. sabi ko na nga ba eh, pampa home sick na naman ito huhuhu! kung parang Cubao at Marikina ang pinas diba? But your quotes is truly touching and realistic hehehe.

    ReplyDelete
  4. Nakikibahagi sa ako mga miss mo sa Pilipinas, syempre, litson ang una kong nami-miss, pangalawa ay ang mga kasiyahan ng pyesta at kapaskuhan, puro kainan na pagtitipon ito hahahaha.

    Sa bawa't pag-uwi, kaakibat talaga nito ang magastos na kasiyanan ng pagbabakasyon, subalit kung minsan hindi kayang tawaran ng pera ang kaligayahang hatid nito sa puso natin at ng ating mga kapamilya.

    ReplyDelete
  5. kukur! haha..

    anu kayang meron sa pinas at marami akong kakilala sa ibang bansa na gusto laging umuuwi dito, kahit ako ayoko umalis dito. at kung mapunta man sa ibang bansa, sobrang mamimiss ko pa rin ang pinas. siguro dahil..pinoy ako. ahaha

    enjoy lang sa bakasyon, saka gudlak..sana magkawork ka na. :)

    p.s.
    alala ko, nung medyo bata pa ako. ung pic sa EK, may picture ako na andun sa ibabaw ng ulo. :D

    ReplyDelete
  6. Hay,
    pers taym ko dito, 'kakatuwa naman ang blog mo! naaliw tuloy ako at nakalimutan ang sakit ng ulo! lol

    ReplyDelete
  7. Hula, makakakita ka ng isang dambulalang ibon. Kasing laki ng C130 o di kaya C17! : )

    ReplyDelete
  8. hospitality ng mga pinoy. hehe.

    love,
    nobe

    www.deariago.com
    www.iamnobe.wordpress.com

    ReplyDelete
  9. ingat sa bakasyon at i-enjoy ng husto, sulitin lahat hangga't maaari! paki-kain na din ako ng lahat ng nabanggit! lalo na ang mga prutas na hilaw na may bagoong!!!! nagtutulo laway tuloy ako bigla! hahaha!

    ReplyDelete
  10. Ingat sa bakasyon: hehehe, baka magkita kau dun ng isang fans mo, si Nebz. haha

    Bakit nga ba kelangan bumalik sa Pinas?
    Kasi andun ang mga mahal mo at mahal mo pa rin ang bayan mo.

    ReplyDelete