Wednesday, June 10, 2009

HULA SCOOP: Huwag Piliting Baguhin Ang Mga Nakaraan Mo


HULA: Huwag mong piliting baguhin ang mga nakaraan mo, pero kung mapilit ka sige gawin mo na gusto mo, bahala ka hehehe.

SCOOP: Parang gusto ko uling talakayin ang mga sawikain natin, kung anuman ang kaugnayan nito sa hula ay akin na lang yun. May mga sawikain o idioms tayo na tila hindi na angkop sa ating henerasyon na unti-unting binabago ng mga tao ang kahulugan nito o ang iba ay unti-unti ng hindi nagagamit at minsan iba na ang pakahulugan ng mga tao. Narito ang ilan.

1. Noon-sampid bakod (nakikitira)
Ngayon-sampid (nakikitira pero wala ng bakod yun bahay hehehe)

2. Noon-Nagbibilang ng poste-(walang trabaho) madalang pa poste noon kaya ngayon iba na
Ngayon- ...."nagbibilang ng tuhod" (ayaw na talagang magtrabaho, kinareer na, tambay sa kanto, binibilang ang mga nagdadaang tuhod hehehe)

3. Noon- makati ang paa (mahilig gumala)
Ngayon- makati (mahilig gumala para humanap ng kapakner at ng maibsan ang kati hehehe)

4. Noon- makapal ang palad (masipag)
Ngayon- mariang palad ay hindi pala hehehe 'makapal ang palad' pa rin pero iba na ang kahulugan ( may kalyo sa kaka...sulat?? basta may kalyo di ko lang alam kung bakit hehehe, baka nga masipag kaka....salin ng tubig?? ewan)

5. Noon- matigas ang leeg (mapagmataas)
Ngayon- matigas ang "ano"(maraming kahulugan ang ano,bahala na kayo, pwedeng matigas ang loob o kaya matigas ang tuhod, kahit anong matigas pwede hehehe)

PAUNAWA: Ang mga nabanggit na sawikain noon ay pawang totoong kahulugan ngunit huwag maniwala sa sawikain "ngayon" gawa-gawa lang yan ng taong walang magawa.....ako hehehe.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay kuha ko sa isang city dito sa Japan, sa Sendai. Wala lang, gusto ko lang ishare yun pangalan ng store, akala ko kasi mali spelling hehehe (bakit ba ako nakikialam sa mga Hapon? hehehe).

PAHABOL:

Sa mga di pa nakakabasa ng blog entry ko sa PEBA, paki click lang po ito.

Pag nagustuhan ninyo, pakiboto na rin po ako. Paki click ito o yun logo ng PEBA na nasa right side bar.


Muli po ang taos puso kong pasasalamat sa mga bumoto, at sa mga nag-aalanganing bumoto, sa mga ayaw bumoto at sa walang time na bumoto, ok lang po, salamat na rin po.

14 comments:

  1. Nakaraan... uhumn!

    Hindi na nga nababago ang mga nakaraang kwento sa ating buhay. Kaya tama ang payo. Ayos! U

    Ang mga bagay-bagay, wika, pamumuhay, atbp? Nagbabago talaga ito bilang pagtugon ng mga tao sa makabagong panahon. Kung hindi tayo sumabay... uhmn, hulaan mo nalang kung ano ang mangyayari, Sardonyx.

    ReplyDelete
  2. hahaha, natawa ako sa part na tuhod. nagbibilang ng tuhod, hahaha! yan ba kasama sa bilang ang mga uugod-ugod, whew naalala ko tuloy after 40 years. hehehe,

    Anong sekreto at mukhang ang layo na ng result mo? Hmmn, magaling ka sa diskarte ah. Congrats for leading the poll at this point of time.

    ReplyDelete
  3. i read your entry inspiring , congrats!

    ReplyDelete
  4. As usual, great entertainment na naman. I wonder how often you pause to come up with posts like this.

    Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Do come back for more of tomorrow and find out where we are going!


    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    I, Woman

    ReplyDelete
  5. RJ- yes, may tama ka hehehe nababago talaga ang pamumuhay ng tao kaya nga may manghuhula hehehe

    Mr. Thoughtskoto- pagtanda natin isa na tayo sa magbibilang ng tuhod hehehe; marami kasing nagmamahal sa akin kaya binoboto nila ako hahaha, showbiz ang dating ng sagot ko ah? hehehe nangangampanya kasi ako ng "iboto n'yo ko" hahaha

    Life Moto- salamat at nainspired ka sa blog entry ko, salamat talaga

    Joy- noon, everyday akong nagpopost ng hula scoop pero ngayon nangangalawang na rin ang utak ko minsan walang maisip hehehe...malapit na ngang maubos eh

    ReplyDelete
  6. Nakakatuwa yung mga makabagong sawikain, mas masaya ;)
    Kamusta naman sa shop na yan? Hindi naman malagkit yung sahig?

    ReplyDelete
  7. Rico- salamat muli sa pagdalaw, hindi na ako pumasok pa at baka magkamali na naman ako ng akala hehehe

    ReplyDelete
  8. hahaha! natawa ako sa modernong sawikain mo! galeng mo mag-isip! at akala ko din mali lang ng spelling ung pangalan ng tindahan.

    btw, binoto na kita sa PEBA, nawa ay manalo ka! balato ha! hehehe!

    ReplyDelete
  9. syel- hahaha nagets mo rin pala yun name ng store; salamat sa boto ha, sige babalatuhan kita wag kang mag-alala, pipira-pirasuhin ko ang "winning badge" at ipapamahagi ko sa lahat ng mga bumoto hehehe

    ReplyDelete
  10. Aliw ang magbasa ng posts mo!
    Panalo, LOL.
    Thanks for the comment and the link.
    Let the fun begin. =)

    ReplyDelete
  11. ayy.. sana nga pede baguhin yung nakaraan. hehe

    pede siguro itama na lang.


    tomod's. haha!

    ReplyDelete
  12. Gusto ko yung #2... nagbibilang ng tuhod, marami nyan sa atin talaga, lalo na sa kinalakihan kong lugar sa Pasay... unbelievable halos 24/7 ang mga tambay, I wonder kung ilang tuhod na ang nabilang nila hahahahaha.

    Happy 111th National Independence, congratz pala for leading the poll, tama nga ata ang hula, babae na naman ang susunod na mamumuno... hahahahaha.

    A blessed weekend.

    ReplyDelete
  13. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakaapak ng ebak sa dinadaanan.

    Ang tumakbo ng matulin, hinahabol ng ulol na aso o mi atraso.

    ReplyDelete
  14. docgelo- salamat at naaliw ka :-)

    choknat- hindi nga pwede baguhin hehehe

    Pope- wag mo muna akong icongratulate at baka wala ng bumot hahaha, oo nga marami rin sa lugar namin ang nagbibilang ng tuhod

    Blogusvox- teka mga bagong salawikain ba mga yan? hehehe

    ReplyDelete