Sunday, March 7, 2010

HULA SCOOP: Wala Ka Sa Mood Makipag-usap

Ang galing ng drawing ko!!


HULA: Wala ka sa mood makipag-usap parang may "s" ka ngayon kaya ilag ang mga tao sa paligid mo. Huwag ka namang ganyan, kung may problema ka, sarilinin mo lang, huwag kang mandadamay.

SCOOP: Bakit nga minsan wala tayo sa mood makipag-usap, minsan tahimik lang tayo pero ang init naman ng ulo??? Kayo ba ganyan ngayon? Ako, wala naman akong "s" pero sa hulascoop ko "speechless" muna ko. Kaya may "s" ako ngayon, may s!!! hehehe. Huwag kayong mag-alala di ko kayo dinadamay.....malungkot lang ako.

------------------------------------------------------------------------

Malungkot ako kasi dami kong namimiss ngayon (syempre ano fa??), kaya dinaan ko na lang sa drawing. Pasensiya na minsan mas mabuti pa ang magdrawing ng "freehand" kesa sa idrawing ko pa sa autocad o kahit sa ano pang CADD program. Napakasimpleng bilog e ido drawing ko pa ba sa computer?? Minsan mas maganda na yan para unique hehehe pasensiya na kayo di ako perfect sa bilog pero magaling akong mambilog hahaha.

Pero teka, alam nyo ba kung ano yan?? Yan kasi namimiss ko sa Pilipinas yun nasa dalawang bilog na yan sa magkabilang dulo yun sa gitna di ko namimiss yan hehehe.

O sige na wala ako sa mood talagang magkwento eh. Sana lang mahulaan nyo ang namimiss ko para mapasaya nyo ako hehehe.

PAHABOL na joke ni Sardz:

Nag-uusap ang dalawang bulol na bata:
Buknoy: Tutan, punta tayo sa kanto meron promo may libre kan tutbrush at colgate pakita mo lan ipen mo.

Susan: Wag mo ko utap, wala ako ta mood!

12 comments:

  1. Alam ko ang namimis mo!!!! :) meron nun sa bagyo may flavor pa strawberry :) ingat lagi sardonyx :)

    ReplyDelete
  2. Mali pala spelling ko haha Baguio!!

    ReplyDelete
  3. di ko alam kung tama nasa isip ko, mukang inaagiw utak ko. pero yung sa joke kuha ko! super hagalpak tawa ako!

    ReplyDelete
  4. honga, sa Baguio sasabihin kagad ng nagtitinda, "taho po, strawberry flavor!".

    yung ganyang drawing, pahulaan namin yan nung mga kababata ko dati. kakamiss.. hehe

    ReplyDelete
  5. I agree with syel, its a top view of magtataho with his taho containers hahahaha.

    Malungkot ka pa rin, wala pa ba si hubby mo? Sad nga :(

    A blessed weekend!

    ReplyDelete
  6. Ay, taho...

    Kala ko pa naman...

    I miss visiting your blog. Tinamad kasi talaga ako maggala ngayon.

    As usual, natawa ako kay Tutan.

    ReplyDelete
  7. Hehehe :D Taho nga ata eh, at may konek sa kwentuhan ng mga bata lolzz, dumi ng isip nyo!

    ReplyDelete
  8. Kung "taho" yan, e saan naka kabit yung kawayang pasan pasan ng mamang mi malaking sumbrero? Sa tingin ko,parang nakadikit doon sa latang lalagyan ng taho.

    Bra yan! Bra ng babaeng tatlo ang suso!

    ReplyDelete
  9. roanne- meron palang strawberry flavor ng taho sa Baguio? grabe di ko alam yun ah, galing mo

    syel- tama ka rin hehehehe at mas lalong tama ka sa joke nagets mo kagad LOL

    choknat- so kahit pala sa generation nyo eh naabutan mo pa rin ang pahulaan na yan? hehehe noon maliit kasi ako yan ang pahula sa amin din hehehe

    Pope- oo top view ng magtataho pero mali yata ang drawing ko hahaha, wala pa rin si hubby sa June pa dating

    Nebz- ano naman ang akala mo? hmmm aminin hehehe, hehehe si Tutan talaga laging bida no? lalo na pag tumayo ang testigo, kay Tutan tayo LOL

    CM- teka dinagdagan mo nga ng koneksyon yun taho sa joke ko e hehehe, yun koneksyon dun eh yun wala ta mood ti Tutan yun di ba hula ko LOL kaw talaga hehehe

    blogus- ang galing mo naman, engineer ka talaga! hahaha kulang nga yun drawing ko ng top view na magtataho, pero may lusot ako, yun tali kasi di makita dahil transparent ginamit ko no LOL

    natawa ako sa hula mo na bra hahaha na may tatlong suso grabe hagalpak ako ng tawa, mas malala pala ang isip mo kay CM

    ReplyDelete
  10. It's International Women's Month! Heads up girl! :)

    ReplyDelete
  11. pwede pasali sa post mo.. :))
    love this..
    Architecture po ba ang course mo? :D

    ReplyDelete