Saturday, March 20, 2010

HULA SCOOP: Huwag Kang Masyadong Tahimik

Maraming casino dito sa Japan, isa na dito ay ang Jam Friend

HULA: Huwag kang masyadong tahimik, minsan magsalita ka naman ng kusa o magsimula ka ng kwento hindi yun pinapanis mo laway mo.

SCOOP: Naisip nyo ba kung kailan nangyari sa inyo na hindi kayo nagsalita man lang sa kausap ninyo?? Huwag naman ganun, dapat matuto tayo na makisalamuha sa ibang tao.

-----------------------------------------------------------


Kapag nag lo-long driving kami o road trip, di pwedeng mapanis ang laway ko at ng asawa ko , baka makatulog ang asawa ko na panis pa ang laway habang nagmamaneho aba mahirap na, mabunggo pa kami sayang naman yun sasakyan namin hehehe.

So para magkaroon ng pag-uusapan kahit anong makita namin ay binibigyan namin ng sarili naming interpretasyon at gagawan namin ng kwento, yun ang sikreto namin, eto mga halimbawa :

1. Yun sasakyan humaharurot, nag overtake sa amin- "yun drayber "nadudumi" kaya nagmamadali, hayaan na nating mauna"

2. Nakakita kami ng napakalaking bukid pero walang tanim puro talahib ang nandun- "malamang yun may-ari ng bukid na yan natalo sa sugal kaya walang pampuhunan para makapagtanim"

3. Yun sinusundan namin sasakyan ang bagal:
Papa ko: "malamang babae na Asian ang nagmamaneho niyan"
Ako: "Uy di naman lahat no, mabilis naman akong magdrive, malamang matanda na ang driver"

- Lalapitan namin ng maige at kapag nalaman namin matanda ito naman ang sasabihin namin:

"Tatang pakibilis-bilisan nyo naman po, marami nang nakabuntot sa inyo!"

4. Mag-syota magkaholding hands-
Papa ko: "Lolokohin ka rin niyan!"

5. Yun driver ng isang sasakyan palipat-lipat ng lane at panay ang overtake-
Ako: Grabe naman yun drayber na yun, pati ba naman kalsada tinatahi niya!
Papa ko: Bakit?
Ako: Ikaw kaya ang panay ang zigzag sa pagmamaneho e para ka ng nagtahi yun nga lang kalsada tinatahi mo.
Papa: Baka naman inaantok kaya panay ang change lane para magising siya.
Ako: Siguro o baka naman lashing?
Papa: O baka naman may humahabol sa kanya??
Ako: Siguro nga o baka naman nagtatae?

6. Pag medyo pagod na dumaldal, sinasabayan na lang ang kanta sa ipod (hanep hindi na CD hehehe)....share ko na lang sa inyo yun isang road trip namin last January.



video


7. Kapag wala na talagang maikwento at inaantok na ko:

Ako: Ok lang ka lang ba "hon"?? Huwag kang matutulog ha, nagda drive ka, sabihin mo lang kung inaantok ka at .....magstop tayo (kala niya magvo volunteer akong magdrive nye hehehe) o kaya itutulog ko na lang ito para sa'yo hehehe.

8. Minsan kinakausap ang driver na sinusundang sasakyan.
Kagaya nitong video.



video

9 comments:

  1. Para palang UK ang Japan. Sa maling lane dumadaan. At naalala ko tuloy ang mrs ko doon sa huling video - pasahero na, driver pa! >: D

    ReplyDelete
  2. ang saya nyo siguro kasama sa sasakyan. hehe. ganyan din kami ng mga friends ko, kaya lang pag madami kami ang ingay masyado pero masaya. malabong antukin ung driver friend namin. :)

    ReplyDelete
  3. hindi ka ba nahirapan na nag drive when you first got there? kasi nasa ibang side kayo ng road nag dadrive. Nakakatawa talaga yung mga halimbawa mo. you are sooo funny.

    ReplyDelete
  4. ay kaganda pala ng tanawin dyan, puro puti! hahaha! kung ako yan, baka natulog na lang ako pabayaan ko ang driver! hahaha!

    ReplyDelete
  5. blogus- oo sa left side ang steering wheel din dito pati ang daan, lahat naman dito baliktad e hehehe yun on, off LOL, iba kami ni mrs mo kasi ako pasahero na, gps pa. Hirap kasi dito walang mga sign board puro landmark at distance ang directions kaya ako ang GPS ng asawa ko hehehe, sinusunod niya lahat ng sasabihin ko hehehe

    choknat- masaya na may kasamang asaran pero pag malayo na yun trip tinutulugan na kami ng mga anak namin kaya kaming dalawa nag-aasaran LOL

    Lorena- mahirap sa umpisa magdrive, yun turn signal wiper dito hehehe at yun wiper pang turn signal, yun kambio nasa kaliwa din, kaya pag yun sasakyan gumalawa yun wiper malamang bago yun driver hehehe )isa rin yan sa pinagkukuwentuhan namin mag-asawa lol)

    syel- maganda nga pag may snow pero pag fall maganda rin yun kulay red and orange naman, di ko magawa yan sa asawa ko kasi kawawa naman bka makatulog magdrive mahirap na baka utusan pa akong magdrive e ok na akong pasahero kasi pag ako ang driver di rin naman siya makakatulog sa pagmamaneho ko e heheh

    ReplyDelete
  6. i'm sure you never had a dull moment with your husband and likewise he is with you. saya siguro nyong mag usap lagi... uy, na mimiss na ni sardz si mister... ako din gusto ng umuwi... actually i'm cutting my trip to tokyo shorter than scheduled because of uncontrollable circumstances; but im ok, still enjoying the tail of winter and the blossoming of spring. ANG MAHAL DITO GRABE!

    ReplyDelete
  7. ang saya nyo naman :) galing mo talagang mg kwento :)

    ReplyDelete
  8. Finally narinig ko na ang boses mo. Authoritative! Haha.

    Ikaw ba ung tipo ng kapatid ko that while her hubby is driving sya ung: O dee (short of daddy), ingat k. O dee, ung preno. O dee, ung kotse sa harap mo. O dee, magsignal ka na. O dee, dahan-dahan.

    Hehe.

    Ganda ng daan. Kakainggit magmaneho jan.

    (Which reminded me: I should have taken a video rin of my trip to Kuwait yesterday. Wala e. Nagchikahan lang kami ng amo for three long hours! Pangit pa ung mga photos na nakunan ko dahil bilis kasi ng amo ko magmaneho).

    ReplyDelete
  9. doc- yup namimiss ko na si Papa ko hehehe, kahit ayaw mo na tanungin kita eh kukulitin pa rin kita, bakit naman uuwi ka ng maaga?? Sayang naman yun trip mo dyan sa Tokyo? korek ka mahal bilihin sa Japan lalo na sa Tokyo

    Arlini- actually magulo ako magkwento hahaha pero sanay na asawa ko kaya sumasaya na rin hehehe

    Nebz- hahaha authoritative ba??? parang latang pinunit ang boses ko no? LOL dapat kasi sinisindak yun asawa kasi pag di nakikinig lumalagpas kami sa exit e ako pa naman ang living GPS niya ayaw magbasa ng mapa e hehehe

    hindi naman ako laging nagpapaalala sa asawa ko kaya ako ganunka si ako ang GPS niya kaya talagang dapat sumunod siya sa akin

    sayang dapat nagtake ka rin ng video para nakita ko ang lugar diyan

    ReplyDelete