Sunday, February 28, 2010

HULA SCOOP: Umiwas sa apoy

A 10m Giant Spider at Roppongi Hills, Tokyo during day time (kuha ko last year)


During Night time


HULA: Umiwas sa apoy at sa singsing pero kung hindi maiwasan ok lang, ganun talaga, swerte swerte lang, kung mamalasin di ka talaga swerte kung swerte ka naman e hindi ka malas.

SCOOP: Ang swerte minsan hinahanap at minsan iniiwasan ang malas pero paano nga ba iwasan ang malas at hanapin ang swerte? Yan ang di ko masasagot. Pero ito pa ang mga tanong bakit apoy at singsing?? Dahil ba ang apoy ay nag-aalab?? na parang tukso?? E bakit singsing?? Dahil ba sa baka matukso ka sa taong may wedding ring??? heheheh Hmmm ah ewan!

----------------------------------------------------------------------------
Paano hahanapin ang swerte?

1. Umiwas sa feel mo na mamalasin ka.
2. Kung ang sabi ng hula malas ka ngayon, huwag hanapin ang swerte kasi nga malas ka nga.
3. Kung feel mo na swerte ka, malamang swerte ka nga so swerte mo talaga hehehehe....ang gulo!

Paano maiiwasan ang malas sa araw na ito, ang apoy at singsing???

Hindi ko pa rin alam!! Basta alam ko malas yata ako kasi lahat yata nang napuntahan ko ay may lindol! (Hello??? ano naman kinalaman niyan no??) Pero swerte pa rin ako dahil di pa ako nakapunta sa Haiti at Chile kung saan nagkaroon ng malakas na lindol. Pero malas yata talaga ako at sa tingin ko pagkatapos ng lindol laging may tsunami warning, lagi rin nakabuntot sa akin ang mga warning na yan! Katulad na lang nang una kong pag aabroad, sa California ayun nilindol kami doon, habang wala ang asawa ko pero mahina-hina lang yun time na yun compared sa nararanasan ko dito sa Japan at Pilipinas.

Sa Pilipinas ang malakas na naranasan kong lindol doon ay 7.7 noong 1990, grabe nasa 4th floor ako ng Mapua west building, may seatwork kami sa Differential Calculus, nilindol na kami e sige pa rin ang gawa ng seatwork pero sa sobrang tagal, ayun nagtakbuhan na rin kami sabay tapon ng mga papel. Wala ng stampede kasi kami na pala ang last na bumaba sa building hehehe. Naglakad lang naman ako mula Mapua hanggang Araneta Ave sa bandang QI (Quezon Insitute) at walang masakyan ng jeep....hay unforgettable!

Noong nasa Hawaii kami, 2006 nang nilindol din kami dun na may intensity 6.6 at nawalan ng kuryente buong island ng Oahu kung saan nandun ang sikat na Waikiki sa Honolulu. Pasalamat ako at Linggo nangyari yun wala akong pasok kundi nangatog na tuhod at tumbong ko (ooops excuse my word erase, erase hehehe) dahil nasa 28th floor ang opisina ko noon sa tapat ng Waikiki. Then may tsunami warning din kami noon nang magkaroon ng lindol sa Indonesia, kada yata may lindol sikat ang Hawaii sa tsunami warning (napansin ko lang hehehe).

At nang mapadpad naman kami dito sa Japan, 2 weeks palang kami, nagwelcome kaagad sa amin ang 6.8 na lindol gusto ko nang bumalik kaagad ng Hawaii nun hehehe sa sobrang takot, ang tagal kasi ng pagshake parang dinadambahan ang pinto ng kuwarto namin tapos may after shock pa, hay unforgettable talaga!

Pero ngayon pangkaraniwan na lang ang intensity 6.0 dito pero nakakakaba pa rin, kasi nagkaroon kami ng lindol after ng lindol sa Haiti tapos ngayon naman may tsunami warning dito dahil sa Chile's earthquake. Malas ko talaga dahil sa Northern Japan kami nakatira bandang east kaya nasa amin ang "major tsunami warning" mga 3m o 9ft or more ang ini expect na tsunami dito. Ang lapit lang kasi namin sa beach kung saan nandun ang Pacific Ocean, mga 5 to 10 minutes drive nasa beach na kami so gaano kaya kalakas ang hampas ng wave para kami mahagip dito???? Di ko alam, pero alam ko malapit kami sa dagat hindi katulad sa Pilipinas, California at Hawaii na malayo ang bahay namin sa dagat. Hay ano ba ang mga lugar na napuntahan ko eto yata ang malas ko.......apoy at singsing!!! "Ring of Fire!!" Anak ng tokwa!!!!! Ako pala ang tinutukoy ng hula ko!!!


PAUNAWA: Dalangin ko ang kaligtasan ng nakararami sa nakalipas na lindol sa Chile, sana wala ng tsunami na dumating dito sa amin at sa Pilipinas at iba pang karatig bansa.

LARAWAN: Imaginin ninyo na lang na kasing laki ng gagamba na yan ang tsunami na hahagip sana sa amin dito sa Japan, (pero ang minimum ay 3m o 9ft) pero maaring ganyan kataas. Kakatakot!

11 comments:

  1. parang lapitin kayo ng lindol ah. ingat po kayo. dito nga rin sa pinas nagkaron din ng alert pero ok na ulet..

    ReplyDelete
  2. Sa simula nagtataka ako kung ano ang ibig niyong sabihin sa 'apoy' at 'singsing'... Pacific ring of fire pala.

    Hindi ko akalaing ang isang manghuhulang tulad mo ay pinuproblema ang tungkol sa kamalasan at swerte. o",) Chicken lang ang mga bagay na 'yan sa 'yo.

    ReplyDelete
  3. 3m wave? Kasing taas ng standard height na ceilling ng bahay. Hindi aabot sa bahay nyo, Sardz. Unless malakas ang frequency (maraming alon).

    Sabi ko na nga ba't "Ring of Fire" yang sinasabi mo. Yan kasi yung mga volcano sa gilid ng pacific tectonic plate. Kasama ang japan at pinas dyan. Salamat na lang at "inland" ang epi-center ng lindol. Kung sa gitna ng dagat nangyari yun, at 8.8, siguradong higanteng tsunami ang darating katulad sa Indonesia.

    ReplyDelete
  4. iniikot mo ba sardz ang lahat ng bansang nasa ring of fire? ok lang for us long as you and your family are always SAFE. nakakatakot lalo na may bata. hindi biro mga balita ngayon; grabe! from haiti, to chile's quakes with tsunami alerts everywhere; we can only pray for everyone's safety.

    naglakad ka mula mapua hanggang araneta ave? ayos! exercise naman kaya yun, kaya lang lupaypay ka siguro sa pagod pagkatapos.

    always be safe, sardz!

    ReplyDelete
  5. choknat- oo feel ko nga lapitin ako ng lindol o ako ang lumnalapit hehehe

    RJ- oo wala akong maisip na hula kaya sarili ko na lang hinulaan ko hahaha malay mo coincidence sa ibang tao yan

    blogus- hindi nga aabot sa 2nd floor ng bahay pero that was the minimum, 3m or more pero nakakatakot kapag naalala ko kasi yun sa Thailand eh

    oo nga, salamat na lang tayo at hindi sa dagat ang epicenter galing mo talaga, thanks fo sharing hehehe

    docgelo- oo nga napansin ko nga na iniikot ko ang mga bansa na nasa ring of fire hahaha, bukod pa dun, kung sa Pilipinas ang pag-uusapan nakatira mga kapatid ko sa Marikina e alam ko nasa faultline din sila ng lindol (bukod sa bahain pa) gusto ko nga silang palipatin e para maiba naman sana hehehe

    hay ginabi na kami ng uwi, as in lupaypay talaga ako! sumabit pa ako niyan sa jeep ha para lang makasakay LOL (style yan hehehe)

    ReplyDelete
  6. habang binabasa ko ito ay tila napuna ko ang mga bansang iyong pinuntahan mula sa Pinas ay nasa Ring of Fire, hindi ka pala sinusundan ng lindo, sa halip ikaw pala ang bumabagtas sa lindol.

    Last experience ko ng lindol ay iyong nung 1990 kung saan naapektuhan ang Baguio City at Cabanatuan.

    Let us pray na nawa'y hindi na muling maranasan ng ating mga kababayan sa Pilipinas ang ganitong uri ng kalamidad.

    ReplyDelete
  7. nakikiisa ako sa iyo and ng buong mundo na mawala na ang mga banta ng tsunami at ano pang kalamidad. May itinuturo marahil si Lord sa bawat isa. Love our earth and respect his creation. ingat na lang and God bless.

    ReplyDelete
  8. Pope- korekek ka dyan, ako nga ang bumabagtas sa ring of fire hehehe, hay kaya nga gusto ng umalis sa JApan at panay lindol dito

    LifeMoto- tama ka dyan, love our nature at isa sa mga signs na nasa bible ay ang mga lindol sa iba't ibang panig ng mundo, kalamidad, that means we have to be prepared....dapat lagi tayong handa come judgement day (naks naman parang totoo ang pagkabanal ko hahaha)

    Arlini- sino maganda? ako? thank you hehehe

    ReplyDelete
  9. malakas ata kamandag mo sa lindol sards! knock on wood! hinahabol ka parati eh! samantalang ako, once lang ako nakaabot ng lindol na gising ako, sa indonesia pa. yung mga lindol sa pinas palagi akong tulog, parang pinaghehele lang pakiramdam ko!lol!

    ReplyDelete
  10. syel- korekek ka dyan ,mukhang hinahabol talaga ako hehehee jinx yata ako e LOL swerte mo di ka pa nakaranas ng lindol sa Pinas

    ReplyDelete