Friday, February 5, 2010

HULA SCOOP: Marami kang matututunan ngayon

May snow pa rin dito


HULA: Marami kang matututunan ngayon, ang problema lang ay paano ka matututo.
SCOOP:
Huwag mo na kayang alamin, hula-scoop lang ang makakasagot sa mga tanong mo hehehe
-------------------------------------------------------
PAUNAWA MUNA:
Huwag kayong mabibigla, nagbasa muna ako ng tagalog na bibliya kaya seryoso itong hulascoop ko.
BABALA:
Huwag hanapin ang "punchline" ng post ko, nasa Tomas Morato, QC makikita ito.

words for today:
Panaghoy-call/cry/lamentation/wail (magsawa kayo!)

Pakakak- trumpet
(kala ko frog)

Mga natutunan ko sa aking pagbabasa: (magpakabanal muna tayo)


1. Sino ang dalawang tao sa bibliya na hindi namatay?

Enoch (Genesis 5:24) at Elijah (2 Kings 2:11)


2. Ano ang pinakamaikling English/Tagalog verse sa bibliya?

Jesus wept (John 11:35)


3. Ilang tao ang sumakay sa arko ni Noah (kasama siya) na naligtas sa baha?

8 (noah & wife + 3 sons and their wives) -hmmmp sa baha kaya namatay ang mga dinosaurs baka di sila nakasakay sa arko ni Noah dahil mabigat at malaki sila??? ano sa palagay ninyo? di rin kasi ako mapalagay eh....inisip ko rin bakit pa kasi sumama ang ahas dun sa loob, takot pa naman ako dito


Pagkatapos kong magbasa ng bibliya ay eto naman ang aking binasa, BUGTONG!:

1. May dila nga ngunit ayaw namang magsalita,

kambal sila’t laging kasama ang isat isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa

tiyak silang sa iyo ay sasama- SAPATOS


2. Mahaba ang bituka at itoy lumilipad

Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad- SARANGGOLA


3. May ulo’y walang buhok

may tiyan walang pusod- PALAKA


4. Maliit pa si Nene marunong nang manahi- GAGAMBA

5. Dala mo, dala ka, dala pa ang iyong dala- SAPATOS, TSINELAS


SARD'S BUGTONG VERSION:


1. Binabasa mo muna at pinapatigas

Bago isusuot sa butas- SINULID


2. Pinasok ko ng matigas

Malambot na ng lumabas sa butas- BUBBLE GUM


3. Nilalabasan na nga sinasakal mo pa- BOTE


4. Anuman ang tago mo nito, basang-basa(wet) pa rin ito- DILA


5. Ulo aso, katawan aso, paa aso, buntot aso, pero hindi aso- TUTA


13 comments:

  1. Hehehe :D Tanong din ng barkada ko habang sa inuman, "Bakit pa kasi sinama ni noah tong mga lamok na to eh! PAK!(sabay hampas sa lamok)"

    Lolzz, at matindi ang bugtong mo ah, puro kaanuhan hehehe

    ReplyDelete
  2. ang hirap pigilin ng tawa sa mga huli mong bugtong kahit na nakapagbasa ng verses sa bibliya.

    ReplyDelete
  3. kawawa naman ang may ari ng kotseng nalubog sa nyebe.

    ReplyDelete
  4. CM- hahaha oo nga bakit sumama rin ba ang mga lamok o baka naman singaw yun lamok at nabuhay lang sila dahil sa baha? LOL dami stagnant water siguro nun kaya nag piyesta mga yan

    yun bugtong ko....di ba totoo naman??? sabihin mo totoo hehehe

    docgelo- doc sabi ko naman walang punchline e so seryoso pa ako ng lagay na yan ha LOL

    yun may ari ng kotse iniwanan lang kasi sa parking lot kotse nila pero di naman nalubog sa snow, malapit palang hehehe

    ReplyDelete
  5. Sarap ng morning ko, having breakfast while reading your blog, nakakapagbigay ng magandang umaga.

    Happy weekend sa iyo Bb. Sards.

    ReplyDelete
  6. Pope- musta na?? nandyan na siguro asawa ko pero wala pa rin akong balita, wala pang tawag kaya eto nagbabantay ng hulascoop ko hehehe, para lang wag mamiss siya (naks naman).....good morning din sa'yo

    ReplyDelete
  7. Hehehe. Napaka "irreverent" mo. I like it!

    ReplyDelete
  8. nyahahahahaaaahaha!!
    may iba ka pa bang masasabi kundi ang tumawa??

    miss you sardonyx..

    ReplyDelete
  9. Blogus- sorry kung irreverent ako dito hehehe, tao lang LOL

    Ate Loids- long time no see ah??? musta na?? miss you too...sana may time ka pang magblog uli ;-)

    ReplyDelete
  10. Actually, Sards, hindi ko alam kung ituturo kita sa Vatican at sasabihing, i-exkomunicado ang babaeng ito!!!! O wala lang dahil natawa lang ako ng lubha sa mga jokes mo. At first akala ko isang spiritual post ang mababasa ko until I read your bugtong version.

    As your penance, say one OF, three HM and six GB.

    Pakakak is a trumpet? Akala ko prostitute ang pakakak. Hehe.

    ReplyDelete
  11. Nebz- pwede bang pakidagdagan mo na yun penance ko kahit tig sasampu na OF, HM at GB kasi may kasunod pa itong post ko e hahahaha

    "paka" naman yun alam mo na prostitute e hehehe at hindi pakakak LOL

    ReplyDelete
  12. Kung papipiliin ka Ms. Sardonyx, gugustuhin mo bang maging tulad nina Enoch at Elijah ang iyong kapalaran?

    ReplyDelete
  13. RJ- syempre gusto kong hindi na mamatay at sana nga di na ako abutan pa ng kamatayan kung darating na ang "judgement day" sana lang....mapunta ako sa side na maliligtas......AMEN (totoo yan ha serious ako niyan, maniwala ka hehehe, AMEN ka na lang).

    ReplyDelete