Thursday, February 18, 2010

HULA SCOOP: Magiging abala ka na naman

Hirosaki Castle


HULA: Magiging abala ka na naman sa iyong trabaho pero huwag mong kakalimutang bigyan ng quality time ang iyong sarili o pamilya mo. Remember yan ang lagi mong tatandaan, huwag mo lang kakalimutan hehehe gets mo?

SCOOP: Paano mo mabibigyan ng quality time ang sarili mo o pamilya mo?? Eh di mamasyal ka with your family, sabi ko nga "the family that pasyal together swak together" hehehe, yun ang sabi ko ewan ko sa iba.

---------------------------------------------------------------------------

Noong Sabado, Feb 13, 2010 habang abala ang mga tao sa paghahanda ng kanilang ireregalo sa kanilang ka Valentine (waaaa wag nyo ng paalala yan wala asawa ko) ay nagroad trip naman kami sa Hirosaki Castle Park, mga tatlong oras ang biyahe papunta dun. No choice ako, kaya I have to drive din.....pero sisiw lang yan sa kin kasi mga 10 to 15minutes lang ang aking minaneho papunta sa lugar kung saan kami sasakay ng tour bus hehehe mautak yata to ayokong sumagupa sa snow at magda drive na wala ang asawa ko baka kami mastranded no hirap na. Hayun nagbayad ako ng $100 sa trip ako at ang dalawa kong anak, ok na di ba?? ok na yun ang mahalaga hindi ako nagdrive hehehe.

Kaya eto share ko naman sa inyo ang aking mga pictures.

HIROSAKI SNOW LANTERN FESTIVAL


mga tao naglalagay ng candles kahit saan nila trip ilagay


Hello Kitty snow man ay snow kitten pala hehehe (namamaga yun pisngi niya siguro sa lamig)


Hawaiian show girl...ay snow girl pala hehehe (tama ba name?? hehehe)


parol na snow


pusong snow o snow na puso (whatever!)




building snow sculpture (di yan miniature ha)



ayan ganito siya kalaki kasing laki ng building


si mickey mouse ba 'to??? di ko siya kilala e


yan ang anak kong makulit


at syempre ang pinakahihintay ng lahat....ako...bow!! ayan nagbow pa ako hehehe

-------------------------------------------------------------

yun ibang picture dalawin niyo na lang sa isa kong blog para may bumisita naman sa kin dun hehehe, eto click nyo na lang ito "klik"


"paalam"

9 comments:

  1. buti ka pa namasyal. ako tambay sa bahay lang, panay kain dahil new year. ay, nagbasa pala ako. hehehe. ganda ng mga pics ah.

    ReplyDelete
  2. Wow, ang cute naman ng mga snow sculptures at grabeh rin ang kapal ng yelo, but I love it - it's beautiful.

    ReplyDelete
  3. Magkano ba ang entrance fee sa festival? Pinaghirapan talaga ang mga exhibits, sa tingin ko mahal ang bayad.

    Magaganda ang mga pictures! o",)

    ReplyDelete
  4. syel- tataba ka niyan kung lagi ka lang sa bahay hehehe, thanks kung nagandahan ka sa pics (totoo ba? hehehe)

    Pope- cute nga mga snow sculptures marami pa kaso tinatamad akong mag upload hehehe

    RJ- walang bayad ang entrance di ko nga alam paano sila kumikita dito eh yun building ang hirap gawin nun

    ReplyDelete
  5. wow beautiful snow castle and hearts. ang sarap naman ng adventure nyo dyan. thanks for sharing. para na ako nasa Japan :)

    ReplyDelete
  6. Nice photos. Kakainggit ang snowcapades nyong mag-anak.

    Ung paglalagay ng kandila, may significance ba un? Impressive ung ice building.

    (thanks for your prayers, Alice. I'm well now. Medyo may hapdi pa rin at kirot sa sugat pero towards healing na sya).

    ReplyDelete
  7. wow, sardz ang husay ng pinuntahan nyo! ang ganda po! baka mapunta ako sa tokyo ng mid march, malamig pa ba nun? i have to attend to a medical training for 30 days. ayan kaw lang at blog mo may alam.. sa blog ko wala pa ko post about this! hahaha.. actually, next tues pa po apply ng visa yung office ko on my behalf sa embassy dito. it'll be my first time in jap! sana makakita din ako ng snow! =)

    ReplyDelete
  8. Lifemoto- thanks at nag enjoy ka sa photos ko, ganda no hehehe

    Nebz- thanks sa dalaw sensiya na at busy kaya d ako nakadalaw sa'yo I hope you're ok now

    about the candles, I think there's a meaning behind that pero di ko na tinanong kasi ihahapon lang nila ako e di lang kami magkaintindihan e baka magalit pa ako hehehe

    docgelo- hindi nag-iisnow sa Tokyo kaya wala kang makikita dun hehehe unless pumunta kayo ng Mt Fuji baka may snow pa dun, wow ang sarap mo naman 30 days ka sa Tokyo...dalhin mo na rin si Gabby at si Tina para mas masaya naman

    try mo puntahan yun isa kong blog and search for Tokyo para may idea ka kung ano ang magandang puntahan dun, but definitely you should go to "akihabara" yun electronics town dun, sayang sa June kami pupunta sa Tokyo e when my husband comes back, layo namin kasi dun mga 10 hour-drive by car, take more pics ha

    ReplyDelete
  9. hahaha! natawa ako sa sarili ko ng malakas louder than LOL hahaha sa reply mong "hindi nag-iisnow sa tokyo!" hehehe... pasensya na po, it will be my 1st time in japan, hahaha! aliw talaga itong blog mo at ikaw,sardz.. hehehe.

    sponsor ng (huge) clinic ng new job ko ang 30-day medical training ko dun, just to learn the hi-tech equipments they will bring in to makati that i will use here; so ako lang, iwan si tina and gabby. sa blog, ym at email ko na lang muna sila mkikita at communicate. mabilis lang siguro yun 1 buwan lang e.
    i'll visit your blog soon about tokyo and will definitely learn so much from it; kuha ko mga tips saan ok pumunta. i'll definitely take pics and post them in you know where. thanks a bunch,sardz! =)

    ReplyDelete