Thursday, September 24, 2009

HULA SCOOP: Maging Mahinahon.....


HULA: Maging mahinahon sa mga maririnig mo sa ibang tao. Masakit pero minsan totoo. Pumikit ka na lang para di mo marinig hehehe


SCOOP: Mahirap maging mahinahon kung ang bawat salita na marinig mo ay lumalatay sa katawan mo. Katulad na lang ng mga salita na binigyan ko ng kahulugan. Mga salita na “gamit” o “kagamitan” pero pag nabasa mo ang kahulugan ay nagiging pang-uri (adjective)ang mga ito, masasabi natin na nagiging uri na ng tayutay. Sa palagay ninyo anong uri ng tayutay ang mga salita na ito?:


Aparador- tawag sa mga nanay na walang hinto sa paglaki ng katawan

Bariles- namimilog at lumalaking katawan ng babae o maging ng lalaki

Tingting- payat na tao na pwede nang gamitin sa pagwalis ng dumi sa bahay

Sandok- taong may mahabang mukha na animo’y pwedeng gamitin sa pagsalok ng sabaw

Patpat- taong walang pag-asang tumaba at pwede ng ipanghampas sa mga bangaw na umaaligid sa bahay

Palito- tao na animo’y wala ng laman sa katawan at pwede ng gamitin pansindi ng posporo

Uling- maitim na tao na akala mo napabayaan masunog sa kusina; mga ngipin, palad at talampakan lang ang tila di nasunog

Band-aid- ahhhh band aid lang pwede ng isuot di na kailangan ang bra hehehehe


Kahulugan:

Tayutay- tawag ng isang anak sa kanyang ama na nakahandusay sa sahig dahil sa kalasingan, "tayutay! tayu" hehehe


8 comments:

  1. waaaaaahhhh..

    tayutayyyyyyy!!!

    natawa ako promise! panalo!

    ReplyDelete
  2. Isa na namang masayang araw ang ipinagkaloob mo Bb. Sards, nakakatuwa ang tayutay... mabuti na lang hindi ako umabot sa sobrang kalasingan para matawag ng aking anak na "tayutay" hahahaha.

    ReplyDelete
  3. nyahahahahahaha wala talagang mintis lagi mo akong napapatawa...salamat atche!!!

    paano pala kung asawa ang pinapatayo mo? tayusaw?

    ingat parati!

    Kblag

    ReplyDelete
  4. Ayos! U Very good, naisip niyo ito.

    At ang tungkol sa larawan sa itaas? Nakalimutan niyo yata? Huhmn, siguro 'pikit'?

    ReplyDelete
  5. Haha! Natawa ako sa tayutay. Maning-mani talaga sa yo ang pagpapatawa. Corny (ay, mais pala un!)

    Hindi nga, kapag pumipikit ba tayo, hindi tayo nakakarinig?

    ReplyDelete
  6. AZEL- hehehe walang kupas ang tayutay no hehehe

    Pope- ganun ba? di ka natawag ng anak mo na tayutay? baka naman kasi nasa Pilipinas siya kaya walang tatawag sayo hehehe

    Kablag- salamat at muli ka na namang dumalaw sa hulascoop ko....tayusaw? parang di bagay yun sa asawa eh dapat tayunoy! hehehe tayu manoy hahaha

    RJ- mabuti napansin mo yun larawan, hinuhulaan ko nga kung sino makakapnsin na di ko binaggit yun larawan kaya nanalo ka doon hahaha joke lang.....kasi nagmamadali akong ipost yun blog ko na ito dahil sa puyat na naman ako, 11:30pm na lang ako laging nakakatulog kahit 530am gising ko hehehe

    Nebz- mais na mais! hehehe corny ehhh, oo pag pumipikit ako di ako nakakarinig kasi diretso hilik na eh hahaha, ikaw naman joke lang yun inaalam ko kung sino makakapansin nun hahaha

    ReplyDelete
  7. ayaw ko atang matawag ng bariles 'bullet day' (balang-araw), lol... hahaha...
    ngayon ko lang naalala ang Filipino lecture ko noon sa tayutay.. meron talagang ganyang salita, hehehe... nakakawala talaga ng stress ang magbasa ng post mo, missy! :D

    ReplyDelete
  8. doc- oo tayutay ay figure of speech, ang bantot ng tagalog version no? hehehe.....don't worry kahit ilang bullet day pa yan di ka magiging bariles hehehe

    ReplyDelete