
HULA: Maging mahinahon sa mga maririnig mo sa ibang tao. Masakit pero minsan totoo. Pumikit ka na lang para di mo marinig hehehe
SCOOP: Mahirap maging mahinahon kung ang bawat salita na marinig mo ay lumalatay sa katawan mo. Katulad na lang ng mga salita na binigyan ko ng kahulugan. Mga salita na “gamit” o “kagamitan” pero pag nabasa mo ang kahulugan ay nagiging pang-uri (adjective)ang mga ito, masasabi natin na nagiging uri na ng tayutay. Sa palagay ninyo anong uri ng tayutay ang mga salita na ito?:
Aparador- tawag sa mga nanay na walang hinto sa paglaki ng katawan
Bariles- namimilog at lumalaking katawan ng babae o maging ng lalaki
Tingting- payat na tao na pwede nang gamitin sa pagwalis ng dumi sa bahay
Sandok- taong may mahabang mukha na animo’y pwedeng gamitin sa pagsalok ng sabaw
Patpat- taong walang pag-asang tumaba at pwede ng ipanghampas sa mga bangaw na umaaligid sa bahay
Palito- tao na animo’y wala ng laman sa katawan at pwede ng gamitin pansindi ng posporo
Uling- maitim na tao na akala mo napabayaan masunog sa kusina; mga ngipin, palad at talampakan lang ang tila di nasunog
Band-aid- ahhhh band aid lang pwede ng isuot di na kailangan ang bra hehehehe
Kahulugan:
Tayutay- tawag ng isang anak sa kanyang ama na nakahandusay sa sahig dahil sa kalasingan, "tayutay! tayu" hehehe
waaaaaahhhh..
ReplyDeletetayutayyyyyyy!!!
natawa ako promise! panalo!
Isa na namang masayang araw ang ipinagkaloob mo Bb. Sards, nakakatuwa ang tayutay... mabuti na lang hindi ako umabot sa sobrang kalasingan para matawag ng aking anak na "tayutay" hahahaha.
ReplyDeletenyahahahahahaha wala talagang mintis lagi mo akong napapatawa...salamat atche!!!
ReplyDeletepaano pala kung asawa ang pinapatayo mo? tayusaw?
ingat parati!
Kblag
Ayos! U Very good, naisip niyo ito.
ReplyDeleteAt ang tungkol sa larawan sa itaas? Nakalimutan niyo yata? Huhmn, siguro 'pikit'?
Haha! Natawa ako sa tayutay. Maning-mani talaga sa yo ang pagpapatawa. Corny (ay, mais pala un!)
ReplyDeleteHindi nga, kapag pumipikit ba tayo, hindi tayo nakakarinig?
AZEL- hehehe walang kupas ang tayutay no hehehe
ReplyDeletePope- ganun ba? di ka natawag ng anak mo na tayutay? baka naman kasi nasa Pilipinas siya kaya walang tatawag sayo hehehe
Kablag- salamat at muli ka na namang dumalaw sa hulascoop ko....tayusaw? parang di bagay yun sa asawa eh dapat tayunoy! hehehe tayu manoy hahaha
RJ- mabuti napansin mo yun larawan, hinuhulaan ko nga kung sino makakapnsin na di ko binaggit yun larawan kaya nanalo ka doon hahaha joke lang.....kasi nagmamadali akong ipost yun blog ko na ito dahil sa puyat na naman ako, 11:30pm na lang ako laging nakakatulog kahit 530am gising ko hehehe
Nebz- mais na mais! hehehe corny ehhh, oo pag pumipikit ako di ako nakakarinig kasi diretso hilik na eh hahaha, ikaw naman joke lang yun inaalam ko kung sino makakapansin nun hahaha
ayaw ko atang matawag ng bariles 'bullet day' (balang-araw), lol... hahaha...
ReplyDeletengayon ko lang naalala ang Filipino lecture ko noon sa tayutay.. meron talagang ganyang salita, hehehe... nakakawala talaga ng stress ang magbasa ng post mo, missy! :D
doc- oo tayutay ay figure of speech, ang bantot ng tagalog version no? hehehe.....don't worry kahit ilang bullet day pa yan di ka magiging bariles hehehe
ReplyDelete