Thursday, September 10, 2009

HULA SCOOP: Mag-iisip Ka ng PAg-iisipan Mo



HULA: Mag-iisip ka ng pag-iisipan mo, pero di mo pa rin maisip kung ano. Baka kasi nagdadalawang isip ka lang, pag-isipan mong mabuti yan at baka maisip mo rin kung bakit ka nag-iisip.

SCOOP: Bakit nga minsan isip tayo ng isip pero wala naman tayong maisip? Di ba? Korek ba ako dyan? Isang palakpak naman diyan hehehe. Klap!

-----------------------------------------------------------------------------------

Kakaisip ko ng hula scoop ko ay naisip ko tuloy na mahigit na isang taon na pala kami sa Japan (sasabihin ko pa sana na 14 months to be exact pero wag na lang kasi wala namang nagtatanong) ....kaya ayun....malas n'yo yan ang paksa ng aking hula ngayon.

Anu- ano ba ang nalaman at natutunan ko dito sa Japan:

1. matatandang kuba- tabi-tabi po pero unang salta ko palang dito napansin ko na marami sa mga lolo't lola ay .....mga kuba, so nagsaliksik ako, tingin dito tingin doon, silip dito silip doon, kodak dito kodak doon. Ayun nalaman ko na tuwing papasok kami sa restaurant o kahit sa mall, lagi na lang sila bow ng bow sa amin kahit di ko sila maintindihan, pag nagbayad ako...bow, pag pumasok ako sa store...bow, pag mag-oorder ako...bow, pag-aalis na kami......bow pa rin, sobrang galang nila pala. So sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako magba bow sa kanila, nevah! ayokong maging kuba! hehehe

2. paatras- natuto na rin akong magpark ng sasakyan ko na paatras, dati puro ako pasulong sa pagpa park hehehe. Di ko alam kung bakit kailangan ng mga Hapon na ito na magpark na paatras......sa sobrang kipot kasi ng mga daan siguro dito, pero may kinalaman ang physics dyan eh hehehe....physics lang ang katapat!!! physics!

3. tip- ang kainaman dito sa Japan di na kailangan mag tip, pag kakain sa mga restaurants, aba maraki rin ang natitipid ko, ang tanong bakit ayaw nila ng tip??? basta masaya na ako na di ko na kailagan mag tip. Pang iinsulto yata aang magbigay ng tip. Teka alam ko sinabi sa amin ang dahilan eh hmmmm di ko maisip eh saka ko na sasabihin sa inyo pag naisip ko rin.

4. lapad (pakibilis ang bigkas)- nakita ko na rin ang tinatawag ng mga Japayuki na lapad, bakit ang 100,00 yen lang ang tinatawag nilang lapad pero lahat naman ng pera ng Hapon ay pare-pareho ang sukat at kalalapad??? basta ako yen pa rin ang tawag ko...100, 000 yen! (~$100)

5. nihonggo- kapag kinakausap ako ng Hapon ng nihonggo o Japanese, nakangiti lang ako palagi at sabay sabi na "wakarimasen" (medyo pacute pa ang banat ko niyan) ang ibig sabihin nito "hindi kita maintindihan" pero sa isip ko talaga ( tumahimik ka, di kita maintindihan!") at sa ingles...."shut up" hehehe

6. ahas- pers taym kong makakita ng ahas na nakipagtitigan sa akin as in nakipagtitigan talaga, pagbukas ko ng pinto namin bumungad siya sa tapat ng bahay namin mga limang dipa ang layo sa akin, papunta yata sa garahe namin galing sa front yard namin na bukid hehehehe.......waaaaa, ang ahas lang na nakita ko noon eh yun mga nakadisplay sa zoo hindi naman nakikipagtitigan mga yun katulad ng nakita ko dito....ganun kaya ang mga ahas na Hapon o Japanese snake? hehehe, tinagalog ko nga eh kaya umalis din bumalik sa bukid, siguro sabi niya "wakarimasen!" hehehe

7. tunnel- karamihan ng mga tunnel dito ay binutas ang mga bundok para mas mabilis ang paglalakbay, napa isip lang ako na parang wala yata nito sa Pilipinas, hmmm sa palagay ko nakakatakot magkaroon ng ganitong tunnel sa atin, kukurakutin ng mga gobyerno ang mga materyales at kapag lumindol baka matibag pa mga ito dahil sa kulang sa pundasyon, lam mo na, kulang sa lahat kasi nadagdag sa bulsa ng iba.....hay naku mabuti na lang pala at wala sa atin nito.....ayoko ngang matrap sa tunnel 'no at ayokong mamatay na matatabunan lang pala ako ng mga bato....nevah! ayokong maging rebulto no!




ayan tama na yan.....dami ko palang naisip! salamat may isip pala ako hehehe

PAHABOL: Pagkatapos ng isang taon nalaman ko na hindi pala sa pag bow ang dahilan ng pagiging kuba ng mga matatandang Japanese, eto tingnan ninyo ng husto ang larawan na ito....wag mo titigan ang monitor ha, iklik mo kaya ang picture para lumaki

ayun naman pala, sa pangunguha ng tulya o halaan o clams sila nakukuba hehehe.

12 comments:

  1. Nung araw maraming sakang na hapon, pero ngayon kumonti na yata sila. What happened?

    ReplyDelete
  2. I really like your blog, you always makes me laugh. You are so funny and that's a blessing.

    ReplyDelete
  3. BertN- siguro naconscious na sila at kakatukso natin na sakang sila kaya puro piki na sila ngayon hehehe dapat makunan ko sila ng picture habang naglalakad hehehe

    Lorena - salamat at napapasaya kita sa munti kong blog sna lagi kang dadalaw dito para madagdagan fans ko hehehe joke lang para may inspirasyon lang hehe

    ReplyDelete
  4. salamat sa pagbibigay ng japanese facts.

    masarap magtrabho kasama ang mga hapon. sobrang sipag nila. (un eh from my experience from a japanese firm)

    salamat sa kaila for introducing the 5s.

    ay.. buti na lang walang tunnel na ganyan sa POinas... mukhang ung HULA mo magkakatotoo pag nagkaron nyan!

    ReplyDelete
  5. [Hindi ako masyadong fan ng Japan, kasi nairi-relate ko sa salitang ito ang mga ginawa ng lahi nila sa mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pero...] Hahaha! Ayos itong mga kwento rito. Napaisip tuloy ako kung joke o fact na ang pagba-bow at pamumulot ng tulya ay nakakakuba.

    Rebulto?! Buti kung papatayuan tayo ng rebulto matapos matabunan sa isang tunnel na iniisip mong 'yon sa Pilipinas. Huh! U

    Ngayon ko lang naintindahan ang salitang lapad! Matagal ko na itong naririnig pero hindi ko talaga inalam ang halaga nito. 'Ta mo, Sardonyx, dahil sa pag-iisip mo, tumawa at may mga natutunan ako. U

    ReplyDelete
  6. Kaya rin pala maraming mga nagsasaka sa atin ang pagdating ng katandaan ay medyo kuba.

    Salamat po sa Japanese facts. Interesado ako sa art nila -- particularly the zen art. At siempre pa ung bonsai, ikebana, haiku, kabuki, etc.

    Lately medyo napapagod na ako sa kaiisip. Kakatamad na nga minsan. At true, kahit madami akong naiisip, hindi ko naman maisulat. E di parang wala rin.

    Pwedeng mag-request: tungkol naman sa India. (Joke).

    ReplyDelete
  7. AZEL- first time ko rin magkaroon ng ka officemate na Hapon dito at so far masipag naman at mabait, siguro depende rin sa tao yan...meron din sigurong halang ang kaluluwa hehehe

    RJ- naku ha masyado mo palang dinibdib ang world war II hehehe at may konti ka pang hinanakit sa Hapon....pero baka mga gamit mo ay design dn ng Hapon hehehe....pero balita ko na mga Koreano raw talaga ang mga nagpunta dito at hindi Hapon yun ay balita ko lang naman hehehe; mabuti ngayon alam mo na yun lapad, ako rin unang dating ko dito hinanap ko na yan hehehe, yun tatay ko binigyan ko ng isang lapad o 100,000 yen o mga $100 yun naku ayaw papalitan, souvenir daw ng lapad hahaha; by the way, dahil sa halos karamihan dito magsasaka kaya naging kuba sila hehehe, joke ko lang yun about sa tulya hehehe

    Nebz- oo siguro sa pagsasaka yun talaga kaya naging kuba, ako di ko alam yun zen art nila dito hehehe, ikebana lang alam ko no, hayaan mo next time naman tungkol naman sa India ang ipopost ko....promise hahaha

    ReplyDelete
  8. puro ka kasi isip ng isip eh may isip ka naman ba? ako kasi isip din ng isip madalas pero wala naman ding iniisip. mahirap talaga mag-isip pag wala ka naman iniisip. iisipin mo pa kung hindi mo naman maiisip so huwag na lang isipin. isipin mo nga. o hindi ba mahirap isipin?

    ReplyDelete
  9. Parang gusto ko na ring magtrabaho sa japan..gusto ko yong bow nila..hehe Pwede mo ba akong bigyan ng tips kung paano mag-apply ng trabaho dyan?

    ReplyDelete
  10. Sexy- korek ka dyan ang galing mo mag-isip hehe salamat sa dalaw sana mapadalas hehe

    Ruel- di ko alam pano mag apply ng work dito di kasi ako OFW dito napadpad Lang ako dahil sa asawa ko hehe sensiya na ha

    ReplyDelete
  11. Noong WWII, ang mga sundalong hapon na pumunta sa Pinas, karamihan ay Koreano. Mga "officers" lang ang hapon. At yung pagiging sakang nila noon ay epekto ng lack in vitamin D at calcium sa diet nila. Meron din namang nakukuba sa atin katulad sa picture. Marami sa kanila sa kanayonan. Subukan mong mag "planting rice".

    ReplyDelete
  12. So tama pala ang balita ko hehehe so lack of calcium pala ang pagiging sakang so yung piki nasobrahan na sila hehe oo sa pagtatanim sila nakukuba hehe galing talaga ni blogusvox! thnx

    ReplyDelete