Wednesday, September 2, 2009

HULA SCOOP: Maaalala Mo Kung Anu-anong Bagay Ang Mga Nangyari Sa'yo


HULA: Maaalala mo kung anu-anong mga bagay ang mga nangyari sa'yo nang nagdaang taon. Hayaan mong sariwain mo ang mga matatamis mong mga nakaraan, maaaring makapagpakilig sa iyo at ganahan ka sa araw na ito. Kung anong gana, di ko alam kung saan, bahala ka na do'n.

SCOOP: Minsan habang lulan ka ng sasakyan at binabagtas mo ang kahabaan ng daan ay marami kang naiisip at naaalala mo ang mga nakaraan na nakapagpabago sa'yo ngayon (kagaya na lang ng nasa larawan, naks naisingit din hehehe). Naalala ko tuloy itong napulot ko, isang diary notes, isang babae na isinulat ang lahat ng nilalaman ng kanyang puso.....ang problema may pagka forgetful siya at naiwan niya sa upuan sa isang restaurant, kaya eto binabahagi ko sa inyo. Ssssh wag niyong ipagkakalat ha, atin-atin lang to hehehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Diary......(tililing tilling may kuliling)

June 1, 2008

Huwag mong hayaang mawala
at huwag mong hahayaang makaalis, alam ko ito at dapat lang na malaman ko
alam mo naman kung saan lumalabas ang galing ko......

June 23, 2008

Minsan pag nagdidikit ang ating mga katawan
Nababasa ako sa'yo....para ka kasing isang malawak na karagatan
Mabuti na lang nahuhugot mo sa takdang oras
huwag mo ako hayaang malunod at patuloy na pumaibaba sa'yo, dahil sa'yo kaya nasasabi ko ang lahat ng 'to

July 6, 2008

Eto nandito na naman ako nawawala sa sariling bait
Lagi na lang binabanggit ang pangalan mo, gusto ko kasi maipamukha sa'yo
na hindi naman tama na tumitig lang sa'yo
at hayaan isipin na ang lahat ng mga bagay......ay ikaw ang lahat ng mga yun


July 31, 2008

Kung anuman ang masabi at lumabas sa aking bibig
Dapat ngang sabihin ko na sa'yo kung bakit,,,,,uulit- ulitin kong sasabin ang katotohanan na....
sabihin mo sa akin na dito ka na lang lumagi.
Huwag ka naman labas masok lang na lagi mong ginagawa, minsan naman umindayog ka ng kagaya ng ginagawa ko
Oohh- ohh gusto kong malaman ang lahat sa'yo
Walang gamot dito at walang katiyakan kung kailan
Na ang lahat ay bigla na lang nagbago, lumabas lahat
Nagbigay tuloy sa akin ng pagdududa nakakapagod din

Parang wala na akong gana nagtatalo na ngayon ang ulo at puso ko
Wala na rin akong katuwiran, nawasak na
At ngayon naging maasim na ang lahat
Na dating matamis kada hapon

Sabihin mo naman ng mag-iistay ka, huwag naman na basta ka na lang papasok at lalabas......


September 2, 2009 (ngayon)

Sards; Ano kailangan ko pa bang ituloy? Wala na po tapos na, kasi Sept 2, 2009 na ngayon hehehe. Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo na tinagalog ko lang po ang lyrics ng "sway" na kinanta ni Bic Runga, na kinanta rin ng MYMP na theme song ng American Pie??? hehehe kung di ninyo alam yun kanta na yan, eto baka mapa indak ka pa hehehe.....at baka kantahin nyo na rin yan sa karaoke ninyo hehehe.


14 comments:

  1. Hahaha..natatawa ako sa video kaya lang medyo may kunting kalungkutan ang nadarama ko dahil batid ko ang inyong dinaramdam sa mga araw na yon...tama ba yon?

    ReplyDelete
  2. hahaha! galeng ng translation! panalo ka talaga Sardonyx , super talentado! favorite naming kanta yan during college days eh!

    ReplyDelete
  3. hahahahaha walang ka kupas-kupas...naalala ko tuloy noong may mga quiz pa sa bof hehehehe..

    i hope all is well :) mwah*

    ReplyDelete
  4. "Minsan pag nagdidikit ang ating mga katawan
    Nababasa ako sa'yo....para ka kasing isang malawak na karagatan
    Mabuti na lang nahuhugot mo sa takdang oras
    huwag mo ako hayaang malunod at patuloy na pumaibaba sa'yo, dahil sa'yo kaya nasasabi ko ang lahat ng 'to"

    Iba na iniisip ko dito eh, pagdating sa dulo...Nyahahaha lolzz Astig!!! Galing mo talaga Sardz :)

    ReplyDelete
  5. ang husay ng translation! naging madumi nga lang ang utak ko sa ibang linya, hahaha.
    ...aliw ito, as usual, lol.

    ReplyDelete
  6. waaaaaa... labas-masok!! come and go :(

    felt na felt ko na eh!!! lolz!
    tapos translation lang pla.. hmp!

    ReplyDelete
  7. Hahaha! Habang pinapakinggan ko ung video, tawa ako nang tawa sa translation. Bagay to dun sa post ni Azel about 'green'. Naging green ang utak ko while reading your entry! Nalukah talaga ako sa katatawa.

    ReplyDelete
  8. Ruel- hehehe di ko alam yun pinost kong video pala ay yun mtv pala mismo ng american pie (ewan anong series yun),salamat sa dalaw

    syel- panalo sa kalokohan ano? hehehe naku college days nyo lang yun??? tumatanda na talga ako grabe hehehe

    kblag- hahaha naalala mo pa rin ba itong pinost ko na ito? wala na kasi akong time sa ngayon na makapag-isip kaya mabuti at nakita ko ito, sana lagi kang dadalaw dito ha

    CM- wala akong ginagawa ha, basta ako nagtranslate lang hehehe

    docgelo- bakit kaya pag nagtatranslate ako ng tagalog mula sa ingles lagi na lang palpak laging sumasama yun green hehehe

    AZEL- mali ba yun translation ko na come and go at labas masok??? di ba tama naman?? hehehe

    nebz- bago ang lahat, yehey salamat sa stamps, natanggap ko rin, sa wakas!! teka ano naman translation yun arabo na nakasulat sa card?? pwede paki translate? hehehe....di ko pa napuntahan yun kay AZEL na blog pero pupuntahan ko pagkatapos ko magcomment dito medyo d ako nakakapasyal sa ibang blog sa sobrang busy eh....pero hinay-hinay lang sa pagtawa ha at take note nagtranslate lang ako ha wala akong ginawang green hehehe

    ReplyDelete
  9. Isinalin-wika lang pala ito? Huh! May mga salitang ginamit na palaging lumalabas sa mga kwentong erotika!

    Siguro boring na naman sa trabaho, ano?

    ReplyDelete
  10. Erase, erase! Ang dumi ng pumapasok sa isip ko!

    ReplyDelete
  11. ndi ko pa nababasa ang post mo. pero bumisita lng ako. nakita na kita! lol. hehehe.. ang ganda mo! wohoo!! yuj lng.

    babalik ako ha. pag may oras na tlga magbasa. :)

    ReplyDelete
  12. RJ- ganun ba? kwentong erotika? ano yun? grabe ka hehehe nagbabasa ka pala nun, oo boring sa trabaho hehehe

    blogusvox- hahaha oo erase erase ang mga malaswang isip hehehe.....remember translation ko lang yan hahaha

    Reena- bakit?? bakit di mo pa nabasa? hehehe sinong maganda??? teka baka nagkakamali ka? hehehehe.....

    lamb marc- salamat sa dalaw....oo ang kulit ko no hehehe, teka ako ba ang makulit o yun video? hehehe

    ReplyDelete
  13. Hi! Im new here! your blog is very interesting for me. Lets exchange link? I have added you already. thanks http://businessexplore.blogspot.com/

    ReplyDelete