Monday, September 28, 2009

HULA SCOOP: Ano Mang Bagyong Dumating Sa Inyo


HULA: Ano mang bagyong dumating sa inyo, alam kong malalagpasan ninyo ang lahat kahit pa si Ondoy ito.

SCOOP: Nakikiramay ako sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Lahat ng pagsubok kaya natin kung tayo ay mananalangin.


-----------------------------------------------------------------------------------

HAPUNAN

Bago ako magluto kanina ng aming hapunan ay tumawag muna ako sa mga kapatid ko na nasa Pilipinas, pero wala pa rin, di ko pa rin sila macontact, di ko alam kung wala pa ring connection ang smart o globe o nasira ang cellphone ng ate ko, huwag niyo ng itanong bakit di ko subukan yun landline nila, yun na yun hehehe. Sana kahit nasa Marikina sila nakatira, sana lang ay ok na sila pero gusto ko pa rin marinig ang boses nila para mas magaan ang pakiramdam.

Hay so ayun sa sobrang bad trip ko dahil hanggang ngayon di ko pa rin alam ang kalagayan ng mga kapatid ko....dahil sa hagupit ni Ondoy, marami ang nasalanta....... ay napagbuhusan ko ng pansin ang niluluto ko:


pusit- habang hinuhugasan ko ang pusit at binabalatan ang balat nito (syempre balat alangan naman binibituka ko yun balat o binabalatan ko ang bituka di ba? ang gulo ko talaga hehehe) iniisip ko pa rin ang kalagayan ng pamilya ko sa Pilipinas, hinalintulad ko ang pusit sa mga opisyal ng gobyerno, kaya medyo ganado akong balatan ang pusit, gusto ko kasing maging maputi ang balat nito. Bakit nga ganun ang epekto ng bagyo sa atin partikular na sa Marikina at Rizal (pinangalan pa naman kay idol ko) kung saan nakatira ang mga kapatid ko at ilang kamag-anak ko? Ang sarap balatan talaga ng mga pulitiko, nasa'n na ba ang winaldas nilang mga pera para magamit ngayon sa mga nasalanta?? O nasan na ba ang pera sana para sa pagkontrol sana ng baha?? Ayoko nang magpangalan pa (sabagay di ko naman sila kilala at higit sa lahat hindi nila ko kilala hehehe). Bakit lalong naghihirap ang Pilipinas??? Bakit???


arina- sa sobrang pag-alala ko di ko alam na yun arina palang ginagamit ko na binudbod sa pusit ay expired na, "Anak ng pating" (ooppps sorry kinakausap ko na naman ang sarili ko) pero ayun umandar na naman ang pagkalungkot ko, inisip ko na lang na kung sa Pilipinas nga lahat ng expired kinakain pa rin ng iba, ang motto nga sa atin o ng mga mahihirap, "walang expired expired" kung sumakit na ang tiyan nila ayun....expired na nga hehehe. Ayun ginamit ko pa rin yun arina, gusto ko kasing makiisa sa mga Pinoy sa atin hehehe. Isa pa wala pa naman akong nakikitang hanip ng arina na naglalakad sa loob eh hehehe, pwede pa yun!

asin- kahit malayo ako sa Pilipinas, gusto ko pa ring makatulong sa aking pamilya. Katulad ng asin, may alat. Dahil alam ko kahit wala ako sa tabi nila, kailangan pa rin nila ako.......wala kasi silang pambili ng asin hehehe...di naman basta gusto ko maging pampaalat nila, kung paano.....di ko alam eh.....basta nasa bibliya yun, di ba?? hehehe (nag-papakabanal pa hahaha).


mantika- naghanap ako ng gamit o used na mantika yun pinang prito ko lang ng itlog o ng lumpia para magamit ko uli . Kailangan magtipid dahil sa bawat pagwawaldas ng pagkain ay patuloy akong kinakausap ni pareng safeguard na sabon este ng aking konsensiya. Pero nang makita ko ang kumukulong mantika na, gusto kong ilublob dito ang mga kurakot na pulitiko sa atin, ang kawawang Pilipinas patuloy na naghihirap dahil sa pagpapayaman nila.

Ayun nang mahimasmasan ako sa matinding pag-aalala sa amin, ang naluto ko tuloy pritong pusit lang pala, fried calamares sana o kaya fried calamari eh....pero teka ano bang pagkakaiba ng tatlong yun???? parang pare-pareho lang na iba-iba hehehe....yun calamares may pagka Spain ang dating yun calamari may pagka Italian ang dating pero Pinoy ito kaya pritong pusit...bow!


Tinernohan ko ng "pangal" (pangalawang init) na pesa....at "pangat" (pangatlong init) na tinolang tahong, ang dami no?!! Siyempre kesa matapon, maraming nagugutom ngayon sa Pilipinas, kung pwede nga lang ipadala sa Pilipinas ang mga ulam na niluluto ko sana noon pa napadala ko na. hayyyyyyy......kawawang Pilipinas nalugmok na naman tayo sa trahedya at sa kahirapan......sana lang makabangon kaagad tayo....teka ang mga kapatid ko.......tatawagan ko uli...waaaaaaaaaaaaaaaaa :-'( :-'(


PAHABOL: Siyanga po pala ang PEBA ay nananawagan na kung maari po lamang na tulungan po natin ang mga kababayan natin sa Kasiglahan Village, Montalban Rizal na nasalanta ni Ondoy. Salamat po.

13 comments:

  1. sana kahit paano eh makarinig ka ng balita mula sa kapatid mo.

    malamang nabasa ang cellphones. kaya di mo nakokontak. email mo kaya o kaya message mo sa FB at FS.

    i am praying for their safety.

    ReplyDelete
  2. Talaga naman OO kumpleto ang rekado. Sana ay maihain din iyan sa ating mga namumuno. para matikman nila ang pusit mo.

    Naway pagpalaain ang bawat Pilipino at makiisa tayo sa pagbibigay sa ating mga kababayang naapektuhan.

    ReplyDelete
  3. Dalangin ko'y okay naman ang pamilya mo, Sards. Please keep us posted ha.

    Kahapon ko rin lang nacontact ang family ko sa Antipolo. They're okay naman. Sana ganuon din ang pamilya ng kapatid mo.

    Hayaan mo bukas, ngingiti rin ang araw and everything will be okay for all of us.

    ReplyDelete
  4. i hope that your family's okay, keep us posted.

    ReplyDelete
  5. praying for your fam safety...i hope that they are safe...please keep us updated...*hugs*

    Kblag

    ReplyDelete
  6. Sa lahat- salamat sa inyong panalangin sa wakas natawagan ko na rin ang ate ko, ok naman sila pero yun Kuya ko pala ang nabahaan sa Marikina, hanggang leeg ang baha sa 1st floor nila mabuti may 2nd flr pero sira lahat ng gamit nila. Salamat sa Diyos at ok sila. Sana ang lahat ng naapektuhan ay makayanan nila ang pagsubok na ito.

    ReplyDelete
  7. hello. kamusta na daw sila? nakausap mo na? naputulan din kasi ng phone lines many parts of manila. hopefully your family;s okay. pero if ndi mo pa sila ma-contact, email mo nlng sa akin contact nos nila. ako mangungulit kung okay na sila. :)

    my relatives in cainta and marikina were affected din. kahapon palng daw sila nagka-kuryente. and mahina parin ang tubig. maputik parin daw eh.

    anyway, i hope u'r okay there. nagbabayanihan naman mga tao dito. so it's really an eye opener to our govt officials too.

    ReplyDelete
  8. Amen, Sards. Salamat at okay ang family mo.

    D baleng masira ang gamit, pwede silang mapalitan (kahit hindi agad-agad). Importante ang buhay ng mga minamahal.

    Godbless.

    ReplyDelete
  9. Reena- ok na, nacontact ko na sila through YM pero until now di ko matawagan eh

    nebz- salamat sa pag-aalala tama ka ang mahalaga ay buhay sila, madaling mapalitan ang mga gamit.....

    ReplyDelete
  10. Reena- thank you pala sa concern ha I really appreciate it

    ReplyDelete
  11. Uy paborito ko yan calamares...paano nga ba balatan ang balat hehehe.

    Nga pala, si Jigger Poras nga siguro yung kaklase mo. Kinunan ko siya ng picture at ilagay ko sa blog ko sa mga susunod na entries.

    Buti naman at lumihis ang bagyong Pepeng sa Pilipinas. Medyo maulan pa rin sa Pilipinas pero nakahinga na kami ng maluwag ;)

    ReplyDelete
  12. Nakakabawas talaga ng pabigat sa kalooban kung malaman mong ligtas ang mga mahal mo sa buhay. Di bale yung kagamitan, napapalitan yun.

    Hindi naman kaya naging tutong ang calamaris sa sobrang inis mo sa mga politiko?

    ReplyDelete
  13. Dennis V- peborit ko rin calamares, paano nga ba balatan ang balat? malamang kung paano mo binibitika yun bituka hehehe, sige aabanagan ko yun post mo kay Jigger. Mabuti nga at di na rin natuloy si Pepeng siguro nabalitaan niya na masama panahon sa Pilipinas kaya nagabgo ng isip hehehe

    Blogus- oo laking kaginhawahan talaga pag nalaman mo na ok ang pamilya mo sa Pilipinas, hindi naman naging tutong yun calamares ko kasi peborit ko yun kaya habang kinakain ko ito eh iniisip ko rin ang mga pulitiko sa atin hahaha

    ReplyDelete