Thursday, July 16, 2009

HULA SCOOP: Tatamarin Ka Sa Araw Na Ito


HULA: Tatamarin ka sa araw na ito kaya idadaan mo na lang sa pagkain ang lahat. Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka hehehe.

SCOOP: Nakakatamad nga ang panahon pero ang sarap naman kumain, hayyyy lalo na pag yun pagkain na nakita mo ay yun matagal na di mo na nakain, yun bang namiss mo ng pagkahaba-haba ng panahon at eto nasa harapan mo, e di ano sunggaban mo na! hehehe

-------------------------------------------------------------------------------

Nang umuwi ako ng Pilipinas, mga prutas na wala dito ang inuna kong binanatan....oooppps execuse me ibig sabihin nilamon, ay di pala....tinikman (Maria Clara kuno hehehe).....tikim sabay....sagpang hahaha. Di ko na kasi mapigil eh. Kaya eto ang mga nakain ko: Santol, manggang hilaw at hinog, lansones, atis at saging na lakatan.

At napag-uusapan natin ang prutas, napag-isip-isip ko lang na halos ang mga prutas ay may alamat. Ang pinaka sikat ay yun alamat ng pinya. Ang alamat ng santol, alam niyo ba?
Ako hindi ko alam dati pero may nakapagkwento lang sa akin nitong nakaraang taon lang, sa email pa ha. Eto, share ko sa inyo, maikli lang 'to kaya dapat basahin niyo.

ALAMAT NG SANTOL

Isang araw may naglalakad na isang matandang lalaki at bigla na lang namangha ito sa nakita niya, isang pagkalaki-laking puno at ang laki ng bunga nito na bilugan pa, ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya ang ganitong klaseng prutas, nakatanim ito sa bakuran ng isang ale. Kaya tinanong niya ang may-ari ng puno nito. "Ale anong pangalan ng prutas na yan na bilugan at mukhang ang sarap kainin?" Sagot ng ale, "ah yan ba....SANTOL yan!" Ayun mula noon, santol na ang tawag sa santol....hehehe.

-the end-

PAUNAWA: Ang alamat ng santol ay gawa-gawa ko lang patnubay ng matinong isipan ang kailangan, patawad po....tao lang na walang magawa at "tinatamad." Paki tanong na lang kay pareng google at kumareng yahoo kung may alamat nga ng santol tinatamad talaga kasi ako hehehe.

14 comments:

  1. Bakit nga ba nakakatamad ngaung linggo, I have taken the liberty to take a 2 days off from work, kaya ngaun andito ako sa kwarto playing with my dogs.

    Sarap naman ng santol, isa sa paborito kong prutas sa Pinas, bakit nga ba sa Pinas lang meron nyan, wala rin pala sa Japan at sa Gitnang Silangan... salamat sa pagbahagi ng alamat ng santol, salamat sa patuloy na paghahatid mo ng kasiyahan sa aking umaga.

    God bless.

    ReplyDelete
  2. hahahahaha... naaliw ako pagbabasa ng alamat hoping na totoo... only to find out na kathang-isip lamang... pero maganda, napatawa mo ko!

    nakakamiss ang manggang hilaw! haaaayyyy!!!

    ReplyDelete
  3. oi, ang sarap naman ng Santol, Bangkok ba yan? bangkok yung tawag nung malalaki at matatamis na santol eh.

    Tinatamad nga ako. hay, kelengan ko talagang magtrabaho pero nakakatamad lalo na ang init dito samin. hehehe

    ReplyDelete
  4. hahaha! sobrang miss ko ang santol ng pinas!!!! few weeks ago nakatikim ako ng santol na laking singapore, ang masasabi ko lang...wala pa rin binatbat un sa lasa ng santol sa pinas. masyadong 'bland' ung mga nakain ko eh. pero pede na din lalo na kung two years na ko hindi nakakatikim ng santol. hehehe!

    ReplyDelete
  5. maraming salamat sa bisita ha?

    salamat sa complemento sa mga pics.-pics ko....

    santol, miss ko na, .....

    salamat again............

    ReplyDelete
  6. grabe, pagkakita ko sa santol, naglaway nako. hahaha...

    kakatawa yung alamat mo. kala ko pa naman meron tlgang alamat ng santol. lol. ang galing!

    maulan dito kaya nakakatamad tlga...

    ReplyDelete
  7. Saktong sakto ang hula mo. Kay sarap ngang kumain ngayon. Pero ganun pa man, pumasok pa rin kami sa opisina :(

    ReplyDelete
  8. Nakapakalalim pala ng pinagmulan ng santol!

    Bwahahahaha!

    Hindi na kita tatanungin pa kung alam mo ang alamat ng saging...baka tuluyan nang sumakit ang tyan ko sa katatawa.

    Last bakasyon, nagsawa ako sa avocado, santol at saging. Puro tanim ng tatay ko. Galit na galit nga sa akin kapatid ko dahil ke takaw ko raw e hindi naman ako marunong magtanim!

    ReplyDelete
  9. Okay yang alamat ng santol. Straight to the point! : D

    ReplyDelete
  10. Pope- kakatamad nga no? paborito ko rin yun santol, ang hirap itapon yun buto kasi ang tamis hehehe

    AZEL- hehehe mabuti naman at nadenggoy kita sa alamat na yan....hayy sinabi mo pa kakamiss na kagad ang manggang hilaw

    mr. thoughts- oo bangkok nga yun santol kaya ang hirap itapos yun buto kasi ang tamis-tamis, libre lang galing sa puno ng byenan ko

    syel- pagtyagaan mo na ang santol ng singapore hehehe mas mahirap yun hindi ka na naktikim ng ilang taon like me when we were still in California hay grabe wala akong makitang santol dun!

    Vk- salamat sa dalaw

    Reena- hehehe nadenggoy din ba kita ng alamat ko? di ko nga alam kung may alamat talaga ang santol eh hehehe

    Rico- oo nga balita ko umulan dyan, kaya kakatamad pumasok pero wala ka naman choice hehehe

    nebz- natawa naman ako sa "hagalpak" ng tawa mo hehehe ang lakas grabe ka....sayang ikukuwento ko pa naman sana sayo ang alamat ng saging, kaso ayaw mo na akng tanungin eh hehehe, ang galing naman puro libre yun prutas na kinain mo

    blogusvox- yan ang new version ng alamat ng santol hehehe ;-)

    ReplyDelete
  11. hello,
    balik ako kasi naala-ala ko yon ALAMAT NG SANTOL, meron din akong story nito, yon grade school pa si ako.

    mahilig kaming mamitas ng santol, lalo na sa school namin noon........kasi wlang bantay, so libre.

    tapos, kung kakain kami, hindi lang yon laman kakainin, pati na yon seeds, lunukin?---swallow?
    pero, know now, masama pala ito...sa bituka...heheheh

    sabi ng tinanong namin, bakit santol ang pangalan sa puno ng santol.....or santol.

    sabi nya...."pangalan nya punong Santol.....kasi yon ninono daw, through away his waste kahit saan.....yon grow as 'Tree---di naging santol"....

    hindi ko naintindihan......sabi ko daritso nga ang story.........si mama or kami daw, tatai daw sa kahit saan........probensiya kasi at noong time......mga bata daw, tatai kahit saan.

    ngekkkkkkk

    ......sabi nya, "tingnan mo, yon tinaponan mo ng waste mo, na kumain ka ng santol..........meron ng Tree ng Santol doon"........yon daw ang alamat ng santol......

    have a nice sunday to you..........

    ReplyDelete
  12. Vk- hahaha ang gulo pala ng alamat ng santol parang mas maganda pa di ba yun alamat ko di ba? hehehe yun nga lang magulo din hehehe

    ReplyDelete
  13. Talaga namang may Alamat ng Santol ka pa, Sardonyx. Hahaha! o",)

    Mas gusto ko kapag santol, maanghang na suka't asin ang sawsawan.

    ReplyDelete
  14. Rj- ok ba yun alamat ko? hehehehe magulo pero hindi magulo hehehe

    ReplyDelete