Tuesday, July 7, 2009

HULA SCOOP: Mararamdaman Mo Na Hot na Hot Ka Ngayon

Mga building sa Singapore (sorry di ko alam ang mga pangalan nila)


HULA: Mararamdaman mo na hot na hot ka ngayon. Try mong maligo ng tatlong beses isang araw nang mapawi ang init sa 'yong katawan.

SCOOP: Oopps huwag masama ang isipin, basta salitang "hot" mabilis tumakbo ang utak ng Pinoy, mas mabilis pa sa kuntador ng Meralco hehehe. Well, super hot ang naramdaman ko nang kami ay tumigil sa bansa na Singapore....as in ang "SOBRANG INIT!!!"

----------------------------------------------------------------------
SINGAPORE


Kapag pala galing ka sa malamig na lugar at bigla kang mapadpad sa mainit, hindi mo alam kung anong gagawin mo sa sarili mo. Hindi naman para maghubad ka kundi parang gusto mong maligo sa yelo o magbabad sa batya na puno ng malamig na tubig. Gusto mo mang pigilin ang tumatagaktak na pawis mo e di mo magawa at di mo rin naman maawat sa paglalag ng mga butil nito, mahirap saluhin lalo namang mahirap tikman hehehe. Hindi sa ang "arte" namin kundi dahil siguro nga galing kami sa malamig na lugar.

"Super hot" ang naramdaman namin nang kami ay tumigil ng dalawang araw sa Singapore bago kami nakarating pauwi sa Pilipinas, para kaming sinisilaban sa init. Akala ko ang Singapore ay medyo malamig kumpara sa Pilipinas.....mali pala ako, mas matindi pala init doon, isusumpa ko talaga (nang araw lang na yun naman hehehe). Dahil siguro sa ang iniwan naming temperatura sa Japan ay nasa 14C (summer na dito ng lagay na yan ha) at pagyapak namin sa Singapore ay niyakap kami sa init yata na 30C+ ! woooah! Hindi kaagad nakapag adjust ang katawan namin sa init.

Mahina talaga ako sa geograpiya, ang Singapore nga pala ay malapit sa equator , 85 milya ang layo bandang hilaga ng equator hmmm kaya mas mainit talaga doon kumpara sa Pilipinas. Hmmm natutulog yata ako nang ituro ng titser ko ang subject na yan hehehe at malay ko bang mapapadpad ako sa Singapore no.

Napamangha ako sa mga nagtataasang gusali dito, parang wala na yatang mga lupain para sa pananim? kaya pala halos condominium ang tirahan nila dito, puro pataas at wala nang pahalang hehehe. Ang kainaman dito ay maraming taxi at marunong mag ingles ang mga tsuper di tulad sa Japan sa dinami dami ng sinabi nila, "hai" lang kalimitan ang naiintindihan ko....kaya lagi kong sagot sa kanila "bahala kayo sa buhay niyo di ko kayo maintindihan" (hehehe).

Malinis at kaaya-aya ang paligid sa Singapore sabagay ang dami ba namang bawal dito kundi pa luminis ang paligid nila, talaga palang "fine city" ito. Bawal chewing gum, bawal dumura, bawal magkalat, bawal mamitas ng prutas o bulaklak, atbp lahat nang yan may "fine" ka....hay kaya pala "fine city ang halos nakikita ko sa mga souvenir t-shirts nila hehehe.

Bukas ko na lang ikukuwento ang iba pang nangyari sa amin dito sa Singapore, tinatamad na akong magkuwento at magtype.



Sa sobrang init at uhaw ng anak ko, pati ang tubig na nanggagaling sa merlion ay ininom na rin niya

------------------------------------------------------------------------------------

PASALAMAT: Nagpapasalamat ako at pinalad na doon nagta trabaho ang kuya ko kaya may tourist guide na may libre pang lodging (nang pabalik na kami dito sa Japan). Pag nga naman sinusuwerte ay di mamalasin hehehe. Kuya....salamat! .....sa uulitin hehehe

PASALAMAT ULI: Salamat sa "space A" (space available o parang chance passenger) travel ng US military at nalibre ang pamasahe namin mula Yokota to Singapore. DC-8 ang sinakyan naming eroplano, pakpak lang ang nakunan ko na souvenir, bawal kasi ang kodakan dito. Tanungin niyo na lang kay kumpareng "google" at kumareng "yahoo" kung ano hitsura ng DC-8 at kung ano ang "space A", close kami nun, sasabihin nila kung ano ang mga tanong ninyo.

15 comments:

  1. SARAP naman ng libre byahe.

    Musta dyan sa japan, baka dyan kami ni lolo kung matuloy, I want to see a gheisa live and lolo wanted to watch sumo fights.
    Its our dream, lol

    babaw!

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Next tym na malibre ka uli, sama mo kami ah...makikiinom kami ng pareng Merlion

    ReplyDelete
  3. Medyo mali ang hula sa akin ngayon, nag-frost kasi kanina rito sa Port Wakefield- first time ngayong winter 2009, 0'C nang gumising ako this morning. Ah siguro baliktarin ko dapat ang hula dahil Down Under kami (geography na naman 'yan Sardonyx). o",)

    Agree ako sa lahat ng sinabi mo tungkol sa Singapore, init din ang naramdaman ko nu'ng dumaan ako doon last April. Huh!

    ReplyDelete
  4. Mali pala ang hula ko sa nakaraan mong post. Akala ko McDonald Douglas ang sasakyan mo, yun pala Boeing!

    ReplyDelete
  5. haha, hay, nakabalik na rin after how many years si Sardz, napasarap ang mga bakasyon. Teka, kung sakaling manalo ka sa PEBA, pwede ba kunin na sponsor ang C-8 haha, makikisakay kami!

    Ang init dito sa Saudi Sardz, 48-52 degrees ang init pag tanghali.

    ReplyDelete
  6. tama ka po.. the good thing about their country is they care so much to the environment...

    malinis talaga lahat dyan... at nagkalat ang warning at corresponding fines anywhere...

    isa pang maganda dyan... nasusulat sa 3 languages ang road instructions. may english translation.

    mainit nga lang talaga... pero mas may iinit pa ba sa middle east? tama si kuya Kenji umaabot din kami sa ganyan kainit dito sa Dubai.

    ang sarap naman... libre pamasahe... :)

    ReplyDelete
  7. Habang sinusulat ko ang comment na ito ay nasa 42*C ang temperatura dito sa Doha.

    Twice akong nakapunta ng Singapore at tutuo ang sinabi mo mas mainit ang temperature sa kanila compared sa Pinas, ganun din sa Malaysia. but nothing beats Middle East.

    ReplyDelete
  8. Francesca- welkam sa blog ko, di pa rin ako nakakapanood ng sumo fight dito, mahal ang ticket e hehehe

    Lord CM- wag kang mag-alala isasama kita kahit sa buto ng eroplano hehehe

    RJ- lagi na lang palpak ang hula ko sa'yo hehehe nasa kabila ka kasi ng mundo e hahaha, down under nga, pasensiya na kung di tumutugma sa'yo hula ko malamang mahina ang signal ko dyan sa sa Australia hehehe

    Blogusvox- yun DC-8 ay gawa ng McDonnel Douglas naman e so tama ka at saka nagmerge na yun dalawa kaya boeing na ngayon so tama ka pa rin kahit paano hehehe. Mabuti nga at di namin nasakyan ang C-130 o medevac no, nasakyan ko na yun ang ingay! Ang asawa ko nga di pa nasakyan mga yun hehehe talo ko pa siya.

    Mr. thoughtskoto- hanggang bunto lang kayo pwede eh at least magta try ako hehehe....grabe pala an ginit dyan ngayon, mukhang nagliliyab nga!

    AZEL- oo libre pamasahe hanggang Singapore lang hehehe di pa nalibre hanggang Pilipinas; dami nga bawal sa Singapore pero ang linis. Mainit din pala ngayon sa Dubai, hay pasalamat pa pala ako at di pa kami inaabot ngayon ng 30C dito sa Japan.

    Pope- binabasa ko palang ang comment mo naglilyab na nga ang mga sinulat mo sa init hehehe, grabe pala dyan sa middle east parang di ko yata kayang mamuhay diyan? o sanayan lang siguro hehehe

    ReplyDelete
  9. naku ngayon lang ako nakadalaw! hmpt, dumaan ka pala dito di ka man lang nagparamdam! hahaha! malinis dito? oo pero di lahat nasusunod. ay ewan! basta! hahaha! pero tama ka, sobrang init dito. summer nga daw eh. pero parang isang buong taon ang summer dito! hahaha! ang nakakaloka, super init ng ilang araw pero abangan mo after ng ilang araw uulan naman. lalamig ng onti tapos iinit na naman. ganda ng 'forced perspective' mo sa merlion ha! ako isa lang kuha jan, gabi pa

    ReplyDelete
  10. Ha ha ha ... gleng ng kuha mo doon sa merlion! kami naman dito sa NY, summer na (kuno) pero hanggang ngayon medyo malamig pa. in more than a month fall/winter na pero di na siguro kami makakaramdam ng init unless iinit ang Aug.

    ReplyDelete
  11. hello!!! nakaka-relate ako sa title mo. haha. just kidding.

    mainit nga sa singapore! mas mainit pa sa pinas. super reklamo daw eh once palng naman ako nakarating dun. hehe...

    mukhang enjoy ka naman eh. ang galing nung merlion shot ha! mukhang uhaw na uhaw ah...

    ReplyDelete
  12. Cute nung photo. Napatawa ako.

    Matagal na akong hindi napapagawi sa Singapore. Sampung taon na siguro. Kagagaling ko rin lang sa Pinas kung saan very abnormal ang panahon. Mainit tapos uulan tapos humid tapos uulan. Nagkasakit nga ako on my first week e. Akala ko AN1H1. A-OA lang pala ako. Hehehe.

    ReplyDelete
  13. ang saya naman ng buhay u...:d

    ReplyDelete
  14. syel- sayang di tayo nagkita sa singapore parang may time dun no? hehehe bitin nga ang pasyalnamin dun eh pero ok lang at least nakapasyal din kahit paano

    nance- dito naman medyo mainit na rin nasa 27C so mga nasa 80F na rin, salamat sa dalaw

    reena- mabuti naman at nakakarelate ka sa hula ko ngayon hahaha; oo mainit nga sa Singapore walang hangin kaya mas mainit

    nebz- oo nga pareho tayo ng linggo na nagbakasyon sa Pilipinas, inunahan ko na nga kaagad ng bio-flu (naks promo ni John Lloyd! hehehe) para hindi masayang yunbakasyon namin, eto ngayon naman ako nagkasakit (ubos na kasi yun bio-flu hehehe)

    reo- yup masaya ang buhay lalo na pag may libre hehehe

    ReplyDelete
  15. tama naman..ika nga diba? "the best things in life are free.."

    ReplyDelete