Wednesday, July 29, 2009

HULA SCOOP: Magiging Palaisipan Sa'yo ang Pagkain Mo


HULA: Magiging palaisipan sa'yo ang pagkain mo malamang pagkatapos mong magbasa ng isang blog. Maging maingat sa kinakain, alamin kung ito ba ay nagpapagana sa pagkain o iba ang pinapagana nito sa katawan mo.

SCOOP: Paminsan-minsan dapat ay malaman mo kung anong klase nga bang pagkain ang kinakain mo. Lingid sa iyong kaalaman ay baka di mo alam na malaki pala ang epekto nito sa katawan at sa nararamdaman mo. Hmmmm nakakain na ba kayo ng "foods of love" o tinatawag nila din na aphrodisiac food?

"Aphrodisiac" [af-ruh-DEE-zee-ak]- is something that arouses you or intensifies sexual desires.

Ayan ingles yan ha ayoko ng tagalugin at baka saan pa mapadpad ang paksa natin. Syempre mula ito sa pangalan na aphrodite yun diyosa ng pag-ibig o goddess of love.

Narito talakayin natin ang mga aphrodisiac food:

SAGING- sa hugis palang talagang nakakagana na, habang binabalatan mo to e malayo na ang nararating ng isip mo

HONEY O PULOT- kaya nga may honeymoon kasi nagpupulot ang mag-asawa, nagpupulot ng katamisan sa sarap hehehe

TALABA- ang hitsura nito ay mahahalintulad sa…..ewan parang nakita ko na kasi ito di ko lang matandaan nasa dulo ng dila ko e tanungin nyo na lang ang mga kaibigan niyo malamang kabisado nila 'to, basta masarap din itong kainin lalo na yun masabaw sabaw pa para kang humihigop ng….ramen sabaw nga hehehe

CHOCOLATE- kaya pala ang mga lalaki ito lagi ang binibigay sa mga nililigawan nila???!!!! siguro para mapasagot kaagad sila, hmmmm mga girls, mag-ingat!

ALCOHOL/wine/champagne/beer- syempre pag lasing ka na walanghiya na ang dating mo, kahit sino, sinisino, kahit ano ay inaano hehehe

BALUT- ang pinaka popular na pampatigas….ng tuhod kahit ilang rounds kaya yan basta sa bakbakan walang urungan.....kayang-kayang kumain ng isang dosena basta may kasamang chicharon na may suka o beer pa

KAPE- akala ko ang kape ay nakaka cancer dahil sa kape-pindot yun pala mainam din pala ito na pampagising sa natutulog na isipan kung anong isip yun ay, isipin nyo na lang din hehehe

PINEAPPLE- kaya pala may movie si Rosanna Roces na “patikim ng P-inya” galing pala dito yun hehehe

SILI- ikaw ba naman ang kumain ng pagka anghang anghang na sili kundi ba naman mag-init ang buo mong katawan at kalamnan, tatayo ang dapat tumayo at mababasa ang iyong….mata sa pagluha sa sobrang anghang hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

UKOL SA LARAWAN: Mga talaba na nakuha namin sa tabing ilog, nalimutan ko na ang pangalan ng ilog, pasensiya na hayaan ninyo babalik pa naman kami dun para manguha uli, nakakagana kasing kumain lalo na pag sinawsaw sa suka na may sibuyas, hmmmm tsalap!




13 comments:

  1. nalaglag ako sa upuan ko! lolz!

    parang masarap maghapunan dito sa bahay mo ate ah... lalo na pag puro ganyan ang handa.

    may appetizer, may main course, may dessert...

    ayus to ah!

    ReplyDelete
  2. oyyyyyy...parang naging berde na rin ang ISIP ko..hehe

    Pampatigas ba talaga ng tuhod ang balut? Makasubok nga..hehe

    ReplyDelete
  3. Pati kape?! Kaya pala L ang pakiramdam ko...as in lively! Hindi ko alam na af-ruh-DEE-zee-ak pala ang kape. Brewed o instant? Hot or prafeed? Cup or mug? With or without sugar? With or without milk? Hehe. (Naalala ko lang ung joke ng comedianne na si Fe Delos Reyes).

    Af-ruh-DEE-zee-ak din ang saging? Saba o latundan? Lakatan o senyorita? Dole o Del Monte? (Tama na. Wala na akong maisip na kadugtong).

    Sarap talaga ng fresh talaba no? After eating it, I don't know why, my aunts always ask me to drink Coke, este RC pala (o kaya any cola). Bakit kaya?

    ReplyDelete
  4. Pepino kaya, aprhodisiac din? Sabi kasi nung ex-madreng naka-usap ko, maliban sa saging, talong din daw ay aprhodisiac din. >: D

    ReplyDelete
  5. Whew! Nakakagulat naman itong post na ito! Bakit hindi kasama ang onions o sibuyas?

    Hulaan niyo po kung ano ang pinakapaborito ko diyan sa mga binaggit niyo. o",) Sasabihin ko na nga lang. SILI.

    ReplyDelete
  6. AZEL- oo nga kumpleto na ano, pano kaya kung ang lahat ngpagkain na yan ay kinain mo sa isang araw? hehehe

    Ruel- paminsan-minsan kailangan may berde para makulay hehehe, oo yun balut pampatigas talaga yun ng tuhod no hehehe

    Nebz- alam ko yang joke na yan hehehe, di mo pa tinapos eh, teka tatapusin ko ha, so nagalit na yun tinanong, sa sobrang galit nasabi niya ang "hayop ka" tanong uli nun isa, "baka o mamoy? hehehe" nagalit uli yun tinanong, hahampasin na kita ng walis eh! tambo o tingting? hehehe

    baka naman kaya ka pinapainom ng auntie mo ng coke o any cola ay para dumighay ka hehehe

    blogusvox- ang alam ko sa talong nagpapatirik ng mata, bwahahahaha

    RJ- masyado ng hahaba yun post ko kung ialalgay ko lahat ng aphrodisiac food no at malamang di mo na rin babasahin ito.....bakit sinabi mo kaagad yun peborit mo eh alam ko namang sili hehehe

    ReplyDelete
  7. nawala ang init ng ulo ko kanina sa pagbabasa ng post mong PAMPA--GANA, lol.
    mahilig pa naman akong kuma---in, puro food kadalasang nasa blog ko... bakit po kayo nakangiti ngayon? :D

    ReplyDelete
  8. Matutulog na lang ako napangiti, napahomesisk at napatayo mo ang ... balahibo ko sa mgagandang paglalaThala mo.

    nICE one!

    ReplyDelete
  9. Akala ko dahil berdey ni Dolphy ang dahilan kaya maingay at puno ng tawanan sa blogspherem yun pala may bago kang post at late na naman ako, buti na lang at marami kang pagkaing inihanda na pampa-lakas ng katawan hahahaha.

    Paborito ko dyan ay ang talaba, mahilig ako sa sea foods talaga.

    Happy weekend, salamat sa patuloy na paghahatid mo ng saya sa aming mga puso.

    ReplyDelete
  10. doc- pampawala talaga ng init ng ulo ang mga pagkain na yan e hehehe....:-D kala ko ano ang itutuloy ninyo eh bitin din hahaha

    lifemoto- hahaha nakakatayo ba ng balahibo ang post ko??? hehehe magtatanong pa sana ko kung saan pero wag na lang hahaha

    Pope- oo nga pala berdey ni dolphy, idol ko pa naman siya! pareho pala tayo ng peborit, talaba! yummy! salamat at napangiti kita Pope :-)

    ReplyDelete
  11. di ko alam kung magugutom ako o mag-iinit ang katawan sa katatawa habang nagbabasa! hahaha! pero lahat yan gusto ko. lalo na ang talaba! hahaha! masarap with beer!

    ReplyDelete
  12. syel- I think both ang nararamdaman mo ngayon hahaha, pareho pala tayo ng peborit

    ReplyDelete
  13. This is so nakakatawa. Ngayon mas maingat pa ako sa mga kinakain ko, ha ha!

    ReplyDelete