Tuesday, July 14, 2009

HULA SCOOP: Magiging Busy Ka Ngayon

Mt. Arayat- Kuha habang ako ay nasa sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng SCTEX



HULA: Magiging busy ka ngayon sa ibang bagay. Matutong hatiin ang oras sa mga mahalagang bagay. Remember "time is rolex..... ay ginto pala."

SCOOP: Medyo naging abala nga ako sa mga nakaraang araw, pasensiya na po kung di ako nakakadalaw sa mga blog ng iba.

-----------------------------------------------------------------------------

Ano ba ang pinagkakaabalahan ko nang nagdaang mga araw at hanggang ngayon?

1. Ang hirap kasing magplow lalo na pag nagsisimula ka palang.

2. Naiinis kasi ako at hindi masinsin ang pagkakatanim ko ng mga alaga kong prutas at gulay.

3. Syempre pag nagplow ka, kelangan magtatanim ka rin kaagad para may maani at maibenta sa palengke.

4. Ang prutas na una kong tinanim sa aking bukid ay ubas, 4 na oras lang pwede ka ng mag-harvest.

5. Sinunod ko naman ang patatas, isang araw naman bago ka makapagharvest. At nakapagtanim din ako ng strawberry at maging ang palay di ko rin pinalagpas.

6. May nagregalo din sa akin ng puno ng mansanas, orange at lemon, naku tuwang-tuwa na ako, ang dami ko nang mga puno.

7. Pero gaano man ang paghaharvest ko, konti pa rin ang pera ko, mabuti na lang inalok ako ng mga prends ko, mag-harvest daw ako sa farm nila, may extrang pera yun. Sila rin ang dahilan kung bakit ako naging abala dito hehehe.

8. Kaya nang ako naman ang maghaharvest at hindi ko na talaga kaya, kakapagod din kasi no, ayun nag-alok din ako sa mga kapitbahay ko na kung pwede sila naman ang magharvest sa farm ko at babayaran ko na lang sila, go naman sila.

9. Ngayon medyo natuto na ako sa paghandle ng farm, pero di pa rin ganun kalakihan ang perang nakukuha ko pero sapat na para makabili ng ilang bakod, hayop at mga bulaklak.

10. Hay........kakaadik talaga ang "facebook" sa "farm town" na laro nagkaroon ako ng maliit na farm....hehehe. Kayo nasubukan n'yo na ba yun?

PAUMANHIN: Sa mga hindi nakakaunawa nang pinagsasabi at pinagsusulat ko ngayon dahil sa wala kayong facebook at wala kayong oras para dito, pagpasensiyahan niyo na lang po ako, tao lang.....at "mababaw lang ang kaligayahan ko" hehehe. At sa mga may facebook at naglalaro ng farmtown....enjoy! hehehe

PAHABOL: Sa mga bumoto po pala sa akin, maraming-maraming salamat po. At sa mga hindi pa po nakaboto parang awa n'yo na po at pakiboto lang po ako hehehe. Paki click na lang po ang logo ng 2009 PEBA nominee at makakarating na kayo sa botohan. Salamat pong muli. Ito po pala ang blog entry ko, click mo to.

LARAWAN: Ang kuha ko ay bukid sa Pilipinas....kaya kahit paano ay may kaugnayan sa hula ko ...hmmm meron nga ba??? hehehe basta meron.


8 comments:

  1. Hindi ko alam kung anong FarmTown! Hahaha! 'Yon pala 'yon. Abala kasi ako sa totoong bukid dito sa Australia. May Facebook acct ako pero inactive, sa Blogger lang ako aktibo. U

    Tama ang hula sa akin ngayon. Busy kami kasi harvest time na rito sa manukan. Daming manok! o",)

    ReplyDelete
  2. hahaha... sinasabi ko na nga ba, nahuhumaling ka sa farm town eh. ang dami ko din kakilala na ganyan. lol... busy ka pala. busy sa farming. ang dami na ngang farmers ngayon. ako kasi walang facebook kaya hidn ako masyado maka-relate. :)

    ReplyDelete
  3. Doc RJ- mawiwili ka sa farm town hehehe kaso baka sawa ka na sa totoong farm eh. Sa wakas, tumama rin ang hula sayo hehehe.

    Reena- oo nga busy sa farm hahaha, gusto ko ngang bumili ng building at houses kaso ang baba pa ng level ko hahaha. Mag open ka na ng facebook, mas enjoy compared sa friendster hehehe

    ReplyDelete
  4. Buti na lang walang hindi pa kami nakakapag laro ng Farm Town. feeling ko ma aadict din kami dyan.

    ReplyDelete
  5. sana possible lahat ng nangyayari sa Farm Town.. ilang oras lang na nagtanim pwede ng i-harvest... di siguro magugutom ang mga pinoy! lolz!

    di ko alam laruin yan... pero uso po ba ang fertilizer sa Farm Town?

    ReplyDelete
  6. Wow addict ka na rin pala sa Facebook application games, okay lang iyan it keeps you busy for a while, wag lang kalilimutan na mag blog paminsan minsan.

    I hope I still have enough time so I can play my favorite online games.

    God bless, I hope you have a bounty harvest.

    ReplyDelete
  7. di ko talaga magawang ma-addict sa ganyan, hahaha! mas gusto ko one on one sa ds eh. pero madami nga nauubos oras dahil dyan.

    btw, tama ang hula. busy nga ako ngayon! :D

    ReplyDelete
  8. Rico- oo kaka adik nga e di ko maiwanan hehehe baka kasi malanta ang mga crops ko sayang hahaha

    AZEL- wala ng fertilizer sa farm town kusa nalang tumutubo yun mga crops hehehe pero yun mga flowers kailangan diligan. Parang natututo ka rin ng buhay sa farm, pag walang ani walang pera, pag may pera pwede bumili ng bahay, ng bukid at mga accesories sa farm.....hay kaka adik

    Pope- pag pala na adik ka sa mga games kawawa ang bahay ko hehehe di na malinisan hahaha.....pero syempre di pwede palagi ganun kailangan idivide ang time talaga kaya sa gabi ako naglalaro at napupuyat

    syel- mabuti naman at busy ka ngayon, yun DS naman ang hindi ko malaro hehehe, yun anak ko lang talaga ang matyaga dyan. Pero yun farm town naconvinced ko 2 kong anak maglaro kaya pag gabi tahimik dito kasi lahat kami naglalaro hahaha

    ReplyDelete