Thursday, July 9, 2009

HULA SCOOP: Huwag Mahihiya Pag Pers Taym Ka Sa Isang Bagay

SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)




HULA: Huwag mahihiya pag pers taym ka sa isang bagay o karanasan man. Pahalagahan mo ang bawat karanasan sa buhay mo, maging ito man ay "una" o "huling" pagkakataon kahit gitna pa siya o pangalawa, pangatlo o pang-apat basta ang mahalaga naranasan mo ito hehehe.

SCOOP: Marami tayong maikukuwento sa buhay na una nating naranasan kaya isipin nyo na ang mga ito bago pa maging huli ang lahat hehehe.

---------------------------------------------------------------------

PERS TAYM:

1. Pers taym kong nagbiyahe papuntang Pilipinas na lakip ang pag-asa na libre ang pamasahe namin, "I wish I wish" lang pala ang lahat.

2. Pers taym kong umuwi ng Pilipinas na walang bitbit na pasalubong, kawawa naman ako o kawawa naman sila? Pareho! huhuhu

3. Pers taym na iniwan ang sasakyan sa train station at walang "pakundangan" na lumisan lulan ang tren papuntang Tokyo "di alintana" kung may madadatnan pa kaming sasakyan sa aming pagbalik, ang alam langnamin noon, kailangan na namin umuwi ng Pilipinas....now na. Kundi ba naman itong mga hapon na ito, nagpaskil ng "babala" e japanese naman ang pagkakasulat kaya di namin alam kung may multa o wala......"lakasan ng loob" lang ang katapat.

4. Pers taym kong sumakay ng bullet train papuntang Tokyo, akala ko pa naman malilibre ang pamasahe namin mula dito sa Misawa hanggang Pilipinas lulan ang libreng eroplano, hindi pala.....akala ko lang ang lahat huhuhu....nadale kami dun ng humigit kumulang na $578....waaaaaaaaaaaaaa ang mahal!



5. Pers taym kong sumakay sa regular train mula Tokyo na "rush hour" kulang na lang magkapalitana ang mukha ng asawa ko at mga ibang pasahero dahil sa sobrang sikip, "hindi mahulugang karayom" ang tren na yun, kasumpa-sumpa! Masuwerte pa rin at nakaupo ako at si bunso ko. Pero bantay sarado ko ang mister ko kasi baka nga mapalitan ang mukha niya, mahirap na no.


6. Pers taym kong narating ang Singapore at kung saan nakaranas nang "discrimination" ng isang Singaporean, yun nagtitinda pa ang galit sa bumibili basta ang alam ko ang sabi sa amin, "if you don't want it, don't buy it!!" ganun pala dun, ang customer is always wrong hehehe lalo na siguro pag Pinoy. Ikaw ba naman ang di magreklamo eh yun display niya iba sa binigay sa akin....hayyy. Lucky Plaza pa naman ang tawag dun pero hindi lucky sa kin hehehe.....malas, malas!!!

7. Pers taym kong sumakay ng eroplano mula Singapore to Manila via PAL (one way lang) na hindi pwedeng gamitin ang mabuhay miles kasi promo daw ang binayaran namin na mahigit sa humigit o kulang-kulang na kinulang hehehe..... na ~$500 kaming apat na tao na (ako, si mister, si panganay at si bunso).....mura na sa katulad naming bumili ng ticket ng Biyernes at kinabukasan ng Sabado ng gabi ang lipad papuntang Pilipinas...."hataw!"

8. Pers taym kong hindi nabigla sa sobrang traffic sa Metro Manila dahil sa ang gumulantang sa akin ay billboard ni Papa P hehehe (walang kokontra).



9. Pers taym kong madaanan ang bagong NLEX at ang SCTEX (Subic, Clark, Tarlac Expressway)....ang galing at ang luwag.

10. Pers taym kong maranasan na maputukan ang gulong ng sinasakyan namin sa kahabaan ng NLEX at may tumulong sa aming mga Patrol Crew at palitan ang gulong ng sasakyan namin; tinanggihan ang aming "lagay" na paraan ng aming taos pusong pasasalamat.....mabuhay sila at may mga tao pa palang matitino sa atin hehehe.

At marami pa, saka na lang yun iba.....hirap na akong magtype....sorry "tuldok system" pa rin ang alam ko eh hehehe.

14 comments:

  1. There's always a first time, indeed!

    Narinig/napanood ko sa TFC parang pinapatanggal na ang billboard kung saan model ang iyong ama- Papa ba ang tawag mo sa kanya? Nagiging sanhi raw kasi ito ng maraming sakuna sa lugar na 'yan.

    Mga tatlong beses kong binasa ang First Time # 3. Nalito ako sa pangungusap na, "...ba naman itong mga hapon na ito, nagpaskil ng "babala" e hapon naman ang pagkakasulat..." Akala ko 'afternoon', 'Japanese' pala. Hinulaan ko nalang, actually, tumama naman ako. U

    ReplyDelete
  2. ang sarap ng adventures mo. lalo na bullet train. sa sales lady namn di kaya akala nya wala kang datung :) sana pinaypay mo ang yung mga dollars mo hehehe.
    Para kang dayuhan sa ating bayan puro 1st time. buti na lang di ka naligaw. hehehe.

    ReplyDelete
  3. hindi ko pa rin nadaanan ang bagong expressway from clark to subic... pero sabi nga nila mas mabilis daw. (sana maexperience ko ring dumaan jan... :( pero kelan ako uuwe?)

    there's always a first time... ang gling ng adventure nyo... kumusta ang iniwang sasakyan sa train station? andun pa ba pagbalik?

    ReplyDelete
  4. RJ- pasensiya ka na kung nalito ka sa tagalog ko hehehe, hayaan mo ikokorek ko ito para di malito yun iba hehehe; matagal na nilang sinasabi na tatanggalin ang mga billboards sa Metro Manila pero ang dami pa rin.

    LifeMoto- siguro nga akala nun intsik na yun wala akong datung hehehe basta yata Pinoy dinidiscriminate nila, ang rude pa nila walang sinabi sa mga Hapon na magagalang. Di naman ako naligaw kasi may kasama ako hehehe pero takot na rin tumawid ng kalsada hehehe

    ReplyDelete
  5. AZEL- nadaanan namin yun SCTEX mula Nueva Ecija to Clark naman pero di na namin napuntahan ang Subic. Yun sasakyan, ayun pinakuha namin sa kaibigan namin, pinamail namin yun susi sa kaibigan namin na nasa Yokota at nang matanggap ng friend namin from Misawa ay kinuha na lang nila yun sasakyan hehehe, di rin nila alam kung may fine basta dinrive na lang nila sa bahay nila hehehe. Awa ng Diyos wala pa naman kaming natatanggap na babayaran na multa hehehe

    ReplyDelete
  6. Ditto RJ. There's always a first time for everything.

    Buti ka pa nga nakapag Bullet Train at nakasakay sa DC-something. Ako hindi pa.

    This is my personal observations about the traffic in the Philippines: it's not as worse as before. Mas nabawasan na sya ngayon. Tingin ko lang ha.

    ReplyDelete
  7. andami mo'ng pers taym sa loob halos ng dalawang buwan! galeng! pangarap ko makasakay ng shinkansen pero parang ang mahal ng pamasahe eh (mula dito pa-japan pa, hahaha!)

    re sa mga saleslady dito, both lang naman eh, discriminated ka dahil pinoy ka at rude talaga ang ibang SA dito. national issue na yan dito (rudeness ng mga sales people).

    ReplyDelete
  8. Nebz- masasakyan mo rin mga yun pag gusto mo hehehe pero huwag mo nang pangarapin pang sumakay sa DC-8 hehehe. Yes, medyo lumuwang ang traffic kaya bow ako kay BF (Bayani Fernando) sa pagpapatupad ng mga bago niyang traffic rules lalo na sa mga intersections.

    syel- sa loob lang ng 3 weeks yan mga pers taym na yan hehehe, mahal nga ang shinkansen napilitan lang talaga kaming sumakay, no choice na e hehehe. Oo nga mga rude talaga sila nanibago lang kasi ako dahil ang mga Japanese magagalang, panay ang bow hehehe.

    ReplyDelete
  9. You really had a great "first time" experiences pala ng magbakasyon ka hahahaha.

    I'd been there Lucky Plaza in Singapore sa orchard Road, hahahaha... pinagsungitan ka pa pala ng tsekwa.

    I hope you have a wonderful holiday in your hometown.

    A blessed weekend.

    ReplyDelete
  10. aba! ang dami mo nmana first time! hehehe.

    nanalo ba kayo sa isang contest at may "libre" kayong ticket? anyway, kakainis nga naman yung singapore vendor. haha.

    ganda nga sa sctex! ganda ng kuha mo ha. :)

    ReplyDelete
  11. Pope- yes great experiences hehehe, oo pinagsungitan kami ng mga kasama ko hehehe ok lang di naman siya nakabenta hehehe

    Reena- syempre dami first time sa bakasyon hehehe adventure kasi; hindi kami nanalo sa contest, chance passenger lang kami ng isang military plane kaya sinwerte naman may lipad papuntang Singapore pero minalas na walang papuntang Clark hehehe ok na rin

    ReplyDelete
  12. Lahat naman nakakaranas ng "first time". What I like about that phrase is it's synonymous to "adventure".

    ReplyDelete
  13. may mga pers taymn 'no? na at that time parang embarassing, pero kung isipin mo ngayon nakakatawa na sila!

    ReplyDelete
  14. blogusvox- oo nga yun first time ko ay tipong adventure ang lahat hehehe

    nance- lahat ng first time masaya and unforgettable hehehe, salamat sa dalaw

    ReplyDelete