
HULA: Maaalala mo ang mahal mo sa buhay… ang iyong ama at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, maging sa ayaw at sa gusto mo no choice ka, bahagi sya ng buhay mo. HAPPY FATHER's DAY!!!
SCOOP: Father’s day na bukas kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin (o sa ama ng mga anak natin kung walang anak e kahit pamangkin mo na lang hehehe) ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko pa sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:
MGA JOKES KAY TATAY
Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay!
Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw
Tatay: Juan, mag-aral ka ha!
Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.
Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!
Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??
Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?
Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”
Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!
Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!
Anak: Itay, ano yung 10 commandments?
Ama: Iyon ang 10 utos ng Diyos.
Anak: Mas mataas po pala kayo sa Diyos.
Ama: Bakit?
Anak: Mas marami kayong utos eh!
PAUNAWA: Kasalukuyan akong nagpapahinga at walang magawa dito sa isang lugar na malapit sa "Sembawang Shipyard" napadpad ako dito dala ng libreng eroplano hehehe. Ang init pala dito grabe at di ko matiis na magpost ng hulascoop kasi hula ko miss ninyo na ako e hehehe. Bukas hindi na libre ang lipad ko, salamat kay kumpareng "Master" pina swipe na naman niya ako hehehe.
PASALAMAT: Maraming salamat muli sa mga bumoto! At sa lahat na lumahok at lalahok pa sa patimpalak ng PEBA. Kung di pa kayo nakakaboto, click nyo na lang po ito. At kung di pa ninyo nababasa ang blog entry ko, paki click na rin ito.
LARAWAN: Dinekwat ko lang ang larawan na yan sa flicker ng kuya ko at hindi po ako ang naglalakad dyan, salamat Kuya at Happy Father's Day na rin hehehe. Paki click ito kung gusto ninyong makita ang ilan pa niyang magagandang larawan. Salamat.