Thursday, November 10, 2011

HULA SCOOP: Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid



HULA:  Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid,  may mga bagay kasi na akala mo pareho pero iba at may mga bagay na akala mo iba pero pareho pala.

SCOOP: Napag isip ba kayo ng hula ko? Ako, oo! Di ko naintindihan kasi yun hula ko e hehehe, masyadong malalim pero parang mababaw naman, ayan parang katulad ng sinabi ko na yan, walang pinag-iba yan sa pareho pero iba. Hay naku nakakaloka, kahit hindi hahaha.

--------------------------------------------------------------


Nakita ninyo ba ang larawan na nasa itaas?? Yun isa sa kanan galing Japan at yun isa galing pa ng Pilipinas. Binili ko muna yun sa Japan kasi nga natawa ako sa spelling nila at nang umuwi ako ng Pilipinas noong isang taon talagang bumili pa ako ng rexona para lang ipaghambing ang dalawa at para lang sa blog ko na to ha, hehehe (ang weird ko talaga!! hahaha). Sa palagay nyo iisa lang ba ang may gawa nito? Pareho sila pero nagkakaiba sa spelling, inisip ko na lang na hindi lang marunong magspelling ang mga Hapon o yun lang talaga ang pagbigkas nila ng Rexona. Mukhang pareho namang tama yun dalawa kasi may check pa ibig sabihin tama yun spelling hehehe. Pero dapat yun made in Japan na yan e "ekis" o "x" ang nilagay at hindi check kasi nga mali ang spelling, hindi ako makakapayag e hahaha. Yun sa Japan pala ay spray at ang Pilipinas naman ay roll-on, so anong gusto ninyo? Pili na! hehehe. Siyanga pala, walang Rexona dito sa US, sa aking pagkakaalam dahil ginalugad ko na ang mga groceries dito pero wala akong matagpuan hehehe.




Eto pa, nivea naman tayo, pareho ba sila o iba?? alin, alin, alin ang naiba? isipin kung alin ang naiba, isipin mabuti, isipin kung alin, isipin kung alin ang naiba lalalala kinanta ko na lang yan hehehe kung natatandaan nyo pa yun batibot yan ang isa sa kinakanta nila Kuya Bodjie hehehe (yun ay kung kasing edad ko kayo hehehe).

Yun nasa kanan, Japanese version ng Nivea, nakita nyo ba yun drawing na parang lotion o logo nito? yun nasa kaliwa na US version ay pahalang ang logo/drawing nila na may parang droplet at yun nasa kanan naman ay pataas ang drawing nito o pa-vertical, kuha mo? kuha mo?? (hahaha tagline na naman ng 100 days to heaven).



Salonpas!! Alin ang naiba?? Pareho sila pero iba, hahaha. Actually naitapon ko na yun salonpas na nabili ko sa Japan (sayang! kakainis) kaya yun nasa kaliwa ay US version at yun nasa kanan naman ay galing pa ng Pilipinas, roll-on na po. At kung hindi pa ako napunta ng Japan hindi ko malalaman na galing pala talaga sa Japan ang salonpas at mabibili ito sa 50 bansa kaya di nakakapagtaka na meron din dito nito at made in Japan talaga ang nakalagay at yun roll-on naman na nabili ko sa Pilipinas ay made in Indonesia naman.

PAHABOL: Wala lang.....hehehe








6 comments:

  1. ewan ko lang, sardz. pero sa pakiramdam ko, likas na berde ang utak mo. >: D

    ReplyDelete
  2. blogus- wala akong nakita na berde dito ah? hahaha

    ReplyDelete
  3. ganoon ba ako ka-slow para di makuha ang green joke kung mayroon man, sards? mayroon nga ba? *curious*

    iyong rexena galing japan nakakatakot. mukhang baygon ang packaging!

    kumanta ka pa ng song sa batibot, nahalata tuloy edad natin, hehehe! ayos lang, mas matanda ata sa atin si kuya bodjie! :) (parang may contest ng pabataan ah!)

    lastly, pwede ka ng maging secretary ng dept of trade and industry. o kaya quality control o marketing person, ang galing mo sa research ng produckto! :)

    ReplyDelete
  4. docgelo- hindi ka slow, wala talagang green ngayon hehehe, si blogus kinukulayan lang ng green hahaha, namimiss lang nya siguro mga green jokes ko hahaha

    ReplyDelete
  5. kakaaliw ang pagkakaiba-iba ng mga produkto depende sa bansa. at least ung mga tinuran mo e most likely same brand catered to different countries (and users). like ung salonpas sa Pinas e lalaki ang naka-picture; ung salonpas sa US (roll on? hmmm...mas effective nga kaya un? hindi b nkakakawala ang init na dapat sana e naaabsorb ng adhesive cloth ng local salonpas?) e babae naman ang naka-picture.

    Alam ko kung bakit 'green' ang naisip ni Ed? Puro kasi hugis ano ung mga products na ipinakita mo...u know...hihihi.

    ReplyDelete
  6. Nebz- baliktad yun sinabi mo, yun salonpas na galing Pinas ay roll-on ;-)

    ngayon ko lang nagets yun pagka green ni Ed hahaha, di ko nakita yun ah, hugis ano pala LOL grabe, inosente ako talga dyan no hahaha

    ReplyDelete