Wednesday, December 21, 2011
HULA SCOOP: Ilan sa mga hiling mo ay matutupad na rin
Thursday, December 1, 2011
HULA SCOOP: Magkakaroon Na Ng Linaw ang Lahat ng Malabo Sa'yo
HULA: Magkakaroon na ng linaw ang lahat ng malabo sa'yo.
SCOOP: May mga malabo ba sa isipan nyo na kailanman ay di nabigyan ng linaw? Kung ako ang tatanungin, oo, marami, sa sobrang kalabuan hindi ko na mabilang pa hehehe. Sa panahon ngayon, mas madali nang masagot ang mga katanungan natin, mapa kasaysayan, showbiz, mga balita ngayon, jokes, dictionary, encyclopedia, medisina, media, kultura, atbp.
hahahaha
PAHABOL: Ako pala ang naging Best in Filipino noong graduation namin sa kabila ng pamamahiya sa akin ng aming guro, naks naman kaya si Angelito may pag-asa pa hehehe.
Thursday, November 10, 2011
HULA SCOOP: Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid
HULA: Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid, may mga bagay kasi na akala mo pareho pero iba at may mga bagay na akala mo iba pero pareho pala.
SCOOP: Napag isip ba kayo ng hula ko? Ako, oo! Di ko naintindihan kasi yun hula ko e hehehe, masyadong malalim pero parang mababaw naman, ayan parang katulad ng sinabi ko na yan, walang pinag-iba yan sa pareho pero iba. Hay naku nakakaloka, kahit hindi hahaha.
Eto pa, nivea naman tayo, pareho ba sila o iba?? alin, alin, alin ang naiba? isipin kung alin ang naiba, isipin mabuti, isipin kung alin, isipin kung alin ang naiba lalalala kinanta ko na lang yan hehehe kung natatandaan nyo pa yun batibot yan ang isa sa kinakanta nila Kuya Bodjie hehehe (yun ay kung kasing edad ko kayo hehehe).
Saturday, October 29, 2011
HULA SCOOP: Magiging abala ka sa mga araw na darating
HULA: Magiging abala ka sa mga araw na darating, pero sa kabila nito mag-aalala ka pa rin sa kapalaran na alam mong darating sa'yo, ginagawa mo lang na abala ka sa sarili mo upang hindi mo maramdaman ang pag-aalala, tama ba?
SCOOP: Pasensiya na po at super busy po ako (hay as usual). Pero sa totoo lang iniisip ko pa rin ang mangyayari sa kin kapag ganitong tumatanda na ko. Parang swak na swak talaga sa kin ang lahat ng hula ko?? hehehe (nagtaka pa no).
Kahit ganitong abala ko, minsan bigla na lang sumagi sa isipan ko ang lahat ng "alaala" na "naaalala" ko pa rin hanggang ngayon. Ating ngang "alalahanin" ang mga ito:
1- Tatlong araw palang akong sinilang nang magkaroon daw ako ng sore eyes, kawawa naman pala ako noon. Hindi pa nga ako nakakakita e mutain na kaagad ako hehehe. Noong isang taon na ako, wala raw party syempre walang cake at lobo, can't afford daw kami e hehehe.
2- Mga dalawang taon ako dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko.
3- Mga tatlong taon, dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko, paminsan minsan, "am" daw ang iniinom ko pag may sakit ang tyan. Pero gatas pa rin ng Nanay ko ang iniinom ko, libre na masustansiya pa hehehe.
4- Mga apat na taon ako, ang Tatay ko na ang.....ang sumipil sa kin sa pagdede ko hahaha (wag naman sanang iba ang naisip nyo dito lol), biro lang di ko matandaan e.....pero alam ko gala ako noon, laging laman ng lansangan, naglalaro ng taguan pong at bahay-bahayan...yun ang sabi ng Tatay at Nanay ko
5- Limang taon ako noon mas layas ako at mas marami na akong alam na laro, may agawan base, agawan panyo, chinese garter, piko, patintero, yoyo, open the basket, pick-up-sticks, pass the message (naks ingles mga to ah hehehe), pitik bulag, larong goma, larong trumpo, shato, tumbang preso, sipa, harangang taga, luksong baka, langit, lupa at impiyerno, holen at meron pa yun kaha ng mga sigarilyo ang ginagawang pera at yun tansan ang kinakalog mo (yun pinakamahal na kaha ay yun camel, 100 pesos ang halaga, ang champion ay 50 pesos yata, 5 piso lang ang marlboro ang dami kasing naninigarilyo nito) at marami pang iba na hindi ko na maalala. Pag pasko naman pinipitpit ang tansan para gawing parang marakas. At yung iba pang mga laro ay may halong kanta na kagaya ng monkey,monkey anabelle, Nena (as in "noong si Nena ay bata pa kaya ang sabi niya ay um-um um a-a-a) at ang iba ngayon ay pinauso ng composer na si Lito Camo kagaya ng sasara ang bulaklak, boom tarat tarat, atbp
6- Mga anim na taon ako, mas marami akong alam na laro na at mas bihasa na ako, bihasa na ko sa text, ibang klase ang text nun, pinipitik mo lang ang tatlong text na yari sa karton at lumilipad na, aabangan mo lang bumagsak at malalaman mo kung panalo ka o talo. Ngayon, ibang klase na ang text, pinipindot mo lang ang cellphone mo, zoom! mabilis pa kay superman tanggap na nang tao na tinext mo, di na kailangan lumipad, panalo ka kung sinagot ka, talo ka kung walang load yun tinext mo hehehe.
7- Pitong taon- eto yun nabundol ako at tumilapon lang naman sa kalsada, awa ng Diyos eto nagsusulat pa rin ng blog na binabasa ninyo, matino pa rin naman hehehe kahit may sayad ng konti, sayad sa kalokohan.
8- Walong taon, marunong na akong tumula, na ayon sa Tatay ko mahaba na para sa edad ko na masaulo ko ang limang saknong na may tig-sampung linya. Hindi ko lubos na maisip na nagawa ko na tumula sa maraming tao at lalo na kung napakinggan ako ng maraming tao sa radyo dahil sumali ako sa "Tita Betty's Children Show" sa DZBB. At sa sobrang kaba ko e nalimutan ko lang naman ang tula ko hahaha, pero pinagpatuloy ko naman nang maalala ko na hehehe, ayun second place lang. Ang pamagat ng tula ko, "Ang Kabataan At Ang Pananampalataya" hay di ko na matandaan ang buong tula e, sayang.
9- Siyam na taon na ako, so ayun grade 3 na ako, mahilig daw akong magdrawing sabi ng guro ko, pero hindi siya nasiyahan dito kasi raw sa desk raw ako nagdo-drawing hehehe habang nagtuturo pa siya (dino-drawing ko lang naman siya e hahaha).
10- Sampung taon, grade 4 na ko, ginawa akong muse ng teacher ko kahit ayaw ko at sinali ako sa contest, paramihan ng dyaryo, kung sino pinakamaraming dyaryo siya ang panalo at Ms......nalimutan ko na ang name ng contest na to.....sabihin na lang natin na "Ms. Dyaryo" hehehe. Ayun isa akong talunan, "kulelat pa" hahaha ni isang pirasong dyaryo wala akong binigay (sayang e, kami na lang nagbenta may pera pa kami hehehe). So ang nanalo yun bumili ng lahat ng dyaryo sa junk shop hehehe.
11- Labing isang taon ako, napabilang ako sa program na "Tulong Dunong" ng Ateneo kung saan ang masuwerteng o napili na "matatalinong" mag-aaral ng isang paaralan ay mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng tutor na poging Atenista (yes!) hehehe. Tuwing Martes, inaabangan na namin ang bus ng Ateneo para makita ang mga crush naming Atenista hehehe. At nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-aral ng summer sa Ateneo (Loyola), grabe nose bleed ako sa english doon at pati ang Math, sakit sa utak hahaha. Ang layo ng nilalakad ko noon mula Aurora Blvd/Katipunan hanggang loob ng Ateneo High School, minsan sumasakay kami sa "love bus" hanggang sa loob ng Ateneo, doon kasi dati ang garahe ng Love Bus kaya konti na lang lalakarin namin papuntang high school building. Kung bakit mga tao dun lahat may kotse kakainis hehehe.
12- Labing dalawang taon, grade 6 na ko, umasa ako na magiging scholar ako ng "Tulong Dunong" isang programa ng Ateneo na tumutulong sa mahihirap na makapag aral sa pribadong paaralan na tulad ng Ateneo, Maryknoll o kilala na ngayon na Miriam College, St. Joseph, at yun isa pang exclusive school for girls na malapit sa Katipunan, St. Bridgette (hay naalala ko rin)...ayun si Fr. O'Brien di ako kinuha na magtest for scholar, masama ang loob ko talaga noon, hanggang ngayon dala ko pa rin. Nakataga sa bato ang pangalan ng pari na yan hahaha, May favoritism talaga siya, hayyy sayang talaga. Ang isa pa sa kinuha niya na estudyante ay yun may sariling bahay sa Antipolo, samantalang kami walang sariling bahay , pero yun isa sa napili niya di rin naman nakapasa sa test, siguro ako baka nakapasa pa ako hahaha (ang yabang), syempre ang basehan ko eh may honor ako noon yun napili niya wala. Kaya hinding-hndi ko malilimutan ang pari na yan hehehe (sorry). Bakit hindi ako nakuha??? Why as in Y?
13- 16 years- high school days ang unforgettable days daw ng isang estudyante...kaya ayun di ko rin nalimutan, pero kalimutan nyo na muna yan, masyado ng mahaba ito e hahaha, basta ang alam ko magaling akong magkalas ng M-1 Garrand, naks yabang! Mga events: JS Prom, Graduation Ball, Valentine's Booths at Corps of Sponsors, ako ang nagpasimuno ng mga yan hehehe
17- Seventeen na ko! Naks first time makahipan ng cake! Grabe first time ko palang magkaroon ng cake hehehe pero hindi pa sa bahay namin, sa isang kursilyo hahaha.....uy pero mabait ako noon ha, alam nyo naman, yayaan ng barkada kaya napasama ako. Binale ko lang ang paniniwala na kapag masama ka e dapat daw magkursilyo, hahaha. Binaliktad ko yun, kapag mabait ka dapat magkursilyo ka para lalong bumait hahaha.
18- Debut ko, walang kutilyon.....yun pinsan ko nagdala ng mirror ball, component at speakers ayun nagkaroon ng maliit na party sa amin lang magpipinsan.....Coup d'etat- anak ng pating si Gringo Honasan binomba ang Aguinaldo e sa likod lang namin yun, ayun na evacuate kami, first time kong makakita ng tora-tora nakakatakot parang giyera talaga( pero sayang wala pang cellphone may cam nakuna ko sana ng picture), may mga tangke ng sundalo na nakaharang sa kalsada. Dumadagundong ang daan dahil sa pagbomba. Unforgettable yan, kesa sa araw na nakilala ko ang asawa ko hahaha.
20- Twenty na ko! Ang Mt. Pinatubo pumutok naman, nagkaroon ng lahar at yun abo narating pati Metro Manila pati nga karatig bansa eh at yun din ang araw na yan na ang ex-bf ko lumipad papuntang US, maraming nagsasabi kalimitan daw na pumupunta sa US hindi na bumabalik, binale ko rin ang paniniwala na yan! Thrice a week siya kung sumulat sa kin, nagkakasalubong na nga sa ere ang mga sulat namin e hahaha
21- Yun ex ko bumalik (naks!) mahal pala talaga niya ako hehehe, ayun di nako pinakawalan, nagbunga....ang araw hahaha, ng bata pala hehehe
22- Yun ex bf ko, mananatiling ex bf na talaga, dahil pinakasalan na niya ako hehehe, asawa ko na pala siya. So matapos makuha ko ang MD ko as in Marriage Degree ay nakuha ko rin ang BS degree ko in ECE, naks sa wakas nakatapos din! Nauna nga langa ng MD ko sa BS Degree ko lol
23- Hay nakapagtrabaho din kahit mahirap makakuha ng trabaho lalo na pag may asawa ang isang babaeng katulad ko.....ang lupit sa discrimination kapag may asawa ka na! Pero enjoy ako sa mga Hapon, ang hirap makaintindi ng ingles!! Uy hindi po ako naging japayuki (wala akong K hehehe), mga amo ko sila sa isang manufacturing ng semiconductor, SHARP LEDs ang aming produkto, hanep! techy na ko niyan!
24- Twenty four na ko, pero ayoko na! Nagresign na ko sa work, at inaayos ko na ang papeles namin ng anak ko papuntang US.
25- Sa wakas nakarating din sa US! Masayang masaya na naging buo na rin ang aming pamilya na minsan pinaghiwalay ng tadhana (naks ang lalim!). Manghang-mangha ako sa California, ang freeway ang lapad, pero maraming Pinoy para akong nasa Pilipinas pa rin. Lahat ng kamag-anak at kaibigan ko sinulatan ko sa sobrang homesick ko, bakit kasi di pa uso ang internet noon??
26- Twenty six na ko, dito na ko tumigil sa pagbilang ng araw hehehe...pagbibilang ng sulat sa mailbox ang inatupag ko sa sobrang lungkot, sa 30 na sulat ko mga wala pang kalahati ang natatanggap ko huhuhu, ang lungkot pag nagbibilang ka lang ng langgam na umaakyat sa kisame sa loob ng bahay, wala naman kasi akong makitang butiki dito, di pala uso dito yun.
27-29- Sa wakas nakapagtrabaho din, at sa manufacturing ng power supply...nag-umpisa ako bilang technician, nagkukumpuni ng power supply na sa hinagap ko e hindi ko naisip na magagawa ko yun at kalaunan na promote naman bilang component engineer, kalimitan nagtetest ako at hindi ako nagdedesign kaya hindi ako ganun sa iniisip nyo na "bigatin," unti-unti lang akong bumigat nun....sa timbang nga lang hehehe.
30- Trenta na ko, yun bunso ko sinilang ko, ang layo ng agwat nilang magkapatid nag-alala kasi ako na walang mag-aalaga ng magiging anak namin kaya tumagal ng mahigit walong taon bago nasundan ang anak ko, para akong nanganganay pero nagtrabaho pa rin ako sa same company, loyalista kasi ako hehehe.
31- 32- Masyado akong loyal pa rin, Engineer pa rin ako sa power supply company
33- 37- Lumipat na kami ng Hawaii, tinalikdan ko ang matagal kong trabaho sa California at pinili ang pamilya ko na makasama kahit saan man kami mapadpad at awa ng Diyos nakapagtrabaho naman kaagad sa isang research and development ng medical device company.
38- 39 Konti na lang ang maalala ko, tumatanda na yata talaga ako, mula sa Hawaii nalipat kami sa Japan.... nag enjoy kami sa Japan pero kailangan uling umalis, so ayun nagresign na naman ako.....hayyy
40 - Oct. 29 birthday ko na pala, parang ang bilis ng panahon, 40 na pala ako, waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Tingnan natin kung talagang totoo na "Life Begins at 40"
Tuesday, September 6, 2011
HULA SCOOP: Tatamis ang pagsasamahan ninyo ng iyong minamahal
HULA: Tatamis ang pagsasamahan ninyo ng iyong minamahal, kaibigan man ito o iyong pagsintang mahal sana lang huwag mo lang matikman ang pait dahil kung mapait....malamang pagkain lang yang minamahal mo hehehe.
SCOOP: Bakit nga sa buhay kung may tamis laging may pait pagkatapos ng lahat? Di ko talaga magets, kayo kuha niyo? Mabuti pa ang chocolate laging matamis kahit galing ito sa mapait na kakao hehehe.
Nakakatawa minsan isipin pero iisipin ko pa rin na minsan nagpatamis sa buhay ko ang pagkain ng candy at tsokolate.
Naalala ko kasing bigla yun buhay ko noong bata pa ako. Simple lang ang lahat, pagkagising sa umaga, kakain ng almusal, maglalaro sa kalsada, tatawagin ako ng Nanay ko sa pamamagitan ng mahabang sipol at pag narinig ko na yun, oras na para umuwi kasi kakain na ng tanghalian. Tapos dapat matutulog na pero tumatakas ako para maglaro uli at minsan pag may barya bibili ng candy sa kapitbahay namin na may tindahan kahit na may tindahan naman kami hehehe.
Pero ang naalala ko yun nagpasira sa mga baby teeth ko ang aking mga paboritong chocolates at candies, teka ano nga uli ang tagalog ng candy?? Kaya nandito ang listahan ko, kulang pa nga ito kung may time kayo, dagdagan n'yo na lang para mas masaya.
nips- eto ang m&m pinoy version natin, hugis butones at makulay, matanong ko lang may kulay blue na ba na nips noong 70s? kasi ang m&m noong 1995 lang nagkaroon ng kulay na blue
swiss cups- di pa uso ang chocnut nun, eto ang paborito ko noon, hugis na bilog na flat siya pero mas maliit, lasang chocnut din, pinapalaman ko ito sa pandesal o pandelemon, kaya lasang peanut butter na rin hehehe, sino kaya ang manufacturer nito? nalugi na siguro hehehe
lipps- naalala ko lang itong candy na ito noong minsan nag-usap kami ng mga high school classmates ko sa facebook at nauwi sa mga paborito namin candy noon (kaya naiblog ko ngayon ang topic na ito); ito yun kulay pula na candy pag kinain mo e pupula ang dila at labi mo sa sobrang food coloring nito hehehe
kendi mint- kulay berde yun wrapper nito, kulay white naman yun candy at syempre mint ang lasa may palaman na chocolate sa loob
vi-va- kulay orange brown ang wrapper nito at lasang kape ang candy na to (salamat kay mamu na friend ko at pinaalala nya ito)
Peter's ball- bilog na candy kulay orange, kung saan ako nabilaukan at muntik ng di makahinga noong kumain ako niyan habang nakahiga hehehe, kaya hindi ko dapat malimutan ang pangalan ng candy na yan hehehe, tawag naman dito Peter ball lang, moral lesson: wag matutulog o humiga kapag may candy pa ang bibig lol
vicks candy- candy na lasang vicks hehehe, hugis tatsulok o triangle nabibili ng tingi o isa-isa
storck- kulay green ang wrapper na menthol candy, di pa uso noon ang maxx na candy, eto ang sikat noon kahit na ang chismis ay nakakabaog daw ito hehehe, chismis lang naman ng mga bata yan ha, gusto nyo bang malaman kung bakit?? hehehe
chiclets- chicletin mo baby! naalala ko yan commercial tag line na yan hehehe, chewing gum na sikat noon hanggang ngayon
juicy fruit- ang prutas na walang buto hehehe chewing gum na di ko alam kung paano naging prutas?
double mint- kamag-anak ng juicy fruit, kulay berde ang wrapper
texas- matigas na bubble gum, sakit sa ngipin pag kagat mo pero gusto ko pa rin, pag nangata mo na medyo may buo-buo pa ito, at pag wala na yun buo-buo nito that means wala ng lasa ito, tama ba ako?
bazooka joe- bubble gum na nakakabulon sa laki, pero malasa at matamis, nagkokolek ako noon ng comic strips nito kasi kada isa nito ay may nakasingit na comic strip, hindi ko naman mabuo ang comic strips na yun, kelangan mo pang bumili ng marami at makapagpalobo ng sangkatutak para matapos mo ang istorya
cloud 9- syempre ang pinoy version ng snickers, mala-nougat ang dating na may mani at caramel, dito raw pinaglihi ang pamangkin ng asawa ko kaya ang kulay ng balat nito ay parang cloud9, may patse-patse na dark brown, medyo brown at white pero hindi siya dalmatian ha, hehehe
big bang- chocolate na may pinipig, mas gusto ko ang chocolate na ito sa cloud9 kasi mas paborito ko ang pinipig kumpara sa mani, tinitigyawat kasi ako sa mani....ayyy sa mukha pala hahaha
serg's- milk chocolate bar, meron pa ba nito?
goya- hugis kabaong ang chocolate na ito, ang dami na palang klase ng goya chocolate ngayon kaya di ko alam ang pangalan ng chocolate nila na ito dati, basta ang alam ko pag may bumibili sa min, sinasabi lang na "pabili ng goya"
curly tops- curly kasi yun gilid nito at hinulma ito sa pangkaraniwang hugis ng muffin pero syempre maliit na version lang pero may kasamang papel pa ito noon kapag binibili kaya pwedeng tingi ang tinda, medyo may kamahalan na ang chocolate na ito noong bata ako kaya hindi ako pwedeng kumain ng marami nito hehehe
flat tops- flat kasi ang top kaya flat tops hehehe, hugis bilog at kulay orange ang wrapper at ang nakalagay na marka sa top nito ay "Ricoa" yun kasi ang manufacturer nito
choco mallows- marshmallow na binalutan ng chocolate, minsan nauubos ko ang tinda namin na to kaya nagagalit ang Nanay ko, lugi raw kami sa chocolate na yan hehehe, kaya tinigil na namin magtinda mula nang maadik ako dyan
choco crunchies- kamag-anak ni choco mallows ito kasi isa lang ang may gawa, ang Fibisco hanggang ngayon paborito ko pa rin ito, crunchy kasi talaga ang biskwit nito sa loob, nabebenta ng tingi ito noon ewan ko lang ngayon, mahal na rin ito noon kaya dumidekwat ako nito sa tindahan namin pag hindi nakatingin ang Tatay ko hehehe
belekoy- makunat na parang nougat sabi ng iba lasang Instik daw, tanong ko naman, "bakit nalalasahan ba ang Intsik?" hehehe at pag tinitinda namin wala na siyang balot kulay brown siya, meron pa kaya nitong nabibili na tingi sa tindahan?
ampaw- eto yun kanin na nilagyan ng brown sugar (hindi asukal na pula ha, brown siya as in brown hehehe), popped rice tawag sa ingles
matamis na sampalok na nakapalibot sa laruan na kutsara at tinidor (pero walang buto)- singko yata isa ang candy na ito, nabibili ng tingi, kailangan mo munang kainin ang sampalok bago mo makuha ang libreng laruan na kutsara o tinidor, at kapag marami na meron ka ng koleksyon na laruan na kutsara't tinidor (eto lang ang mga laruan ko noon e wala akong manika)
yema- nakabalot sa matingkad na kulay pula o yellow na papel na cellophane at hugis pyramid, matamis na lasang kondensada na gatas; yun wrapper nito nilalagay namin sa bibig namin, wala lang hehehe dumidikit kasi pag nabasa lol
macapuno balls- sarap nito napapalibutang asukal na lasang macapuno kahit wala akong makain na macapuno ayos lang
bukayo- minatamis na shredded na niyog
sampaloc candy- minatamis na sampalok, asukal at asin ang una mong matitikman bago ka magiging busy sa pagtanggal ng buto sa bibig mo hehehe at yun buto pwede ng gamitin sa larong sungka hehehe
sundot kulangot- ang walang kamatayang paborito kong candy hehehe, arnibal lang ito na nilgay sa maliit na kawayan at sinusundot mo ito ng stick para makain mo, mabantot ang pangalan pero masarap! miss ko na ito...nabibili lang namin ito sa labas ng school namin...meron pa kaya ito ngayon? gusto ko uling matikman ito at kokodakan ko hehehe
Ano ang tawag o pangalan ng mga ito?:
hugis bilog na kulay red brown na kapag naglalaro kami ay ginagawa namin ostiya, lasang Intsik din daw sabi ng iba, sabi ko naman, "mabuti pa sila nalasahan na ang Intsik, ako hindi pa" hehehe
apa o barquillos na hugis cylinder na may pulboron sa loob- bago mo kainin dapat mong higupin ang pulboron sa loob, ginagawa naming sigarilyo pag naglalaro kami hehehe, pero iwasan lang mabasa ng laway kasi kukunat ito hahaha
hugis bote ng gatas ng bata- susupsupin mo ito para makain para kang dumedede rin hehehe at ang laman ng loob ay powdered milk
chocolate na hugis itlog, ano na nga ang tawag sa chocolate na to??
Pasensiya na, walang sagot kasi hindi ko talaga alam ang tawag sa mga yan, kaya ako nagtatanong no.
PAHABOL: Sayang wala akong pictures ng lahat ng mga peborit ko na yan, parang gusto kong umuwi ng Pilipinas at hanapin ang mga ito at kokodakan ko silang lahat hehehe
ISA PANG TANONG: Bakit noon, hindi ko alam na nakaka hyper pala ang kumain ng candy at tsokolate? Kayo, alam nyo ba? Nang dumating lang ako sa US saka naging big deal ang pagkain ng candy at chocolates sa mga bata.
Thursday, August 4, 2011
HULA SCOOP: Matututo ka ng maraming kaalaman sa internet
HULA: Matututo ka ng maraming kaalaman sa internet. Pero mag-ingat ka, baka matulad ka sa iba dyan, lam mo na....alam ko na rin yun, alam mo na nga ba?? hahaha basta alam mo alam ko na rin!
SCOOP: Paano ba mag-ingat para matuto? Pulutin mo ang mabubuti para sayo at itapon mo ang di dapat pero huwag ka naman maging basurero. Magshare ka rin naman sa iba. Tama di ba??
Sa panahon ngayon parang ang hirap matuto na nag-iingat, masyadong maimpluwensiya ang internet ngayon. Pero minsan nakakatuwa rin isipin na mas napapadali ang lahat dahil sa paggamit ng internet dahil sa pagtanong mo kay pareng google o kahit pa kay kumareng yahoo, may sagot agad, na dati rati parang milya-milya ang layo para malaman mo ang isang bagay na hindi mo alam. Noon kapag hindi mo makita si kapitbahay na Merriam o kahit pa si Britannica hindi mo na alam ang sagot sa mga katanungan mo e paano na lang kung wala kang kapitbahay na Merriam o Britannica?? Di ba? Pupunta ka pa sa public library, para lang alamin pero sa sobrang tamad ng mga tao at sobrang abala hindi na nanaisin pang malaman o pumunta sa library..... teka ano nga ba ang tagalog ng library? Teka matanong nga si pareng google......hintay kayo ha.
Ayun, aklatan! Nalimutan ko na nga yan salita na yan sa Tagalog, pero ngayon mas mabilis na lalo na kung wala akong English-tagalog na dictionary(wala naman talaga), sa internet nandun na ang kasagutan. Ang dati-rati na "milya-milya" ang layo, o kahit "ga-dipa" o ga-kamay" (meron ba nun? hehehe) ang layo ng dictionary mo sayo, ngayon "ga-keyboard" o "ga-daliri" o "ga-pindot"na ang lapit hahaha.
Natatandaan ko nga noong ako pa ay nagtatrabaho sa California, may ka opisina ako na Pinoy din at naitanong niya sa akin ito, mga 10 taon na itong nakakalipas kaya siguro noon eh hindi pa niya masyadong ginagamit si google ng buhay ko hehehe:
Joe: Sards alam mo pa ba ang preamble ng Philippine Constitution natin?
Sards: Ahhh oo naman (sabay type sa google ng "preamble of the Philippines Constitution.....habang nagchecheck ako ng sagot sabay tanong ko na).....bakit di mo ba yun alam??? (ayun lumabas na ang sagot, ang bilis!)
Joe: hindi e, nalimutan ko na. Talaga alam mo pa rin yun preamble? Saulo mo pa rin? Sige nga sabihin mo sa kin. (Aba ang mokong hinahamon talaga ako, hehehe)
Sards: Oo naman, eto (sabay basa sa internet, dahan-dahan na parang sinasaulo at ninanamnam):
"We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution."
Joe: Ang galing mo naman.
Sards: Syempre sinaulo ko yan nun nasa College ako no at until now saulo ko pa rin. Ang higpit ng teacher ko nun.
Joe: Eh yun 1987 Philippine Constitution alam mo lahat??
Sards: Sobra ka naman, di ko na alam yun no, ang hirap kaya nun! (baka mahalata na ko nya no, hahaha)
Aral 1: Daig ng wais ang mabagal magtype, hahaha.
Aral 2: Ibahagi ang nalalaman, huwag maging taga pulot na lang, kasi basurero labas mo nyan.
Aral 3: Minsan kailangan mong mag sinungaling kaysa maging hambog para makuha mo ang paghanga ng iba.
Sana lang huwag niyang mabasa ito, dahil hanggang ngayon di pa niya alam ang sikreto ko, hahaha.
Saturday, July 23, 2011
HULA SCOOP: Mapalad ka sa darating na mga araw

HULA : Mapalad ka sa darating na mga araw pero hindi mo lang alam kung kailan at anong araw yun. Ang mahalaga susuwertehin ka at papalarin na darating ang araw na yun. Maghintay ka lang, may araw ka rin.
SCOOP: Ang suwerte minsan lang dumating sa buhay natin kaya dapat sinusunggaban kaagad yan. At kapag dumating na sa buhay mo huwag mong hayaan makawala dahil hindi naman lumilipad ang suwerte e kaso bakit minsan nawawala?? Yun ang dapat mong malaman. Bahala ka na kung paano hehehe
-------------------------------------------------------------
Mag-iisang buwan na pala nang manalo ako sa pakontest ni Blogusvox sa kanyang blog na "The Sandbox" at ang premyo ay ang larawan na nasa taas, ang aking caricature, ang ganda no? alam ko maganda yun drawing nya at hindi ako hehehe.....ok lang, ganun talaga. Salamat Blogus! Super fan po niya ko sa larangan ng kanyang mga nilikhang mga caricatures at cartoons kaya tuwang-tuwa ako nang manalo ako.
Ang tanong niya sa contest ay "Sino ang utak sa pagpatay kay heneral luna," nakasulat ito sa ating katutubong "alibata" kailangan munang ibreak ang code na yun para mabasa mo. E hindi naitatanong ng iba (actually ng lahat pala hehehe) na ka-birthday ko si kumpareng Antonio Luna, kaya medyo alam ko ng konti ang kanyang buhay, "blessing in disguise" naswertehan ko na manalo....."luck-luck" (swerte-swerte) lang talaga na manalo sa pacontest.
Siyanga pala, naging adik na rin ako sa twitter bukod sa facebook kaya ibabahagi ko lang ang ibang mga tweets ko dito sa blog ko dahil madalang na akong magpost dito, isang buwan palang akong nagtwi-twitt, adik ba? hehehe
Mga tweets ko:
Mga katanungan na walang sumagot:
- bkit nga ang hirap iwnan ang isang bgay na minsan mo nang naumpisahan na? khit alam mong pinaiikot-ikot ka na ng pagkakataon?
- Gaano kadalas ang minsan para minsan malaman natin kung gaano kadalas ito? Hayy ang labo ko talaga
- Bkit may mga taong wlang pic ang profile s facebook? Kya nga facebook dpat kita face,kung takot silang mglgay sna nagtwitter na lang sila
- Pag ba kumakalam ang sikmura nagugutom na? O naiirita lang ang bituka dahil puro hangin lang ang nakakain niya??
Wala Lang:
- Ang hirap gumising! kung pwede lang tungkuran ang mga pilikmata ko ng posporo kaso wala e ayoko nmang lighter ang gamitin ko
- Mahirap magsimula sa umpisa pero mas mahirap magsimula sa dulo, dahil mahuhuli ka, kuha nyo? Kailan kaya dadami followers ko? Hehe
- Ang hirap ng gutom ang ingay ng tyan ko di ko naman mapagalitan
- "Pagmulat ng mata langit nakatawa sa nanana-....." wala lang kumakanta ng theme song ng batibot hehe
- Motto ko: "walang matigas na kape sa mainit na kapeng pagsasawsawan"
- Ang buhay ay parang paglangoy kailangan mo munang mkainom ng tubig bgo mo mlman n nalulunod ka na, kya ayokong lumngoy alm ko n lsa ng 2big
Hula:
- May gumugulo sa isip mo, wag mong hyaan guluhin ka nito baka lalong magkagulo at lalong gugulo ang buhay mo.
- Hindi mo maiiwasang mainis, pero iwasan mo pa rin mahirap na baka lalo kang mainis.
- Maganda ang umaga mo, masisilayan sayo ang ngiti kahit na may panis na laway pa sa'yong labi.
- Magbabaksali k sa isang bgay n d mo pa ngawa pero susubukan mo p rin kc pasaway ka hehehe
- May isang tao n hindi mo malilimutan, 2 lang ang dhilan nito mlamang pntibok o sinksak ang puso mo ni2. Buti pa puso ng saging manhid
- May isang tanong sa'yo na magbibigay sa'yo ng kasagutan na isang katanungan din. "Bakit" kuha mo?
- Magdadalawang isip ka, iniisip mo kung pag-iisipan mo bang iniisip ka ng iba o iniisip mo na iniisip ka ng nag-iisip sa'yo
Friday, June 24, 2011
HULA SCOOP: Maganda ang umaga mo, masisilayan ang 'yong mga ngiti
HULA: Maganda ang umaga mo sa araw na ito, masisilayan ang yong mga ngiti kahit na may panis na laway sa'yong mga labi. Mag-ingat ka pagdating ng tanghali.....dahil baka labi mo'y mapangiwi.....hindi ko na alam ang sunod pang mangyayari. Bahala ka na dumiskarte life mo yan no...go, go, go dali!
-----------------------------------------------------
Sa totoo lang ang hirap talaga mag-isip ng ipopost ko dito, kung bakit kasi hulascoop pa ang paksa ng blog ko, para talagang naghanap ako ng pako na ipupukpok sa ulo ko....ay martilyo pala na may pako hehehe. Ang hirap!! Minsan wala talagang pumapasok sa utak ko as if meron naman akong utak? hehehe
Ayun, eto nagtatype lang ako pero wala pa akong topic, bahala na si daliri kung saan ako dalhin go lang ng go, sunod lang ako, wag lang sa parte na mamasa-masa e ibang lugar na yan....tubig na yan no! hahaha kala nyo ha! di yata ako makakapag type sa tubig no! So eto, balik uli ako sa keyboard, basta pindutan medyo mabagal ako e, sanay kasi ako sa himas ba....himas ng ballpen lang kasi alam ko habang nag-iisip. Ganyan ako nun di pa uso ang computer...hehehe.
So eto nagbabalik tanaw na lang ako, lam n'yo naman kahit matagal na ako dito sa Amerika ang puso't isipan ko ay nasa Pilipinas pa rin.
Eto mga ginawa ko kanina bago ako gumawa ng blog:
1. Pag gising ko, may ngiti sa aking mga labi, naks totoo pala ang hula ko! "Happy Yipee Yehey" talaga! hehehe...hmmm bakit kaya? syempre birthday ng aking Papa kahapon lam n'yo na, dapat may surprise gift....kaya ayun....bingyan ko siya ng......secret....syempre secret dapat yun niregalo ko sa kanya no hehehe. Eh masaya ang aking Papa kaya masaya rin ako kaya hanggang pag gising ko masaya pa rin ako, basta ganun hehehe. Wala kasi akong bad dreams no hehehe.
2. Mga 6:45am nag alarm ang celfon ko , so "pinindot" ko ang snooze, idlip uli ako....tumunog na naman yun alarm, pindot na naman ako, ayun pindot-idlip-pindot ang ginawa ko, kakapagod kaya ginising ko na rin sarili ko, nakakagising pala talaga ang pindot...hehehe. Bakit kasi nauso ang "snooze" sa alarm clock o kahit sa cellphone? E kaya ka nga nag-aalarm para magising ka tapos maglalagay sila ng button na snooze para umidlip uli? Ang labo talaga ng tao, di ko magets minsan.
3. Pinatay ko na ang alarm ko at handa ng tumayo mga 7:10 yun, dakma kaagad ako sa aking peborit....ang aking celfon. Wala na pala ang aking Papa, pumasok na sa trabaho, nagising nga pala ako sa kanyang halik para magpaalam na aalis na siya. Kaya ayun, check ko ang twitter ko, hanep 2 days ago lang ako nagsimula na magtwitt pero 2 years na akong may twitter. Medyo feel ko maaadik yata ako dito, dati kasi facebook ang una kong chinecheck ngayon twitter na. Masamang senyales na naman ito, tsk tsk tsk. So ayun, nagtwitt na ako then nagcheck ng facebook at nagkolekta ng mga pera sa aking cityville hehehe. Teka, follow nyo naman ako sa twitter ko, "hulascoop" ang username ko hehehe.
4. Bumaba ako at tumungo na sa aming kusina ng 8am, ang dalawa kong magaling na mga anak, tulog pa rin, napuyat kakapanood ng korean soaps (hmmm ewan ko ba naadik na sila dun, mabango kaya yun mga soaps ng Korean?? hehehe), hayy.... bakasyon na kasi sila, kitang-kita ko ang "ibidinsya" makalat ang kwarto!! grabe! Pero hindi ako nagpaapekto sa aking magandang umaga, ignore ko na lang sila, tatanda lang ako kagad kung magagalit ako no. Kaya nagtoast (ano nga ba ang toast sa tagalog? hay naku nalimutan ko na) ako ng pandesal at take note po, wheat siya binili ko sa Valerio's bakery...feeling healthy hehehe. Gumawa rin ako ng kape. Hmmm ano kayang palaman, peanut butter! Eto na naman ako nagbalik sa alaala ko ang ginagawa kong palaman noon na swiss cup na chocolate lasang chocnut yun, wala na yata ngayon ganun sa Pilipinas. Pero tanda ko talaga ang pangalan kasi may tinda kami nun sa tindahan namin, hugis bilog siya at hindi hugis cup at masarap, peborit ko yun. Dinudurog ko at binubudbod yun swiss cup sa pandesal, lasang peanut butter na hehehe.
Tsalap!! Kaya pandesal na peanut butter ang palaman at kape ko ngayon sa almusal, labit!lab it! Isasawsaw ko pa sana sa kape pero nahiya ako sa sarili ko hahaha, may palaman naman pandesal ko e kaya di ko na ginawa para ano pa, para pagkatapos isawsaw sa kape, hihigupin yun kape kasama yun mga "mumu" mula sa pandesal?? hehehe para masabing super linis ko?? gawain ko yan dati hindi na ngayon....paminsan-minsan na lang hehehe.
5. Naalala ko ang mga kapatid ko sa Pilipinas, kailangan na naman daw ng tulong e kaya, tumawag muna ko, bandang 8:15am yun. Ayun kwento-kwento about buhay-buhay nila then buhay-buhay uli ng ibang tao....kung ano ng nangyari kina nina Javier, Alexander, ang mag-inang Via at Magda, Abel, Rein, Ana Manalastas, atbp. hay nakakaadik kasing manood ng mga teleserye sa TFC no hehehe di pa ako makuntento e tinanong ko pa sa Ate ko hehehe. Kaya kung di nyo sila kilala, wag pansinin mga bida lang yan sa mga teleserye ng channel 2 hehehe. So kwentuhan uli at yun sa "hinaba-haba ng prusisyon, sa pagpadala ng pera din ang tuloy" ayun magpapadala ako ng pera bukas hehehe. Kung bakit pa kasi ako tumawag e hehehe.
6. Pag tingin ko sa orasan namin, 8:30am na pala so akyat uli ako sa taas at chineck ko pa muna ang facebook ko at saka nagpalit na ng damit, pumasok na naman sa alaala ko ang kanta ni Yoyoy Villame ang sikat na "Mag exercise tayo tuwing umaga" handa na kasi akong mag "jazzercise" todo na to! exercise to the max na hehehe. Ayun sinundo ako ng Thai friend ko para mapasabak uli sa exercise na umaatikabo.
7. Mga 10:30 na ako nakabalik mula sa jazzercise namin, iniisip ko kung kakain uli ako, gutom na kasi ako e hehehe, pero napigilan ko pa rin. Akyat na ko at check uli ng twitter, ayun isip ako ng hulascoop ko na ipopost ko sa twitter. After maipost, parang gusto ko rin mag update ng blog ko kaso wala talagang maisip na iba blog e. Hanggang eto gumawa na lang ng post kung anong pinag gagawa ko ngayon as in now na!
8. Tinatawag ako ng anak ko, gising na rin...at gutom na! Wala pa pala kaming ulam 12:30 na hahaha, pasensiya sila at nagkaroon sila na adik na Nanay, adik sa facebook, blog at twitter hehehe. Ano kayang uulamin namin??? Hmmm isip-isip...lucky me pancit canton na lang hahaha. O sige na magluluto na ko ng lucky me tapos lalagyan ko na lang ng itlog ng pugo. Peborit ko yan nunmaliit ako, laging may naglalako sa min ng itlog ng pugo, lagi ko rin almusal.
"Lucky me!" ay wish me luck pala...sa aming tanghalian, hehehe.
So anong masasabi nyo sa tanghalian namin, Pinoy na Pinoy ba? hehehe
Saturday, June 18, 2011
HULA SCOOP: Mapagbigay at Maalalahanin Ka Sa'yong Minamahal sa Buhay
HULA: Mapagbigay at maalalahanin ka sa 'yong minamahal sa buhay, huwag mong babawiin ang anumang binigay mo na, alalahanin mo na lang na binigay mo na nga sa kanila yun kaya walang bawian....kuha mo? hehehe
SCOOP: Dapat lang na maging mapagbigay at maalalahanin ka lalo na sa iyong ama ngayong nalalapit na ang Father's Day at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, bahagi sya ng buhay mo. Teka, may regalo ka ba sa kanya?? hehehe kung wala e.....bumili na no!
----------------------------------------------------------
Malapit na ang Father’s day kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:
Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay!Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw
Tatay: Juan, mag-aral ka ha!
Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.
Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!
Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??
Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”
Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?
Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!
Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!
HAPPY FATHER's DAY sa aking Tatay at sa mga Tatay na nagbabasa ng hulascoop ko at sa mga Tatay ng mga Tatay na nagbabasa nito!!! At syempre sa Tatay ng mga anak ko hehehe