Tuesday, March 30, 2010

HULA SCOOP: Mapaparaning ka

Ang bata at ang isip bata

HULA: Mapapraning ka sa araw na ito, di mo alam kung may namimiss ka o nahihirapan ka sa pagbaluktot ng utak mo sa mga katanungan mo sa buhay. Kung anuman yun, pilitin mong idiretso, plantsahin mo kaya?

SCOOP: Malamang mahihirapan ka lang pigain ang utak mo sa mga kahulugan ko kaya mapapraning ka talaga hehehe, sige basahin nyo na!


MGA SALAWIKAIN AT ANG "DINIDIBDIBANG" KAHULUGAN KO:

1. Ang tunay na bakal ay

Sa apoy masusubukan.


kahulugan ko: huwag susunugin ang bakal


2. Marunong man at pantas,

Ay daig ng mamimintas.


kahulugan ko: huwag ng mag-aral kung dadaigin ka pa ng mga chismoso't chismosa lang hehehe

3. Kapag mura ang dayap
Pigain ma'y walang katas.

kahulugan ko: Huwag bumili ng murang dayap, magkalamansi ka na lang mas masarap pa


4. Ano man ang kanin,
kung sa apoy luto,

Kung di palamigin
ay nakakapaso.


kahulugan: Mag microwave na lang sa pagluto para di mapaso

5. Anak na pinaluluha
Kayamanan sa pagtanda

kahulugan ko: paluin ng paluin ang anak para umiyak dahil sa pag tanda datung ang iyong mapapala


6. Marunong bumati ng sa ibang uling,
Datapwa't sa mukha'y naglawit ang agiw.


kahulugan ko: Ano yan?? gagamba?? spiderman?? gagambino??


7. Pag ang tamis ang nauna

Ang kasunod ay ang pakla


kahulugan: e di baliktarin natin, kumain muna ng mapakla para matamis ang huling sarap


8. May mahinhing talipandas,

May dalahirang banayad.


kahulugan ko: mahinhinduting birhen at pukpukin ni taning? hehehe


9. Kahoy na babad sa tubig

Sa apoy, huwag ilapit,

Pag nadagandang ng init

Sapilitang magdidikit


Kahulugan ko: Huwag magluluto sa kahoy, gumamit na lang ng stove.


10. Ibong mahawaka'y pigilang mahigpit

Pag nakawala pa'y baka di magbalik


kahulugan ko: Huwag payagan si mister o ang bf na mag bar o club baka lam nyo na di na bumalik.....


11. Ang tunay na pag-ibig

Hanggang dulo'y matamis.


kahulugan ko: dulo ng ano??? ay ang bastos! kayo na lang mag explain niyan hehehe

PAHABOL:


Ukol sa larawan: nikonian ko pagktapos gumawa ng snowman.......grabe nag iisnow pa dito!!!

Saturday, March 20, 2010

HULA SCOOP: Huwag Kang Masyadong Tahimik

Maraming casino dito sa Japan, isa na dito ay ang Jam Friend

HULA: Huwag kang masyadong tahimik, minsan magsalita ka naman ng kusa o magsimula ka ng kwento hindi yun pinapanis mo laway mo.

SCOOP: Naisip nyo ba kung kailan nangyari sa inyo na hindi kayo nagsalita man lang sa kausap ninyo?? Huwag naman ganun, dapat matuto tayo na makisalamuha sa ibang tao.

-----------------------------------------------------------


Kapag nag lo-long driving kami o road trip, di pwedeng mapanis ang laway ko at ng asawa ko , baka makatulog ang asawa ko na panis pa ang laway habang nagmamaneho aba mahirap na, mabunggo pa kami sayang naman yun sasakyan namin hehehe.

So para magkaroon ng pag-uusapan kahit anong makita namin ay binibigyan namin ng sarili naming interpretasyon at gagawan namin ng kwento, yun ang sikreto namin, eto mga halimbawa :

1. Yun sasakyan humaharurot, nag overtake sa amin- "yun drayber "nadudumi" kaya nagmamadali, hayaan na nating mauna"

2. Nakakita kami ng napakalaking bukid pero walang tanim puro talahib ang nandun- "malamang yun may-ari ng bukid na yan natalo sa sugal kaya walang pampuhunan para makapagtanim"

3. Yun sinusundan namin sasakyan ang bagal:
Papa ko: "malamang babae na Asian ang nagmamaneho niyan"
Ako: "Uy di naman lahat no, mabilis naman akong magdrive, malamang matanda na ang driver"

- Lalapitan namin ng maige at kapag nalaman namin matanda ito naman ang sasabihin namin:

"Tatang pakibilis-bilisan nyo naman po, marami nang nakabuntot sa inyo!"

4. Mag-syota magkaholding hands-
Papa ko: "Lolokohin ka rin niyan!"

5. Yun driver ng isang sasakyan palipat-lipat ng lane at panay ang overtake-
Ako: Grabe naman yun drayber na yun, pati ba naman kalsada tinatahi niya!
Papa ko: Bakit?
Ako: Ikaw kaya ang panay ang zigzag sa pagmamaneho e para ka ng nagtahi yun nga lang kalsada tinatahi mo.
Papa: Baka naman inaantok kaya panay ang change lane para magising siya.
Ako: Siguro o baka naman lashing?
Papa: O baka naman may humahabol sa kanya??
Ako: Siguro nga o baka naman nagtatae?

6. Pag medyo pagod na dumaldal, sinasabayan na lang ang kanta sa ipod (hanep hindi na CD hehehe)....share ko na lang sa inyo yun isang road trip namin last January.



video


7. Kapag wala na talagang maikwento at inaantok na ko:

Ako: Ok lang ka lang ba "hon"?? Huwag kang matutulog ha, nagda drive ka, sabihin mo lang kung inaantok ka at .....magstop tayo (kala niya magvo volunteer akong magdrive nye hehehe) o kaya itutulog ko na lang ito para sa'yo hehehe.

8. Minsan kinakausap ang driver na sinusundang sasakyan.
Kagaya nitong video.



video

Sunday, March 14, 2010

HULA SCOOP: Huwag pigilin ang nararamdaman

nagsnow na naman nitong Miyerkules, March 11 kaya busy akong nagpala ng snow namin, anak ko yan, mana lang sa akin papansin hehehe


HULA: Huwag pigilin ang nararamdaman, minsan kailangan aminin mo sa sarili mo na kung ano ka talaga. Wala namang masama kung aaminin mo sa sarili ang kakaibang nararamdaman mo. Teka ano ba yun nararamdaman mo? Baka kailangan mo lang pumunta ng banyo no? go na!

SCOOP: Aminin mo na no.....na .....adik ka na sa pagba blog at pagbisita pa ng ibang blog. Kundi ka naman adik sa pagba blog, malamang sa facebook. Wala nang paligoy-ligoy pa, tara basahin mo na ang post ko, kasi waalng kinalaman ang hula ko sa sasabihin ko ngayon hehehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sige aaminin ko na adik na talaga ako sa pagba blog at pagbisita ng ibang blog at syempre pa ang facebook at mga applications nito. Di ko nga alam kung paano ko nahahati ang oras ko sa bahay. Dahil lahat ng gawaing bahay nagagawa ko pa pero di ko nararamdaman ang pagod ko pag nasa harapan na ako ng laptop ko. Malaking tulong talaga sa akin ang internet, naaaliw ako sa kalungkutan ko at syempre parang feeling bata ako dahil panay pa ang facebook hehehe.

Sa sobrang adik ko sa blog at facebook wala na akong time manood ng mga TFC shows. Pero kahapon nagtry akong manood sa live stream, at first time kong nanood ng showtime, nabigla ako at ang slang words na "madlang people" ay gamit na gamit sa show na yan. So hindi pala naluluma ang ibang mga slang words ng Pinoy. Natatandaan ko kapanahunan namin nang mauso ang katawagang "madlang people." So at least pwede ko pa palang gamitin dito sa blog ko ang mga lumang slang words hehehe.

Kaya eto mag-aral uli tayo ng mga slang words ng Pinoy:

napapanahon sa eleksiyon:

1. Dekwat- kupit, nakaw
2. Kulimbat- kurakot/kupit/ nakaw sa gobyerno
3. Erap- isa pang tawag sa pare

labo-labo: (hula ko lang pinauso ito ng mga tambay sa kanto hehehe)

4. Petiks- nagliliwaliw, nakikipagdaldalan o nagrerelax habang oras ng trabaho
5. Utol- mula sa salitang "kaputol" meaning kapatid
6. Yosi- sigarilyo (yun "yo" sa dulo at "si" sa unahan na salita ay pinagdugtong, tama ba? hula ko lang hehehe)
7. Arbor- paghingi o paghiram ng isang nagustuhang gamit sa kaibigan o kamag-anak (saan kaya nakuha ang salitang ito??)
8. Sisiw- madali, kayang-kaya (bakit sisiw? bakit di na lang manok?? hehehe)
9. Astig- siga, mula sa salitang "tigas"
10. Bangag- high sa drugs

Mga pinauso ng mga bading:

1. kikay- girly girl
2. maida/aleli- katulong
3. charing- biro lang
4. praning o aning-aning- may "tama" o may mental disorder
5. chaka- pangit
6. chipipay- hindi mahal, mura, hindi maganda ang quality
7. lafang- pagkain ng pagkain hehehe (bahala kayo, alam yo na yan no, aminin
8. echozera- taong chismosa
9. anda- pera (bakit anda?? daan ba yun?)
10. naman batman palaman superman- oo naman (ngek ang haba!)

Madami pa yan kaso ayokong magalit mga bading sa kin e hayaan ko na lang sa kanila ang portion na yan, i-google nyo na lang ang mga kaek-ekan at mga kachenelyn o chervalou nilang gay lingo.

Sunday, March 7, 2010

HULA SCOOP: Wala Ka Sa Mood Makipag-usap

Ang galing ng drawing ko!!


HULA: Wala ka sa mood makipag-usap parang may "s" ka ngayon kaya ilag ang mga tao sa paligid mo. Huwag ka namang ganyan, kung may problema ka, sarilinin mo lang, huwag kang mandadamay.

SCOOP: Bakit nga minsan wala tayo sa mood makipag-usap, minsan tahimik lang tayo pero ang init naman ng ulo??? Kayo ba ganyan ngayon? Ako, wala naman akong "s" pero sa hulascoop ko "speechless" muna ko. Kaya may "s" ako ngayon, may s!!! hehehe. Huwag kayong mag-alala di ko kayo dinadamay.....malungkot lang ako.

------------------------------------------------------------------------

Malungkot ako kasi dami kong namimiss ngayon (syempre ano fa??), kaya dinaan ko na lang sa drawing. Pasensiya na minsan mas mabuti pa ang magdrawing ng "freehand" kesa sa idrawing ko pa sa autocad o kahit sa ano pang CADD program. Napakasimpleng bilog e ido drawing ko pa ba sa computer?? Minsan mas maganda na yan para unique hehehe pasensiya na kayo di ako perfect sa bilog pero magaling akong mambilog hahaha.

Pero teka, alam nyo ba kung ano yan?? Yan kasi namimiss ko sa Pilipinas yun nasa dalawang bilog na yan sa magkabilang dulo yun sa gitna di ko namimiss yan hehehe.

O sige na wala ako sa mood talagang magkwento eh. Sana lang mahulaan nyo ang namimiss ko para mapasaya nyo ako hehehe.

PAHABOL na joke ni Sardz:

Nag-uusap ang dalawang bulol na bata:
Buknoy: Tutan, punta tayo sa kanto meron promo may libre kan tutbrush at colgate pakita mo lan ipen mo.

Susan: Wag mo ko utap, wala ako ta mood!