Wednesday, December 16, 2009

HULA SCOOP: May Maalala Ka Na Naman, Iwasan maging malungkot

Christmas Decor sa loob ng Shimoda Mall dito sa Japan (kahit wala silang Pasko)


HULA: May maaalala ka na naman, iwasang maging malungkot ngayon. Mahirap ngumiti kung malungkot ka talaga pero mas mahirap naman tumawa kung nakikita mong malungkot ka. Kaya ngumiti ka habang malungkot para mas masaya.

SCOOP: Mahirap talagang maging malungkot. Idaan mo na lang kaya sa mga pag-alala sa mga nakaraan para mas masaya, di ba??

Tara, balikan natin ang mga nakaraan natin noong maliliit pa tayo kapag ganitong kapaskuhan:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Noong maliit pa ako, mga anim na taon, nasa lansangan pa ako kapag gabi kasi nagtutuktok kami ng mga tansan para pangkulingling sa karoling namin. At kapag December 16 na, nagsisimula na kaming mangaroling, 9 na raw ang bubunuin bago mapaghatian ang mga perang nakalap namin sa karoling.

Ang mga unforgettable experiences ko sa karoling:

1. Pag iskinita ang pinupuntahan namin, hati ang grupo namin, sabay ang kanta pero magka-iba ng tinatapatan naming bahay....para tipid, hirap magvocalize no baka mamaos pa boses namin tutal magkatapat lang ang bahay nila kaya parehong kanta. Ika nga heating one bird with 2 stones ....teka mali pala chicken barbecue pala yan hehehe, hitting 2 birds with one stone pala.

2. Ang mga "patawad" na mga maybahay wala ring patawad sa amin ang mga yan kailangan pa rin kumanta ng "thank you thank you ang babarat ninyo thank you" sabay takbo yan, kailangan mabilis kasi aso na ang humahabol sa amin. Kaya naging runner ako kasi sa pagkakaroling ngek hehehe

3. Minsan sa sobrang hiya ko , napaluhod ako sa lupa para di ako makilala ng kapitbahay namin habang nangangaroling sa kanila pero di pala lupa yun naluhuran ko, "ebs" ng pusa hehehe (ang bantot ko nun, grabe!!)

4. Ang mga kanta namin noon ay: Ang Pasko ay Sumapit, Sa Maybahay, We wish you a Merry Christmas, Pasko Pasko, O Come All Ye Faithful, Joy to the World (pagkatapos yun tagalog version nito na O Magsaya), Rudolph the Red Nose Reindeer, Winter Wonderland (naks sosyal ang dating niyan medyo mahal na ang bigay sa amin nito kasi madalang nilang marinig ang kantang ito sa mga karolers), 12 days of Christmas (ang haba nito ginagawa na lang namin 5 days kasi pinuputol na kagad ng may ari ng bahay, binibigay na kagad ang pera wag lang namin ituloy ang kanta hehehe) at marami pa, at syempre ang popular sa amin na hindi popular sa iba ay eto....(sensiya na di ko alam ang title kaya kinanta ko na)......


Pagsasapit ang pasko namimili ang Mommy ko
Ng mga aguinaldo para sa araw ng Pasko
At itong aking Daddy gumagawa ng Christmas tree
Sasabitan ko naman ng mga laruan at mga candy

Ang iba't ibang kulay nitong ilaw ng Christmas tree
Ito'y lalong nagniningning pagsapit ng gabi
Ang magandang Christmas tree natutuwa ang marami
Lalo na't patay sindi itong ilaw ng Christmas tree....itong ilaw ng Christmas tree


o alam niyo bang kantahin yan??? kundi, hindi kayo certified na mangangaroling hehehe (joke lang no! )

O sige na matutulog pa ako, siyanga pala ako lagi ang pasimuno o lider ng grupo kaya mas maraming alam na kanta, in ka sa grupo namin kasi mas malaki ang bigay hehehe.


PAUNAWA: Ang mga naranasan ko ng pagdiriwang ng Pasko ay noong maliit lang ako pero noong lumaki na ay nagbago na ang lahat.......tililingling ling

11 comments:

  1. namamasko po, sardz, hehehe! nangangaroling ka pala dati ha. alam mo, di ko naranasan yan! pero masaya din naman ang childhood namin *defensive*
    ...pero train kami ng (late) lola ko dati na pag may nangaroling, ang sabihin, "bumalik na lang kayo sa 24!" kasi minsan pagnagbigay ka, babalik ilang beses isang gabi, di ba ang gastos! hehe (kuripot).
    LOL at #3 mo dito (yung may eksenang lumuhod ka! saan?!!)

    advance merry christmas!

    ReplyDelete
  2. btw, sardz, thai resto 1 sa recent post ko. i remember you asking me about thai dishes. :D
    ..spice girl ka pala, ha! hehe

    ReplyDelete
  3. ebs" ng pusa hehehe mabuti na lang at hindi ka naman nakilala ng kapit bahay. nakukumpleto ba nmn ang mga kanta nyo?

    Ang sarap balikan ang mga pasko noong maliit pa tayo. ngayon kasi medyo protektib tayo sa mga anak natin kaya hindi niila mararanasan ang saya ng karaling.

    ReplyDelete
  4. kaya naman pala masiyahin ka eh.. bata ka pa lang puro kwela na! panay bloopers... hahahaha!

    namamasko po!!!

    ReplyDelete
  5. Sa amin, nung bata pa ako, hindi ako nakaranas ng karoling. Kasi mahigpit ang nanay namin. Hindi kami pinapalabas pag sapit ng orasyon. Pero sa ka-arawan ng pasko, uso sa amin (ewan ko lang ngayon) na naglilibot ang mga bata sa bahay-bahay. Nagsisigaw sila ng "buenas paskwa" at binibigyan sila ng mga kendi ng may bahay.

    ReplyDelete
  6. meri krismas! di ako nakaranas mangaroling nung bata ako, k'se sigurado di ako papapaskuhan! hahaha! pero enjoy ako magpitpit ng tansan para sa mga kalaro ko. :D

    ReplyDelete
  7. docgelo- yup laking kalye kasi ako hehehe, kaya naranasan ko ang mangaroling, natawa naman ako sa yo na nagsasabi na bumalik na lang sa 24 hehehe, pero di naman kami bumabalik sa isang bahay sa isang gabi kasi nililibot namin buong Proj.4 nun LOL kaya kabisado ko yun

    thanks pala doc at you featured thai dish sa blog mo, oo spice girl ako e hehehe

    Lifemoto- kumpleto naman ang kanta namin pero pag nagbigay na ng pera d na tinatapos hehehe, oo sarap talagang balikan ang mga nakaraan

    AZEL- sinabi mo puro bloopers yata ang childhood ko e hehehe

    blogusvox- ang higpit nga ng nanay mo a mng oorasyon pa pala kayo??? sayang d mo naranasan ang mangaroling baka di uso sa lugar nyo siguro

    syel- bakit di ka naman papapaskuhan? sayang di mo rin naranasan ang mangaroling pero ok na rin at nagpitpit ka naman pala ng tansan pwede na yun hehehe

    ReplyDelete
  8. Naiyak ako dun sa Christmas carol mo sa huli. Hehehe. Kakainis ka! Andami ko tuloy naalala. Madalas din kasi naming kantahin yan noon. And only now did I remember it nang mabasa ko ang post mo.

    Siguro nga lahat tayo dumaan sa ganyan nung kabataan natin. Natatandaan ko nga ung first gift nga naming magkapatid sa parents namin e galing sa pinagkarolingan namin.

    Sweet memories. Haaay....

    Merry Christmas po! Napatawa mo na naman ako!

    ReplyDelete
  9. kami pag nangangaroling dati ang layo ng naaabot.

    ReplyDelete
  10. Nebz- sensiya nakung napaiyak kita hehehe, ok lang yun ako rin lagi kong naiisip ang mga childhood days ko pag ganitong December sarap balikan ang mga nakaraan eh di na kasi mauulit

    Choknat- kami rin malayo nararating, pero di mo namamalayan yun pagod kasi marami kayo at masaya lalo na pag may humahabol ng aso hehehe

    ReplyDelete