Monday, December 21, 2009

HULA SCOOP: Magpasalamat Ka Kaibigan

Anong kakanin ito?


HULA: Magpasalamat ka kaibigan na ikaw ay malakas at masigla.

SCOOP: Sa huling buwan ng taon na ito ay tunay na dapat tayong magpasalamat sa Panginoong Diyos dahil sa tayo ay naging malakas, masigla at napanagumpayan ang lahat ng mga balakid sa buhay sa buong isang taon na ito.

Anu-ano nga ba ang dapat kong ipagpasalamat sa taon na ito?

1. Una .....sa Panginoong Diyos, dahil sa hanggang ngayon ay buhay at malakas ako at ang pamilya ko, naging matatag ako sa pananampalataya at sa anumang mga suliranin na pinagdaanan ko nitong taon na ito, utang ko sa sa Kanya ang aking buhay.

2. Pangalawa, sa asawa ko na naging mapagmahal (walang sawang nagsasabi sa akin ng "I love you" araw-araw- naks naman! ang sweet hehehe), mabait (hindi ako inaaway, ako lang ang dapat mang-away hahaha) , maunawain ( alam kung kailan ako magagalit na hehehe) at higit sa lahat galante (walang pakialam sa ginagastos ko sa pera namin kahit magpadala pa ako ng buwan-buwan sa Pilipinas hehehe).

3. Sa mga anak ko na kahit makulit at pasaway ay mayroong takot pa rin sa aming dalawang mag-asawa kahit na turing namin sa kanila ay matalik na kaibigan.

4. Nagkaroon ako ng trabaho sa isang taon kong paghihintay (narinig yata ang paghihinagpis ko sa entry ko sa PEBA contest hehehe).

5. Nagkaroon ako ng blog at nagkaroon ng maraming kaibigan sa mundo ng blogosphere.

6. Nakabili ako ng cellphone na magara, Nokia (sipsip!) at Iphone pa (hehehe).

7. Nakapagpadala na ako ng pera sa mga kapatid at Tatay ko at mga in-laws ko sa tulong ng Western Union (sipsip!)

8. Nakapagpadala ako ng balikbayan box sa mga kapatid ko sa tulong ng Forex (sayang di naging sponsor ng PEBA).

9. Na adik ako sa friendster (sipsip uli!) at facebook.

10. Nabigyan ako ng awards ng mga kaibigan ko sa blog (friendship, funniest blog, at marami pa)

11. Nakakatawag na ako ng madalas sa amin, gamit ko ang sarimanok one phone card (teka di pa ba sponsor natin ang channel2?? sipsip talaga hehehe) at tumatawag ako sa Ate ko sa Smart (sipsip uli...baka higop na nga e hehehe) cellphone number niya kasi naputulan na sila ng landline (hehehe).

12. At syempre bago ko malimutan, nagpapasalamat ako sa mga bagong nag tag sa akin. Sina Arlini at Roanne ay binigyan ako ng "Love Ya Awards".....love you both too!! Sa lahat ng mga kablog ko ibinabahagi ko rin sa inyo ang award kong ito. Di na ako magbabanggit ng pangalan kasi baka may malimutan pa ako (parang feel ko marami kayo e hehehe kahit konti lang).



13. Nagpapasalamat din ako at nagkaroon ng PEBA contest kung saan ay nakilala pa ng husto ang mga kakayanan ng mga expats at OFW sa larangan ng pagbablog. At ito ay pinangunahan ni Mr. Thoughtskoto (higop!!! hahaha).

14. At pahabol pa, nagpapasalamat ako at nagustuhan ng mga kaibigan ko ang espesyal kong kakanin, ang mochi! ala espasol ng laguna at sapin-sapin ng.....basta sapin-sapin sa atin di ko alam saang lugar marami nito sa Maynila marami nito e. Yan yun nasa larawan na nasa itaas. Salamat sa order ninyo mga prends hehehe pero di ko kaya gumawa ng maramihan eh pang potluck lang ako.

15. At sa lahat ng mga bumabasa nito, maraming salamat at nakaabot kayo na basahin hanggang #15 list ko (astig kayo hehehe).

PAHABOL: Waaaa di ako makakapunta sa PEBA Awards Night!!!! Congrats sa mga mananalo!!!


`````````````````````````````````````````````````

Silipin ninyo ang picture ko sa PEBA!.....baka mawala na yun hehehe!

HAPPY HOLIDAYS!!!









12 comments:

  1. medyo may kahabaan pero may sense naman lahat ng nasa listahan. medyo kulang na ko sa oras k'se lilipad na ako mamayang madaling araw kaya Meri Krismas at Hapi New Year na lang. kakain ako ng kakanin sa pag-uwi ko! :D

    ReplyDelete
  2. Hmm, wala ako masyadong kilala na kakanin, tanging puto, kutsinta, biko at suman lang ata alam ko! Pati ba Ube ay kakanin rin? Haha! Pero hula ko sa picture sa taas Espasol na may kulay LOL. Yun pala.. mochi? Ngayon ko lang yun narinig!

    Sana makahanap rin ako ng asawang tulad ng sayo! Haha okay, hindi po asawa kundi boyfriend muna sa ngayon, haha! Gusto ko yung super generous talaga, yung di mag hehesitate na magbigay ng pera. LOL!

    Bah, may Nokia na nga, may iPhone pa! Gusto ko rin nun! Touch Screen yung Nokia ko pero parang mas gusto ko ata yung iPhone!

    Nga pala, medyo di ko ma gets yung term na Expats. Diba Ex-Patriates po yun? Pero di ko pa rin alam kung ano tlga yung real deal. Haha!

    ReplyDelete
  3. Wow mochi!!!!!!!!! I like.... May ice cream ba yan sa loob... Ganun kasi ung mochi d2 e! :) merry christmas to you and to your family sana marami pang blessings ang dumating :)

    ReplyDelete
  4. Ano to? commercial? lolz puro advertisement ah, at umabot ako sa #15 :D

    ReplyDelete
  5. You are perpectly correct, dapat pasalamatan ang mga taong nakapagpasaya sa atin, and i would like to take this opportunity para pasalamatan ka Bb. Sardz sa blog mo na nakapagbigay ng kasiyahan sa akin at aking pamilya sa taong 2009 at umaasa na patuloy ka pa ring makapaghaharid ng ngiti sa pamamagitan ng iyong blog sa nakararaming Pilipino.

    Maligayang Pasko!!!

    ReplyDelete
  6. At salamat din sa yo! Oo nakita ko ang photo mo sa PEBA. You look beautiful.

    Merry Christmas to you and you family. Isa sa mga nakapagpasaya sa akin this 2009 ang blog mo. Salamat po ng marami.

    ReplyDelete
  7. Sardz, bakit tinatago mo ang mukha mo e maganda ka naman? Hindi kaya ayaw mo lang makita ng mga nakakakilala sayong akala e matino ka? >: D

    Maligayang pasko sayo at sayong mga mahal sa buhay!

    ReplyDelete
  8. syel- happy trip na lang at ikain mo na lang ako ng mga kakanin sa atin ha

    halfcrazy- welcome back! tagal mong nawala ah??? busy ba? actually tama ka dyan espasol na may kulay nga yan hehehe pero dito sa Japan at kahit sa Hawaii ang tawag dyan mochi pero lasang espasol talaga o sapi-sapin na may starch powder hehehe

    mahirap maghanap ng galanteng asawa hahaha at tama ka expatriates nga, ang real deal dun eh may blog contest lang hehehe

    roanne- hindi yan mochi ice cream eh, mochi lang talaga pero yun mochi ice cream halos pareho din ng lasa nito yun ngalang ice cream yun loob eto walang palaman; dito sa Japan may palaman din yun mochi nila na munggo sa atin ang tawag buchi mukhang galing din siguro sa hapon ang term natin na buchi yun nga lang napalitan ng letter hehehe

    CM- hahaha oo commercial ito, di kasi ako nakpagpasalamat sa mga sponsors eh at least tapos na silang magjudge kaya ok lang na sumipsip dahil di na sila ffected hehehe

    Pope- salamat din sa pagshishare ng knowledge mo through your blog posts, sa akin naman e puro kalokohan kaya wala kang mapupulot na aral LOL

    Nebz- sa sinabi mong "You look beautiful" ang korek dun ay yun "look" mukha lang maganda hahaha pero hindi naman LOL; salamat kahit paano napasaya ka ng blog ko

    Blogus- korek na korek ka dyan, nahihiya ako sa mga kakilala ko pag nalaman nila na hindi pala ako matino LOL wala kasing maniniwala sa mga pinagsusulat ko kung makikita nila pagmumukha ko e hehehe

    SA LAHAT: Maligayang Pasko sa lahat ng may Pasko hehehe

    ReplyDelete
  9. Ayos ang list! Maganda ka pala ateng! Merry Christmas!

    ReplyDelete
  10. There are a lot of things na dapat natin sa Panginoon. Hindi lang sa araw ng Pasko kundi everyday of our life. Maging ito man ay pagpapala or pagpapalo. He has a reason for avery season..

    Merry Blessed Christmas to you Sardonyx and your family. Have a great holiday ahead! Cheers! From the Kingdom of K.S.A........

    ReplyDelete
  11. Dennis- salamat, ok na sana yun una sabay sinabi mo pang "Ateng" hehehe parang feeling ko napakatanda ko na hahaha (waaa totoo naman)...Happy New Year late na kasi sa Christmas yun bati ko hehehe, salamat sa bati

    BertN- Sorry late na akong nakapag reply, Happy New Year na lang sa'yo! Pero salamat sa bati

    LifeMoto- tama ka diyan dapat araw-araw Pasko para masaya lagi hehehe, salamat sa bati late na yun reply ko kaya Happy New Year na lang hehehe

    ReplyDelete