Monday, December 28, 2009

HULA SCOOP: Mabibigla Ka....

#10

(dinekwat ko ang larawan na ito sa PEBA website)



HULA: Mabibigla ka dahil ang akala mong di mangyayari ay nangyari sa'yo. Pero kung ang akala mong mangyayari ay di nangyari, di ka lang sinuwerte, may next time pa naman. Malay mo..... malay ko.... yan ang totoo. Malay nating lahat hehehe.

SCOOP: Alam ninyo na siguro kung ano ang tinutumbok ng mga hula ko? Kung di mo pa alam, naku ha alamin mo na mga prends! Dahil akala ko....alam niyo na no hehehe

Eto na:

Congratulations sa PEBA winners!!!! Natapos din ang kaabang-abang na sandali ng 2009.

Eto ang mga akala ko na di mangyayari pero nangyari sa akin:

1. Hindi ko akalain na sasabit ako sa #10, sa top ten Pinoy OFW/Expats ng PEBA ..........yahoo!!!!!
2. Hindi ako nakapagbukas ng e-mail, akala ko wala akong award, hindi ko tuloy nabasa ang e-mail sa akin ni Ms. Azel, hindi tuloy ako nakapagrecord ng video para magpasalamat man lang sa PEBA team lalo na kay Mr. Kenji at NJ.
3. Hindi ko akalain na ang mga judges mapapansin ang hamak na aba at kaawa-awa kong blog entry hehehe, salamat talaga sa inyo!
4. Akala ko pupunta ang kapatid ko, hindi pala wala tuloy akong representative huhuhu.
5. Akala ko sasayaw si Mr. Thoughtskoto hindi pala hehehe (joke lang baka bawiin sa akin yun award hehehe).

Muli po nagpapasalamat ako sa bumubuo ng PEBA lalong lalo na kay Mr. Thoughtskoto dahil sa sipag at tiyaga naisakatuparan niya ang mga pinapangarap ng mga OFWs at Expats....ang maparangalan ang tinatago naming mga talento ay mali ang aming natatanging talento pala hehehe.

Sa mga judges, saludo ako sa inyo, mahirap magbasa ng 37 blog entries, kung ako nga di ko tinatapos basahin ang mismo kong blog entry yun pa kayang 36 na iba pang blog? di ba? hehehe. Kaya salamat sa pagtitiyaga at sa dedication na mapili ang tunay at karapat dapat na mapili.

At sa lahat ng mga nominees, panalo tayong lahat, may number nga lang kaya may nauuna at may nahuhuli at higit sa lahat may maswerteng nakakasabit sa dulo ng top ten, ako yun hehehe.

At sa #1 blogger.......congrats Nebz!! Galing mo naman! Blow out ha hehehe

Mula ngayon, pagsisikapin kong dalawin ang iba pang nominees na hindi ko nagawang bisitahin dahil sa naging busy ako ngayon (sana magawa ko, di bale may new year pa naman hehehe).

Narito ang PEBA website para mabisita ninyo kung sinu-sino pa ang mga nanalo.












25 comments:

  1. Kung baga sa pagsakay sa jeep, nakasabit ka, Sardz. Congrats!!

    ReplyDelete
  2. Blogus- oo nakasabit sa jeep, isang daliri na lang ang nakasabit, mukhang bibigay na at mahuhulog LOL....salamat uli sa effort at pagiging judge, bow ako sayo....as in B-O-W BOW hehehe

    ReplyDelete
  3. RJ- salamat, ganun din sa'yo congrats!!! May libre ka bang load from SMART? hehehe

    ReplyDelete
  4. with the way you write... may pattern... at sobrang nakakaaliw kaya tong blog mo! ba't nagtataka ka pang nanalo ka???

    you deserve it!

    just continue it this way... HULA & SCOOP... (then, mahuhulog ulit ako sa upuan ko with the content!) ahahahahaha! kakatanggal homesick!

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  5. Congrats for winning the PEBA. Happy new year! You really deserve it! Cheers!

    ReplyDelete
  6. Congratulations.

    Kahapon, when NJ told me that I won, I asked him about xx,xx,xx and Sardonyx blog (huwag mo nang itanong sa langit kung sino ung unang 3 na tinanong ko -- hehehe).

    Natutuwa akong nakasama ka sa Top 10. Lubos-lubos ang aking tuwa.

    Happy New Year po. And hope to read more of funny Hulascoop in 2010.

    ReplyDelete
  7. Congratz!!! Di ako nagkamali ng panghihikayat sa iyo, you deserve the award.

    Kampai!!!

    ReplyDelete
  8. Atche Congrats!!! I hope you and your family had a wonderful Christmas :) Happy New Year !!!

    Kblag

    ReplyDelete
  9. Congrats po sayo, at happy new year na rin :)

    ReplyDelete
  10. AZEL- salamat naman at nagtitiwala ka sa akin, naks naman hehehe.....oo forever na hula scoop na ito kaya lang minsan ang hirap mag isip hehehe kasi may pattern na e meron ka pang iisipin na anong topic mo, parang pinahirapan ko sarili ko hehehe

    LifeMoto- salamat, lahat tayo panalo no! Happy New Year din!

    Nebz- sige wag kang mag-alala di ko itatanong kung sino sila (ibulong mo ng pasigaw na lang sa akin hehehe)...ang galing naman at ikaw ang #1, congrats uli, you deserve it! At ok na ok yun picture mo, yun yata ang nagpabuenas sayo e hehehe, dahil sobrang ngiti parang alam mong mananalo ka hehehe

    Pope- oo nga ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napasama dito hehehe pero at least nakasabit ako sa huli at syempre nanalo lahat ang mga inspirasyon kong mga bloggers, congrats uli

    choknat- salamat sa bati at salamat at napadaan ka uli ha, nasan ang chocnut ko? hehehe

    kblag- Happy New Year!! Salamat sa suporta, kahit di pa tayo nagkikita in person, lagi kang nandiyan (pasilip silip sa blog ko hehehe, kala mo ha hehehe may 3rd eye yata to LOL)

    CM- salamat at congrats din sa'yo! Next time ikaw na ang speaker sa awards night o kaya one of the judges hehehe

    ReplyDelete
  11. congrats sardonyx!!!!!! yehey!!!

    ReplyDelete
  12. dear hulascoop and sardonyx.. miss ya.. nanalo ka.. congrats!!!!

    ReplyDelete
  13. Congrats ateng, ang galing galing mo ahahaay!!! Okay na okay ang New Year!
    Hala sige patawanin mo pa kami sa mga susunod mong mga entries!

    ReplyDelete
  14. Congrats Sards! Galing talaga ng idol ko sa pagsusulat... the best!
    - Betcha

    ReplyDelete
  15. hahahha..congrats at sumabit ka!!!! lol. jk. congrats talaga. you deserve to be on that list. your entries are so funny kaya naman may followers ka tlga. pwede ka na bumuo ng kulto. hahaha

    happy new year!! more entries to come!! mwah!

    ReplyDelete
  16. Roanne- thank you ;-) sana dumalas dalaw mo hehehe

    Ate Loida- Thanks sa bati and I miss you so much na!! Tagal mong nawala huh

    Dennis- salamat hoy wag mo na akong i- acheng dyan tumatanda ako lalo hehehe lalo na pag ikaw ang tumatawag LOL

    Betcha- musta na???? Long time no hear sa'yo, pano mo nalaman ang blog ko??? I-add kita sa list ko huh! Happy New Year at keep in touch, dadalaw-dalawin kita sa blog mo (busy lang kasi ako ngayon)

    Reena- salamat sa bati! at syempre salamat sa boto mo at baka ikaw ang dahilan kaya ako nasabit sa #10 hahaha....

    bakit naman kulto??? multo na lang hehehe mahirap gumawa ng kulto eh hehehe, Happy New Year din sa'yo

    ReplyDelete
  17. Ang tagal ko na kayang nagbabasa dito... wala ka pang awards reader na ako.

    Nagtanong ako dati kay kaibigang Google natin ng tagalog horoscope, tapos nakita ko ang "hula scoop"... iyon ang simula ng pagsubaybay ko sa iyong blog.

    ReplyDelete
  18. bertN- Happy New Year too, salamat sa dalaw

    Dennis- hehehe kaw talaga ha

    Betcha- salamat at natagpuan mo ako dito hehehe, kilala pala ako ni kumpareng google mabuti at natandaan niya ako no, Happy New Year!

    ReplyDelete
  19. Huli man daw ako sa pagbati, pagbati pa din! hehe! CONGRATULATIONS! wow, ang galing naman ng blog buddy namin! It's a wonderful reason to start a new blogging year for all of us. Have a great twenty ten and may we all have more blessings from the Lord!

    ReplyDelete
  20. docgelo- salamat sa dalaw at sa pagbati, pasensiya na at bagong taon parang walang pumapasok sa radar ko at di ako makapanghula hehehe....busy kasi sinusulit ang bakasyon

    ReplyDelete
  21. Congratulations Sardz, it took for me a long time to comment here. You truly deserve the award, it seems lahat ng judges like not just your entry but the funny stories and posts you make. salamat! Will send through email the badge this week!

    ReplyDelete