Wednesday, December 9, 2009

HULA SCOOP: Huwag mong balewalain ang mga bagay na binabalewala mo lang

Tara, kain na friends!


HULA: Huwag mong balewalain ang mga bagay na binabalewala mo lang. Kahit pa ang mga gawain mong ginagawa sa araw-araw ay huwag mong tangkaing isumpa o kalimutan lalo na ang pagkain sa iyong hapag kainan. Dahil balang araw, malalaman mo rin kung bakit.... bakit! Hmmm bakit nga??

SCOOP: Kapag pala napalayo ka sa iyong bansa ang mga bagay na nasa harapan mo lang dati na binalewala mo ay nagiging napakahalaga nito kapag wala na sa paningin mo. Maging ang mga ginagawa mo dati at mga taong nasa tabi mo lang ay hahanap-hanapin mo talaga. Bakit kaya ganun? Pero kapag nandiyan naman binabalewala mo lang. Hay ang tao talaga walang kasiyahan sa buhay.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isa sa mga di ko pwedeng kalimutan o balewalain ay ang ulam ng Pinoy, at siyempre ito ang peborit ng halos lahat, ang sinigang na baboy! Ano naman kinalaman nito sa hula ko?? Oo nga ano??? Hmmm isip-isip....kasi sa Pilipinas kapag sinigang na baboy ang ulam dapat ang mga sangkap ay tama rin. Anu-ano ba ang mga sangkap nito?

MGA SANGKAP NG SINIGANG

*baboy na kakakatay lang (liempo o ribs)
*sitaw
*kangkong
*sili
*kamatis
*sibuyas
*gabi
labanos
sampalok o tamarind soup base powder mix

optional:

okra
talong

sawsawan:
patis na may sili, bahala na kayo sa diskarte

Note:
* puro sariwa

Noong nasa Pilipinas pa ako (wag kayong mag-alala babalik ako sa bansa natin para magretire pag marami ng ipon na pera hehehe), kailangan tama ang mga sangkap kasi kung ang kangkong ay pinalitan mo ng pechay, ang sitaw pinalitan mo ng baguio beans at ang gabi pinalitan mo ng patatas hindi na ito sinigang, nilaga na yun! nilaga! hehehe pero kung ang lasa ay maasim pa rin, nilagang sinigang ang kakalabasan nito hehehe.

Dito sa Hilagang Japan (Northern Japan) kung saan ako napadpad ngayon (sa ayaw at sa gusto ko huhuhu) ay napakahirap makahanap ng kangkong at sitaw. Mayroon man pero mangilan-ngilan at kapag nakita ng mga kapwa ko Pinoy ang kangkong, bibilhin lahat ang mga ito, di man lang magtira sa iba na katulad kong sabik sa kangkong.Tapos gagawin lang nilang adobong kangkong. So kailangan talaga may nakalaan kang ipapalit sa mga sangkap ng sinigang dahil kundi mamumuti ang mata mo kakahintay. Ang sitaw naman, malabo talagang makabili isang beses palang akong nakakita dito sa loob ng isa't kalahating taon, binilhan lang ako ng kaibigan ko pa.

Ngayon nararamdaman ko na kung paano ko nilait ang pinsan ko nang minsan nagluto siya ng sinigang na ang sangkap ay cabbage baguio at baguio beans (hmmm pero di naman siya taga Baguio hehehe) at sinabihan ko siya ng "ang sarap naman ng nilaga mo" hehehe....sabi niya sa kin, sinigang yan no hmmp!....ayun napahiya na naman ako at pero mas lalo naman siya no hehehe.

Ngayon ito na ang sangkap ko sa sinigang:


BAGONG SANGKAP NG SINIGANG SA AMING LUGAR SA JAPAN

frozen baboy (liempo o ribs o neck bone)
baguio beans o bichuelas (sa tagalog) o green beans sa US
spinach na dapat kangkong (pampalakas naman ito no sabi ni Popeye)
*Japanese sweet chili pepper, sariwa(mahabang sili pero walang kaanghang-anghang, sweet nga no)
*kamatis, sariwa
sibuyas, sariwa
*gabi
sampalok tamarind soup base powder mix

optional: (depende kung mahal na ang mga ito)

labanos
*okra
talong

note:
*magiging frozen na ang mga ito ngayong winter kasi nag imbak na ako ng mga kamatis at sili sa freezer dahil pag winter dito ginto na ang presyo ng kamatis nasa $2 na ang isang piraso at yun sili wala ka ng makikita as in wala, yun gabi naman may nabibili ng frozen na hubad na gabi, balat na kasi eh hehehe

Waaaaaa kakainis mabuti pa sa America (sa California at Hawaii kung saan ako napatira ng ilang taon, kahit nga sa Alaska na nag-iisnow kung saan galing ang friend ko meron din nga e) halos lahat ng gulay sa atin meron doon para kang nasa Pilipinas na. May kangkong, sitaw, bataw, patani, kundol, patola, upo't kalabasa at saka meron pa labanos, mustasa, sibuyas, kamatis bawang at luya, sa paligid-ligid ay puno ng linga. ...lalalalalala kumanta na hehehe. Teka nakahalata yata ako ahhh bakit walang kangkong sa "bahay kubo" na kanta??? Hmmm di pwede yun walang kangkong kung walang sinigang....at walang sinigang kung walang kangkong!!! Wala rin baguio beans, gabi at sili!! Sino ba composer nun??? Siguro di kumakain ng sinigang yun??? Di ba?? Ano sa palagay niyo? Di kayo mapalagay? Ako rin eh.

LARAWAN: Luto ko, tara kain na tayo! Sinigang with spinach and green beans hehehe











11 comments:

  1. wow sinigang! swerte naman pala ako compared sa'yo. hahaha! katunayan kakaluto lang namin ng sinigang last week! sarap!

    ReplyDelete
  2. Buti ako hindi ko binabalewala ang sinigang (dahil wala pa akong balak mangibang-bansa) at lagi kong inuubos ang siningang na luto ng nanay ko...
    pero yung sinigang namin ay may sampalok at labanos tapos may sawsawan patis na may siling labuyo.

    Kailangang umuuusok ang sinigang sa init kung ihahain kasama ng umuusok na kanin, kung hindi ay hindi ko kakainin..demanding ako pag sinigang at tuwing tanghalian ko lang ito kakainin, hehehe

    ReplyDelete
  3. syel- kakainggit ka naman pero every week lagi rin kaming may sinigang favorit kasi ng anak ko at asawa ko

    Dennis- ay oo nga pala nalimutan ko ang labanos at sampalok hahaha, kakamadali kong magpost eh nalimutan ko yun importante sa lahat yun sampalok, di bale idadagdag ko ngayon ang mga yan sa post ko hehehe

    ReplyDelete
  4. same here in saudi, kung ano lang ang available na vegetables. mahalaga ay may lasa ng asim na sampalok or bayabas. Wag lang mawala ang Knorr, Maggi or Mama Sitas ay di makukumpleto ang sinigang. Lamang ka lang at meron kang baboy. samantalang dito ay patago yun ay kung may magdadala galing ng Bharain. nga lang medyo mahigpit na sila sa Causeway.

    ReplyDelete
  5. Totoo!

    May mga lutong Pinoy akong hindi pa nakain noong ako ay nasa Pilipinas pa lamang. Dahil sa pangingibang bansa, nalaman ko na may marami pa pala akong hindi nalalaman tungkol sa Pilipinas at hindi pa nararanasan sa aking sariling bansa at saka ko lang na realize noong ako'y nangibang-bayan. :D

    Keep posting!

    ReplyDelete
  6. we just had pork sinigang for dinner before i hopped here! =) ano naman lasa, sardz ng spinach sa sinigang? beans? LOL at spinach pampalakas sabi ni popeye, hahaha!!! sarap buto-buto, o kaya prawns!!! corned beef sinigang masarap din, no joke! sa via mare meron. try din namin magluto sa bahay kaya? sige, happy eating!

    ReplyDelete
  7. LifeMoto- totoo yan as long as maasim yun sinigang hehehe, suwerte pa pala ako at may baboy dito pero at least diet kayo diyan at iwas high blood

    Phil- yup maappreciate mo lang ang isang bagay o tao pag wala na sa paningin mo, at least ngayon natututo tayo pag malayo sa Pilipinas

    Docgelo- iniisip ko na lang pag kinakain ko yun spinach at beans na kangkong at sitaw mga yun hehehe yun sitaw naman kamag-anak ng beans kaya ok na rin at yun spinach iniisip ko na lang na lalakas ako kagaya ni Popeye hehehe, corned beef sinigang??? mas matindi yun hehehe di ko pa natikman yun hehehe pero meron nga yun iba sinigang na ginisa sa bagoong eh hehehe

    ReplyDelete
  8. Ang hirap mag-reinvent ng Pinoy dishes kapag limited ang ingredients mo, dito sa Middle East walang pork, kaya't porkchop na manok ang ulam lagi hahahaha.

    Hindi rin puedeng kantahin ang Bahay Kubo dito, kasi daming kulang na gulay.

    Happy weekend.

    ReplyDelete
  9. Pope- ganun walang pork diyan? kahit sa loob ng US base? naku diet pala dyan hehehe, porkchop na manok??? hahaha so chicken chop na yun hehehe

    ReplyDelete
  10. 11pm na sa Saudi nang mamataan ko ang post mo at photo ng sinigang. Nagutom ako!

    Hindi nga? Walang kangkong at sitaw jan sa Japan?

    Daig sya ng Saudi! Dito naman, maraming sitaw, talong, alugbati, upo, patola, okra, etc. Once a week nakakakita ako ng kangkong, dahon ng sili, papaya, mustasa, dahon ng ampalaya, dahon ng malunggay.

    Super fresh din ang mga kamatis. Almost perfect nga ang kulay at korte nila kaya nagmimistulang prutas ang itsura.

    Ang wala dito sa Saudi: baboy!

    Pero true ka, pwedeng alternative sa kangkong ang spinach. Fave ko yan sa sinigang na isda. O kaya inaadobo.

    ReplyDelete
  11. Nebz- buti pala dyan sa Saudi kumpleto, ewan ko ba bakit madalang ang kangkong dito, agawan pa, hindi rin sila nagtitinda ng dahon ng sili o ampalaya pero nagtitinda sila ng sili at ampalaya; may sitaw pero madalang din kaya mahirap magsinigang dito na kumpleto at tama ang rekado hehehe; wala ring malunggay dito at alugbati, mraming gulay dito pero di ko kilala ayaw kasing magpakilala sa akin e hehehe

    ReplyDelete