Saturday, December 12, 2009

HULA SCOOP: Hayaan mong makapag-isip-isip ka ngayon

Mga mansanas


HULA: Hayaan mong makapag-isip-isip ka ngayon. Huwag mong biglain ang sarili mo, minsan ganun talaga, minsan meron, minsan wala, kadalasan wala talaga. Wala ka talagang isip.

SCOOP: Grabe! Wala talaga akong maisip!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nangyari na ba sa inyo yun? Eto ha.....

1. Gusto mong magsulat pero wala ka naman masulat.
2. Gusto mong mag-isip pero wala ka namang isip.
3. Gusto mong mag-isip ng isang palaisipan pero nagdadalawang isip ka naman.
4. May sasabihin ka pero wala namang lumalabas sa bibig mo.
5. May lumalabas sa bibig mo pero mismong ikaw di mo maintindihan pinagsasabi mo.

Ayan ang nangyayari sa akin ngayon! Di kaya nalulungkot ako???

Miss ko lang kasi ang "sugarpie, honeybunch....lalalalalala (kumanta pa no hahaha)...siyempre ang aking mahal (naks naman!)...as usual wala na naman siya sa tabi ko.....business trip na naman (waaaaa!!) hay kung pwede lang hilahin ang mga araw para bumalik na siya (baka kasi magsnow wala akong kasamang magpala ng mga snow e hehehe).

Ayan teka may naiisip na ako, anu-ano ba ang mga tawag ng mga asawa sa kanilang mga asawa?? (ngek eh kasi wala naman tagalog ang husband o wife kundi asawa di ba??)...eto na spontaneous ito ha, naks naman medyo biglang tumaas ang signal ng radar ko eh.

cupcake- kapag may gustong ipabili ang misis (sweet naman)
mahal- gusto unique sila kaya tinagalog ang "love"para sweet din daw
honey- katamisan ng pagsasama, baka bagong kasal di pa nag-aaway
yes dear- kapag member si mister ng yukosa (yuko sa asawa)
damuho- kapag si mister wala ng maibigay na sustento sa kanyang pamilya
demonyo- kapag panay na ang punta ni mister sa "patay" ( sa lugar na patay sindi ang ilaw na may naglalambiting mga babae sa poste)
hayop- kapag nagalit na si misis
hayop ka rin- si mister sumasagot na, may kabit na!

PAUNAWA: Ang mga nabanggit na "katawagan" ay pawang katha lang ng may akda na walang maisip na ihula. Hindi paunawa ang kailangan kundi awa hehehe, huwag patulan ang mga katawagan ito, wala kayong mapapala.


LARAWAN: Ang larawan ay pinilit kong i-ugnay sa hula, pero totoo ang hula, wala talaga akong maisip na kaugnayan nito. Teka, ang mansanas nga ba ang kinagat ni Eba sa paraiso ng Eden? Hindi di ba??? Si Adam nga ba ang dahilan kung bakit may adam's apple ang mga lalaki? Nagtatanong lang naman. Sige tutulog na lang ako ...have a nice weekend everyone!

6 comments:

  1. Andito na ba sa Doha si Sugarpie mo ngaun? Lungkot naman?

    Nangyari na sa akin lahat ng 5 nabanggit na yan, ang pinaka malala ay iyong:

    Gusto mong magshopping pero wala kang datung whaaaa, daming sale ngaun dito hehehehe, kaya nalulungkot ako.

    Happy weekend.

    ReplyDelete
  2. Pope- di pa diyan, 9 days lang sya at babalik na uli then baka Jan or Feb tuloy na tuloy na. Oo nga daming sale din dito di nagcecelebrate ng Christmas ang mga Hapon eh nakikicelebrate na rin sila kaya daming tukso...di bale nandiyan naman ang BFF ko na si master at visa laging maaasahan LOL

    ReplyDelete
  3. cute naman ng mga mansanas! :)

    dagdag ko "switness" - tawag yan talaga ng isang kaibigan ko sa asawa nya, bagong kasal pa lang k'se. napapakunot noo na lang ako! hahaha!

    ReplyDelete
  4. di bale sandali lang naman mawala sa tabi mo si mahal. enjoy yourself na lang :)

    ReplyDelete
  5. In fairness, cute yung photo ng mga mansanas ha. Impressive!

    Ung isa kong kabarkada, sweety ang tawagan nila.

    Ung parents ko, mi (short for mommy) and di (short of daddy, obviously). Ganun din ang tawagan nila ng kapatid ko at hubby nya.

    Kami naman ng sinisinta ko, hon ang tawagan namin.

    Keso no?

    ReplyDelete
  6. syel- kakatuwa naman yun friend mo at "sweetness" tawag parang friendship ha hehehe; cute nga yun mansanas, mansanas made of masanas din hehehe

    lifemoto- oo nga malapit na rin siyang bumalik isang linggo pa hehehe, hay blogging na nga lang ang pampawala ng lungkot

    Nebz- oo nga cute nila mansanas na gawa sa mansanas hehehe...hanep "hon" pala kayo ha, sweet naman, kakainggit....kami ano eh ahhh..."pssst" at "hoy" LOL joke lang no baka may maniwala at pumatol hehehe....secret ko na lang yun, pag gabi iba rin tawagan namin, pag umaga iba rin, oks ba? hehehe

    ReplyDelete