Wednesday, October 21, 2009

HULA SCOOP: May makakasalubong ka na "maitim"



HULA: May makakasalubong ka na itim na pusa, kung walang pusa pwede na rin ang ita, nognog, baluga, daga, ipis, aso, langaw, bubuyog o lamok basta may maitim ka na masasalubong. Kapag nasalubong mo, huwag mong pansinin makakalagpas din sa’yo yan... hehehe

SCOOP: May naalala ba kayo sa itim na pusa??? Pag may itim na pusa akong nasasalubong naaalala ko lang ang pamahiin tungkol dito na mula pa sa ating mga ninuno, ang ilang pamahiin ay patuloy pa rin sinusunod ng mga tao lalo na ang ma konserbatibong Pilipino. Ako, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin, pagpasensiyahan nyo po ako lumaki kasi akong hindi namulat sa mga ito.

Narito ang ilang pamahiin na pilit kong intindihin pero di ko maintindihan, kaya ako’y mag-iiwan ng katanungan, kayo alam nyo ba?


PAMAHIIN

1. “Bawal paliguan ang pusa”

Sardz: Anong wala ang pusa na meron ang aso??? ano???? aw-aw (kahol??)?? hehehe bakit di pwedeng paliguan??? kaya pala amoy laway lagi ang pusa, naliligo na lang ng laway hehehe

2. “Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.”

Sardz: hahaha, bakit pahihirapan mo pa ang pagbibigyan mo??? why?????

3. “Bawal magpakuha ng larawan pag tatlo kayo”

Sardz: Pa'no na lang kung iisa lang ang anak ninyo, hindi ba kayo pwedeng magpa family picture????Paano ko kung tatlo kayong BFF as in bestfriends forever??? iiwan nyo ba ang isa't isa?

4. “Upang maalis ang iyong takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos”

Sardz: Wala ng centimo sa atin, bente singko nga binubutas pa eh hehehe


5. “Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan”

Sardz: Lagi na lang ba akong iiyak sa gabi at mugto ang mata sa umaga para lang masaya???


6. Mga pamahiin kung kailan hindi dapat maligo:

- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes

- Huwag maliligo sa hapon

- Huwag maliligo sa gabi

- Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan

- Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo

- Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon

- Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro

- Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan

- Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom

- Huwag maliligo matapos kumain

- Huwag maliligo bago magsugal

- Huwag maliligo pagkatapos magsimba

- Huwag maliligo kapag may bahag-hari

- Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan

Sardz: Anak ng putakte, anak ng pating, anak ng boogie, anak ng kamatis, anak ng tilapia, anak ni Hudas....grabe, ang daming bawal! Ang baho pala ng Pinoy noon???!! hehehe

PAUNAWA: Ang mga pamahiin na nabanggit ay mula sa mga narinig at nabasa ko, huwag babasahin ang hula ko sa gabi na nakahiga.....baka ikaw ay mabulag.

UKOL SA LARAWAN: Mga larawan ng pusa na hindi naliligo sa bahay ng Ate ko hehehe, peborit nilang unan ay yun may punda na "hello kitty" hehehe hmmm malalaki na kaya sila o baka naman naitapon na? Miss ko na kasi sila eh waaaaaaaaaaaa




14 comments:

  1. Hehehe :D Isa pa, paikutin mo raw ang plato mo kapag aalis ka na sa hapag kainan at may maiiwan ka pang kumakain...

    Malamang sa restaurant ang daming umiikot na plato lolzz

    ReplyDelete
  2. hindi rin ako naniniwala sa mga pamahiin...

    sabi ng kapatid ng lolo ko,
    wag dn daw magpuputol ng kuko pag byernes...
    pano na pag may gimik at kelangang magpamanicure?

    tapos pag may patay bawal maligo sa sariling bahay... bawal din daw lumingon pag nailabas na amg kabaong sa bahay... bawal din bumalik... ewan ko...

    ayaw ko pa rin maniwala! pag oras mo, oras mo na!

    ReplyDelete
  3. meron pa...

    wag daw mag walis sa gabi dahil mawawala daw ang swerte sa buhay...
    e pano kung sobrang dumi na ng bahay at nilalangaw at iniipis na? hindi pa rin ba pdeng magwalis?

    eto pa...bawal daw magligpit ng mga plato kapag may kumakain pa kase baka daw ndi na makapag-asawa ung tao... (applicable sa mga singol yan!hahaha!)
    pano kung masyadong pihikan lng tlga yung tao kaya ndi makapag asawa? hehehe...

    at wag daw maligo ng tatlong araw kapag unang dinatnan ng period at dapat daw e umakyat sa ikatlong palapag ng hagdan...hay naku...e di ang lansa nun! tsaka pano kung walang hagdan?? hehehe...

    ReplyDelete
  4. Ang biyernes ay sinasabing malas na araw. Ang batayan nito ng sina-unang tao ay dahil ito ang araw ng kamatayan ng katawang-lupa ni Kristo. Si Kristo din ang batayan ng numero 13. Dahil si Hudas, na ika-13 na apostoles, ang nag "hudas" sa Kanya! Kaya sinasabing napakamalas ng ika-13 ng Biyernes dahil dito.

    Sa pusa naman kung bakit bawal paliguan. Subukan mo lang, kung hindi puro kalmot ang kamay mo!

    ReplyDelete
  5. CM- oo nga isa pa yang pamahiin na yan, na iikutin hay kakaloka talaga kung bakit kailangan pang ikutin anong kinalaman kaya nun

    AZEL- pati pala kuko bawal putulin pag Byernes? ano ba yun? ano bang meron sa Biyernes hehehe, naku mas marami talagang pamahiin pag may patay...matalakay nga uli yan dito hehehe

    J3e- hehehe oo yan pagwawalis na yan kaya madumi ang bahay sa iba meron pa ngang commercial si Inday about dyan eh yun, "eh di ibalik ang swerte" hehehe

    Blogusvox- ikaw pala ang sumagot sa tanong ko kung anong meron ang Biyernes hehehe, so kay Kristo pala galing yun pero wala naman sa bibliya na bawal ang mga pamahiin na yan na patungkol sa Biyernes, about sa pusa.....bwahahahahahahaha oo nga kakalmutin ka nila hehehe, huwag mong hawakan yun pusa ilublob na lang sa drum na puno ng tubig ganun ko pinaliguan ang kuting namin noong maliit pa ako eh hehehe....challenging ang magpaligo sa pusa hehehe

    ReplyDelete
  6. Marami talaga tayong mga kakatwang pamahiin. Kahit moderno na ang panahon natin ngayon ay sinusunod pa rin ang ilan sa mga ito.

    Minsan ay naligaw ako at kailangan baligtarin ang damit upang matunton ang tamang lugar. Ito ang sabi sa akin ng mga matatanda kaya nga binaligtad ko at ayun natagpuan ko ang lugar..dahil tinext ko kausap at sinabi kong sunduin na lang ako...

    ReplyDelete
  7. Grabeh, daming bawal sa pamahiin natin, hehehehe, pero ang nakatutuwa talaga ay iyong bawal ang 3 sa litrato hahahaha.

    Thanks for reminding us of our traditional "old sayings"... sarap balikan ang mga nakaraang kinagisnan.

    ReplyDelete
  8. Dennis- natawa naman ako sayo, binaliktad mo pa damit mo pero nagpasundo ka naman pala hahaha nagpacute ka pa yata eh, congrats pala sa natanggap mong award

    Pope- iisa lang ba anak mo? Kaya di applicable sayo ang pamahiin sa litrato hehe hay ang dami pa ngang weird na pamahiin e next post na lang hehe

    ReplyDelete
  9. dami ngang pamahiin na di ko malaman kung bakit naging bukang-bibig o sumikat ang mga ito. kakatawa naman iyong mga "bawal maligo" quotations, LOL! basta ang alam ko, pag di naligo, mabaho, LOL... agree? hehehe

    ReplyDelete
  10. Ako nga mismo hindi ko rin alam kung bakit hindi pinapaliguan ang pusa. Whew!

    ReplyDelete
  11. docgelo- oo agree ako sayo ang di maligo mabaho as in "usi" singlakas ng usi ang putok mo pag di ma naligo hahaha

    RJ- hahaha kaya di pinapaliguan ang pusa kasi sabi ni blogusvox nangangalmot LOL

    ReplyDelete
  12. ngayon ko lang nakita 'to. kawaii ang mga kuting! meron akong pusa dati, every week pinaliguan ko, linis ng tenga at ginugupitan ng kuko. hehehe! pasaway ako eh, gusto ko malinis pusa ko.

    ReplyDelete
  13. kawaii mga kuting. bakit ako, yung pusa ko dati, every week pinapaliguan, nililinisan ng tenga at ginugupitan ko ng kuko. pasaway ako sa pusa ko eh, gusto ko malinis. hehehe!

    ReplyDelete
  14. bawal kumain sa takip ng kaldero hindi na makapagaasawa, tatandang binata o dalaga;

    bawal magsuklay sa gabi, makakalbo ka;

    ReplyDelete