HULA: Mapapangiti ka na mag-isa para kang sira-ulo dahil wala ka naman kausap, kasi naaalala mo ang mga masasayang araw mo noon.
SCOOP: Pag napapangiti ka mag-isa malamang ang kausap mo lang ay sarili mo. Nagmumuni-muni ka, walang masama diyan dapat mong ibahagi yan kaibigan. Kaya ako eto nagmumuni-muni rin sa mga nakaraan ko , ewan ko ba bakit ganito? Kakainis kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan…hay buhay. Yun bata sa larawan ay isa sa mga ikukuwento ko sa mga naalala ko noon.
Ang mga pinagmumuni-muni ko:
Book- di ako nahilig magbasa ng libro nang maliit ako, wala kasi kaming pambili nito, komiks lang kaya naming bilhin
Illustrator- ang peborit kong dibuhista sa funny komiks ay sina Roni Santiago (Planet op d eyps) , LS Martinez (Superkat), Pat V. Reyes (Niknok)
Raket- noong maliit ako nagpapa arkila ako ng komiks at nagtitinda ako ng sago’t gulaman at ice candy sa basketbolan kapag may paliga ng basketbol minsan naman nagtitinda ako ng barbecue sa tapat ng tindahan namin, yan ang mga raket ko nun
Talent- noong walong taon ako, tumula ako sa Tita Betty’s Children show sa DZBB sa sobrang haba ng tula ko (50 lines, 10lines/stanza), nalimutan ko tuloy yun tula ko at huminto ako pero tinuloy ko pa rin nang maalala ko hehehe pero kahit paano nanalo ako ng 2nd prize, ang pamagat ng tula ko, “Ang Kabataan at Ang Pananampalataya” hmmmm nasaan na kaya ang kopya ko nun??
Hobby- ang hobby ko noon bata ako ay mag-ipon ng tansan pipitpitin ang mga ito para gawing pangkalansing pag mangangaroling at mag-ipon ng tiket ng bus na hanggang ngayon di ko alam kung bakit ko inipon yun noon hehehe
Damit- noong bata ako, nagkakaroon lang ako ng magarang damit pag birthday ko at pasko
Author- kilala kong mga author ay hindi author ng libro kundi author ng komiks, sina Pablo Gomez, Carlo Caparas, Elena Patron, Nerissa Cabral at iba pa….hanggang komiks lang pala ako hahaha
Yaya- wala akong naging yaya meron yoyo naglalaro ako nito pero hindi ako marunong ng walking the dog o kahit ano pang exhibition ang mahalaga nakakabalik ang yoyo ko sa kamay ko kada tinatapon ko sa ere hehehe
Komiks- funny komiks ang paborito ko - dito ako natutong nahasa magbasa at nakilala si Niknok at pinangarap na makilala siya at makamayan hehehe; nagpadala rin ako ng dalawang drawing dito at nafeature din sa komiks tinago ko para souvenir pero nawala din huhuhu (paging Dennis Villegas baka meron ka copy hehehe)
Opo- ang natutunan ko sa mga magulang ko na napamana ko sa aking mga anak kahit bulol pa silang magtagalog basta may “opo” kahit minsan over na like “Mama po nasaan po yun gamit ko po” hehehe
NGAYON
pakibasa na lang ang mga unang letra sa mga sinabi ko at idugtong nyo yun ngayon hehehe at saka kayo magcomment hehehe….please para nyo nang awa lol
PAHABOL: Si Kris Aquino kahit super arte niya gusto ko siyang maghost ng show, ninanamnam ang mga sagot ng kausap at sabay banat ng kanyang nalalaman kahit wala nang masabi kausap niya hehehe; si Lea Salonga naman magaling kumanta at isa rin niya akong tagahanga. Silang dalawa kasabay kong nagtake ng NCEE ……so hulaan niyo kung anong kaugnayan nito sa akin hahaha. Kung di ninyo alam…..”you harden there!” manigas kayo! You rock!!! Bato kayo!!!! Hehehe
Ready, sing! "Happy birthday to you, happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Sardonyx!" o",)
ReplyDelete38 years old na po si Kris Aquino. U
Happy happy happy beerday!
ReplyDeleteSayo ang inumin
sayo ang pulutan
Hehehe :D
Walang bang kainan?
Hahaha ang bilis ah, thanks RJ waaaaa ang tanda ko na
ReplyDeleteCM- thanks walang handa eh di nauso yun lalo na pag tumatanda na hehehe
ReplyDeletehappy birhday!!!!! kainan naaaaaaaaa!!!
ReplyDeleteThank u hehe papansin ba? Lol ganun yata pag tumatanda hehe
ReplyDeletehappy birthday! sana ay masaya ka today! pa-burger! :D
ReplyDeletesyel- salamat tara punta ka dito ililibre kita ng teriyaki burger sa Mcdo hehehe
ReplyDeleteHappy Birthday!
ReplyDeleteHAPPY BIRTHDAY Bb. Sardz, wishing you a HAPPY, HEALTHY and WEALTHY life.
ReplyDeleteKelan ang transfer ng husband mo sa Al-Udeid? Kasama ka ba?
Malayo sa amin (Doha Airbase) ang Al-Udeid Base but I regularly go there,pero next year lilipat na kami duon permanently, inaayos na yung lilipatan namin.
A blessed weekend to you and your family.
Happy Halloween este Happy Birthday, Sardz!
ReplyDeleteLorena- thanks and I'm glad you dropped by
ReplyDeletePope- thanks sa bati, sa Feb pa naman ang alis niya and nope we will be staying here so single na naman ako huhuhu.....marami bang bar dyan? hahaha
blogus- happy halloween too! hehehe
Hindi, bata pa nga kayong tingnan. Whew! Nokia OVI lang naman pala ang makapagpapalabas ng picture n'yo rito sa blogosphere! o",)
ReplyDelete"I ponder," 'ika ng PEBA-Nokia flash banner ad. Pang-model! U
RJ- hahaha nakita mo na??? thank you (baka naphotoshop lang nila yun hahaha) ssshhh wag kang maingay, eh di ba nagpost naman ako ng picture ko... nun bata nga lang ako hehehe, ganun din naman yun mukha di ba? hahaha
ReplyDeletehuli na ba ako missy sa pagbati ng maligayang kaarawan? dapat po pala mangopo ako, kaedad nyo po pala si kris aquino, LOL! PEACE!!! birthday nyo (po) remember! smile, be happy! seriously, i thank you for posting your entries here as unique as no one else's and of course, salamat din frequenting my site.
ReplyDeletealam ko ang nasa larawan sa itaas, kuha sa C.O.D. sa cubao pa di (po) ba? FYI, nasa Greenhills Shopping Center na (po) ang C.O.D. display every Christmas season... muli, maligayang kaarawan!
Biratday daw ang nabasa ko. Hehe. Xnxia na nal8 ako ng dalaw. Happy birthday, Missy. I pray that God show you with more blessings -- you and your family, all the days of your lives.
ReplyDeleteKung may isa akong maibibigay na consolation sa u: Kahit ilan pang birthday ang dumating sa buhay mo, mas laging matanda pa rin ako sa u. Hehe.
Godbless po. (E ba't may po? Tanda ng pagrespeto sa iyong galing sa pagsusulat at pag-aaliw.)
docgelo- hahaha wag ka ng mag opo at lalo akong tumatanda waaaaaa....ba't naman ako magagalit eh lalo lang akong tatanda nun hehehe, oo tama ka sa COD nga yan hehehe, nanotice mo ba na bukas yun zipper ko? hahaha, nasa greenhills na pala ang COD? akala ko nga wala na yun meron pa pala
ReplyDeleteNebz- ok lang kung late ka sa pagbati, salamat sa wish and pray mo....teka bakti laging mas matanda ka sa kin eh di ba mas matanda ako sa'yo?? hehehe consolation ba tawag dun? hehehe
ayoko ng po sa hulascoop ko bawal hehehe