Monday, October 26, 2009

HULA SCOOP: Mag-ingat sa Taong Malapit Sa'yo



HULA: Mag-ingat sa isang taong malapit sa’yo baka ikaw ay linlangin niya.

SCOOP: Sa panahon ngayon dapat tayong mag-ingat sa mga taong ating kakilala lalo na sa bago lamang nating kakilala. Huwag basta-basta magtiwala kaagad sa isang tao lalo na kung pera na ang pinag-uusapan.


```````````````````````````````````

Mayroon akong ibabahagi sa inyo na aking sariling karanasan na nawa’y kapulutan ninyo ng aral. Hindi lang ito tungkol sa kaibigan, higit pa sa kaibigan dahil ito ay mismong anak ko. Pasensiya na at medyo seryoso ako ngayon dahil anak ko na ang pinag-uusapan dito. Ito ay tungkol sa anak kong lumaki sa kalayawan. Ibinigay ko ang lahat ng gusto, video games, laptop, damit, sapatos at kahit anong gusto binibili ko pero ang kapalit pala ay pagwawaldas ng pera ko. Nakakahiya mang ibahagi dito pero gusto ko rin ipamulat sa iba na huwag masyadong bigyang layaw ang anak na kalaunan ay lilinlangin din pala kayo.


tingaling-ngaling..........


Nang minsan iniwan ko ang kuwarto naming mag-asawa na bukas ang pinto at bukas ang laptop ko (actually palagi namang bukas ang pinto namin, tuwing gabi lang sarado de kandado ito hehehe) at eto na po ang magaling kong anak ay lihim na ginamit ang account ko sa online at presto…….bumili ng bumili ng gamit na hindi ko naman kailangan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para gawin ito. Nalaman ko na lang nang makita kong ubos na ang pera ko sa account. Ginawa na niya dati yan pero pinatawad ko siya pero this time ginawa na naman niya uli, inilipat niya ang ibang binili kong gamit sa account niya. Hindi ko na talaga siya pagbibigyan ngayon. Hayyyy nagalit ako sa anak ko at nag-away talaga kami, eto ang sinabi ko sa kanya, “Huwag na huwag mong pakikialaman ang account ko, kaya pala naubos ang pera ko pinagbibili mo ng gamit na hindi ko naman kailangan ginawa mo dati yan sa “farmtown” ko bumili ka ng “fruit stand, windmill, tool shed at water well” na hindi ko naman kailangan, ngayon pati ba naman sa restaurant city ko ay gagawin mo??? Bakit kailangan mong isend as a gift ang mga gamit ko???? Hala isend mo uli sa kin pabalik ang couch ko at mga upuan ko! “ Hehehe ayun pinagalitan ko nga ang anak ko pinakialaman ba naman ang games ko sa facebook na farmtown at restaurant city, sino ba naman ang hindi magagalit nun, di ba??? hehehe. Laro lang yun pero paano na lang kung totoo na yun??? Napaisip ako bigla ng malalim ……”Hayy siguro dapat na yata akong mag-ipon ng pampiyansa sa anak ko hehehe (katukin ang kahoy......"knock on wood" naku wag naman sana magkatotoo hehehe). “ Yun anak kong binabanggit ko dito ay ang walong taon kong anak na lalaki. Na isa na rin addict sa Farmtown, Farmville at ngayon nga ay yun Restaurant City. Hay ang bata nga naman, sarap minsan tirisin hehehe.

ARAL: Minsan “nakakabata” ang maglaro ng pambata pero ang batang naglalaro ng pangmatanda, ay kailanman hindi “nakakamatanda”.

LARAWAN: Kuha sa harapan mismo ng aming tirahan....ang aming malawak na palayan na inaangkin na hindi naman amin hehehe.....ito ang tunay na "farmtown" o "farmville."

13 comments:

  1. Sabi ko na bat may halong kalokohan ito sa huli eh!

    Hindi ako na-adik dyan sa laro ng facebook, pero yung isa kong pamangkin, haciendera na at may-ari pa ng ng food-chain.

    ReplyDelete
  2. as always... napatawa na naman ako ng malakas sa office! hahahahaha!

    ganyan din ako sa account nung "kaibigan" ko... dami na nyang pera... tapos paguwi nya sa haus ubos na! kase napanili ko naaaaaaa!!! dyarannnn.... ganda ng cafe nya... hahahaha!

    kala ko talaga totoo, promise! you got me!

    ReplyDelete
  3. blogus- hehehe natunugan mo na kaagad yun hula ko ha? hehehe, kahit yun asawa ko hindi nahilig sa facebook games kaya ginagamit namin ng dalawa kong anak yun account niya para lang makakuha ng ingredients sa kanya hehehe, sa facebook lang kasi ako nagiging mayaman biruin mo haciendero ka na may ari ka pa ng food chain hehehe

    Led- hi salamat sa dalaw oo farmtown nga, hula ko nagfafarmtown ka rin hahaha

    AZEL- hahaha naisahan ba kita??? grabe ka ginamit mo rin account ng friend mo hehehe para ka ring bata hehehe......yun anak ko lagi kong kaaway sa restaurant city eh, pa'no ba naman kapag iniiwan kong bukas yun resto ko pinagrerest nya mga empleyado ko para di ko siya maunahan sa paglevel up hahaha, awayin ko nga siya LOL

    ReplyDelete
  4. Hay naku, nakaka-inggit naman kayo, napakarami na ninyong mga lupain at haciendas, sana magkaruon ako ng time makahabol sa iyonng pinagkakaabalahan.

    At salamat sa patuloy na pagpapasaya mo sa amin thru your blog. God bless you and your family.

    ReplyDelete
  5. Hayyy naku Atche ako naman eh hindi ako mahilig sa farmville pero kung sisilipin mo ang FB acct ko eh meron ako nyan gawa at kina-a-addikan ng anak ko. Nakausap ng anak ko ang isa sa mga tita nya at sinabi na mag farmville daw sa facebook kaya ayun nag karoon ako ng farm. Pati nga pag update ng status ko cell phone ko pa gamit dahil hindi ako maka singit sa computer dahil nag ha-harvest or nag pa-plow or di naman kaya tumutulong sa kapitbahay para makarami ng XP points....minsan bad mood pa kasi nalagpasan na daw ng tita ang kanyang level...nakakabaliw...pati pag po-poker ko napurnada....hayyyy ang buhay nga naman ng farm...kung iisipin parang thinking...

    KBlag :)

    ReplyDelete
  6. Nakakainis. Akala ko for the first time, may seryosong usapan sa bahay ni Sardonyx. Farmtown pala! I never enjoyed it. Ewan ko kung bakit. Most of my friends are into it. Bigay nga sila ng bigay ng gifts. Decline naman ako ng decline. Gusto mo sa yo na lang? (Transferrable b ung mga un?).

    Matagal ko nang hindi dinadalaw ang farm ko. I'm sure patay n lahat ng mga tanim ko dun.

    ReplyDelete
  7. Sawang-sawa na ako sa kabukiran at manukan, pati sa internet ay farm pa rin?! Huh! Hindi ako nagfa-farmville o farmtown (di ko alam ang difference nila). o",)

    Na-tudla niyo po talaga ang lesson sa kwento niyong ito. Salamat for sharing.

    ReplyDelete
  8. akala ko totoo na talaga. hagalpak tawa ako dito. anti-social ako, puro ds na laro lang ginagawa ko eh.

    ReplyDelete
  9. LMAO!!!! ako naman ako ang gumalaw ng account ng anak ko sa farm town. LMAO!!!! grabe ka nakakaloka! susme! wala akong masabi sa iyo bespresn.. try mo na lang kaya ako muna at si scel i-reach sa bejeweled? LMAO!!!

    ReplyDelete
  10. Naku bat ba ganyan ang mga bata ngayon..nakikialam sa mga bagay na dapat ay sa magulang lang. Sana ay pinangaralan mo ng mabuti ang anak mo. Hala ipinagsimba mo sa Quiapo (may simbang Quiapo sa internet baka gusto mo?) heheheh

    ReplyDelete
  11. Kblag- Isa Lang solusyon dyan bumili ka ng bagong laptop hehe dahil may kaagaw ka na

    nebz- naisahan kita hahaha sayang di transferrable yun farmtown and farmville hehe pinag iisipan ko na ngang ihinto ang mga yun kasi di na ako nakakapagblog ng regular

    RJ- yan din ang sinabi ko sa friend ko kaso naconvince pa rin ako hehe yun anak ko naappreciate niya ngayon yun actual na nakikita nya dito sa farmtown namin dahil puro bukid din dito at kaya siya nakakarelate sa farmtown na game

    syel- anti social ka nga hehe puro ka ds, naglalaro ka rin ba ng cooking mama?

    Anony- ikaw ang dahilan bat ako nagfafarmtown lol grabe adik ka na, etong si anony friend ko siya pero di pa Kami nagmi meet in person hehe

    Dennis- oo sinabon ko nga sa sermon hehe bakit meron bang online na ang Quiapo church? Hehe

    ReplyDelete
  12. Pope- wag kang mainggit weather weather lang yan hehe kanya kanyang hilig ika nga hehe alam ko naman wala kang panahon sa mga yan

    ReplyDelete