Monday, October 5, 2009

HULA SCOOP: Iwasang pag-usapan ang buhay ng iba


HULA: Iwasang pag-usapan ang buhay ng buhay ng iba. Sa madaling salita, huwag makipagtsismisan!

SCOOP: Ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao ay walang idudulot talaga sa buhay mo, manapa ay baka ka madapa….kung saan man di ko na alam.


---------------------------------------------------------------------------

Basta “chismis” talagang huling huli ako sa balita, kasi ayoko talagang madapa hehehe pero may maidudulot bang kabutihan din ito? Ewan ko basta ako may di makakalimutang kahihiyan na nagawa ko:

1. Matagal ko ng nakikita ang isa sa kasamahan ko sa trabaho at palagi ko siyang nakikita sa front desk na may ginagawa at di ko pa siya nakasabay sa pagpasok o pag-uwi. Minsan nagkasabay kami sa pag-uwi habang naglalakad kami ay nakita ko siyang iika-ika, tinanong ko siya kung bakit siya napilayan. Ang sagot niya sa akin hindi raw siya napilayan, may polyo raw siya. Waaaaa hiyang-hiya ako nang malaman ko yun wala kasing nagsabi sa akin na may polyo siya at di rin naman ako nagtatanong. Nang malaman ko yun para akong mauupos na kandila (buti na lang di ako kandila hehehe) at di ko rin alam kung tatakbo ba ako sa kahihiyan sa tanong ko na yun. Kaya humingi ako ng pasensiya sa kanya at sinabi ko na hindi ko alam na may polyo siya, di kasi halata (nagpalusot pa no hehehe).

2. Nakita ko yun asawa ng kasamahan ko sa church, tinanong ko kung nasaan na yun asawa niya at matagal ko ng hindi nakikita. Ang sagot nun asawa (lalaki siya ha), ay sumama na raw sa dati niyang bf yun asawa niya, iniwan na siya at umuwi ng Pilipinas. At di ko na siya naawat, kinuwento pa niya ang buong pangyayari hehehe. Ngek, nabigla ako sa sagot niya as in wala akong kaalam-alam na balitang-balita na pala sa lahat ng sulok ng kasulok-sulokang lugar ang tungkol sa "pag-ipot" sa kanya ng asawa niya (hehehe) eh ako lang yata ang hindi pa nakakaalam. At yun guy naman panay pa ang kuwento di ko na napigilan ang pag kwento niya na may kasamang hikbi na nga eh (mabuti rin palang walang alam at nakakasagap ng totoong balita hehehe)…..sabi ko na lang “pasensiya na at naitanong ko pa siya sa’yo kasi di ko naman alam ang nangyari.” Hindi naman siya nagalit, akala raw niya alam ko ang balita na yun. Kinuwento ko sa asawa ko yun kapalpakan ko sa pagtatanong, at naku alam din pala niya ang balita na yun, buong tropa niya ay napagtsismisan na pala yun hehehe ako lang yata ang di nakakaalam. Grabe! Sinisi ko pa asawa ko at bakit di niya kinuwento sa kin hehehe.

3. Hay marami pa sana pero ayoko na tama na yun dalawang kuwento baka mahalata na ako niyan hehehe.....

KONKLUSYON: Minsan mahirap talagang maging tanga dapat din paminsan-minsan may alam ka sa buhay ng iba...BOW!!! hehehe....tama ba???

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay isang halimbawa na walang kwentang pag-usapan pero hinahanapan ng pakukuwentuhan. Si Tatang ba o ang seksi na babae ang baduy? Hulaan niyo? Ayan chismis na yan! hehehe ayoko niyan




9 comments:

  1. Hehehe :D Di ko pinansin ang pix sa taas at binasa ko ung entry kaso bandang huli nabanggit ang pix, langya binalikan ko lolzz

    ReplyDelete
  2. Ang pagiging tsismoso ng pinoy ay may pro and con
    Kaya lang ay dapat maging maingat sa pakikipagtsismisan. be a listener at di tsismiser. Sometime a person need someone to ask them. most of all be concerned.

    ReplyDelete
  3. Palagi akong nakakasagap ng tsismis. Kasi yung mga tsismoso dito alam na kung ano ang pumapasok sa tenga ko hindi lumalabas sa bunganga, as in; "atin-atin lang 'to ha? Alam mo bang si...". Ako naman tungo lang ng tungo! : )

    ReplyDelete
  4. Ang sabi nga ni Inquirer: Be informed. Hehe.

    Natawa naman ako sa kwento mo, and I agree that they do happen in real lives.

    Masarap akong pasahan ng tsismis. May grace period kasi ako. Kailangang marinig ko muna sa higit sa dalawang tao bago ko ipasa sa iba. Hehe.

    Sino ba'ng Pinoy ang hindi mahilig sa kwentuhan ng buhay ng may buhay? E di wala.

    Ung nga lang kapag too personal na ang topic at may bahid na ng paninira, parang hindi na sya nakakatuwa. Pag ganun, ang dialogue ko ay: '...and it should concern me because...?". Taroos!

    ReplyDelete
  5. mahiliga akong makipagkwentuhan,
    pero iba naman kung tsismis na, ayaw ko nun!
    i always try my best to observe, "hear no evil, speak no evil, see no evil".

    ReplyDelete
  6. ang pakikipag tsismisan ay may buting dulot; it's a bonding activity and stress reliever 'daw'! kung totoo, di ko alam, tsismis lang din sken yan eh! hehehe!

    ReplyDelete
  7. Haha, natawa ako. natawa rin ako sa comment ni blogusvox.

    Ang prinsipyo ko, if someone pass on information saken, if it is good, and uplifting, okay, if it is not, then leave it there.

    ReplyDelete
  8. Hehehe, mahirap nga pag-usapan ang buhay ng may buhay...pero kung artista ok lang. Minsan kasi masarap din maki-pag tsismisan lalo na kung medyo madaldal ang nagtsi-tsismis..heheheh

    ReplyDelete
  9. Lord CM- hehehe ganun talaga kailangan balikan mo yun picture ;-)

    Lifemoto-yup be a listener na lang nga ako kaso nagmumukhang tanga minsan hehehe

    blogusvox- aba maganda ka palang kakuwentuhan nyan panay lang ang tango mo hahaha, sigurado ka ba na walang lumalabas sa bibig? hehehe ok yan

    Nebz- natawa naman ako sa expression mo na "taroos" matagal ko nang hindi narinig yan word na yan....oo nga tama ka dapat 2 beses mo marinig bago ipamalita hehehe

    docgelo- ako rinmahilig makipagkwentuhan pero pag buhay na ng iba, mahirap yun hehehe baka mapaaway lang ako hehehe

    syel- hehehe tsismis din ba yun sabi mo??? so may mabuti rin palang naidudulot kung minsan di ba??? mahirap pala yun parang nagdadalawang isip na ko nyan hehehe

    Mr. Tots- saan mo iiwan??? sa ibang tao? hehehe, oo nga kung mabuti pwedeng ipasa pag hindi eh iwanan tapos apakan para hindi na makabangon hehehe, ang labo ko talaga

    Dennis- may tama ka dyan, artista na lang ang dapat pag usapan tutal public figure naman sila then hindi pa nila tayo kakilala kaya ok lang hehehe, dyan ako magaling sa artista hehehe pero sa buhay ng friends ko di ko alam hehehe

    ReplyDelete